Epilogue
“The rainbow after the rain.”
“De Silvia, Maghintay ka muna dito. May ibibigay ako sa’yo, kukunin ko lang sa loob.” Sabi ni Ms. Mira nang makababa na kami ng bus. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong magtanong pa dahil agad din siyang umalis at iniwan ako sa tapat ng gate ng eskwelahan kung saan kami ibinaba.
Kaya wala na akong nagawa at naghintay na lang doon. Nasa pang-45 na akong nabibilang na sasakyan na dumadaan nang bumalik siya. Taya ko ay inabot siya ng labing limang minuto bago nakabalik. Ano naman kasi ‘yung ibibigay niya? Baka reward dahil nanalo ako sa quiz bee.
“Reward po ba ‘yan, Ma’am? Okay lang naman po sa’kin kahit wala. Pero kung pinaghandaan niyo po talaga ‘to, wala na akong magagawa.” Pagbibiro ko pa sa kanya.
Ngumiti lang siya sa akin na napaka-unusual dahil hindi naman siya iyong palangiting teacher. Siya ay ‘yung masungit at striktong dalagang teacher, hindi matanda, mga nasa 20’s pa lang naman siya e. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan sa ngiti niya o tumakbo na lang agad dahil sa takot.
Inabot niya sa akin ang isang maliit na stuff toy na panda, agad namang kumunot ang noo ko. Pero dahil baka magalit siya ay tinanggap ko na rin ang panda na iyon.
“Para saan po ‘to, Ma’am?” tanong ko pagkatanggap ko ng regalo niya sa akin.
Muli siyang ngumiti sa akin, sa pagkakataong ito ay hindi ako kinabahan dahil hindi creepy ang ngiti niya. Parang na-excite pa nga ako dahil parang may assurance ang ngiti niyang iyon na sasaya ako sa araw na ito.
“Rainbow.” ‘yun lang ang sinabi niya at hindi nanaman ako nabigyan ng pagkakataong magtanong dahil biglang may dumamba sa akin galing sa likod. Muntikan pa akong masubsob buti na lang ay nakahawak ako sa railings.
“CHASER BOY!” Narinig ko ang boses ni Chew galing sa likod ko kaya alam kong siya ang nakasampa sa akin.
“Shit, Chew! Ang bigat mo, ano ba! Umalis ka nga diyan!” sabi ko habang pinipilit siyang ialis sa likod ko. Puta, parang tuko kung makakapit.
“Balita ko panalo ka daw ah! Congrats, pare!” sabi naman ni Trick na sumulpot sa gilid ko kasama si Rye.
“Tangina pare, may tinatago ka pa lang katalinuhan sa bumbunan mo! Pahingi naman!” sabat ni Rye at binatukan pa ako. Putangna.
Buong lakas kong inalis si Chew na likod ko at nagwagi naman ako. Hindi ko na pinansin ang malakas niyang aray at agad kong binatukan pabalik si Rye.
“Tsk. Ano bang ginagawa niyo dito? Kanina pa uwian ah.” Wika ko habang pinapagpag ang nagusot kong damit. Tsk. Mukhang nadumihan pa ata, regalo pa man din ito ni Sesha.
“Parang taeng-tae kang umalis kami ah! Grabe ka, hindi mo man lang pinapahalagahan ang pagkakaibigan natin?” madramang sagot ni Chew habang kumakapit sa braso ko nang sobrang higpit.
“Ano ba para kang linta!” pilit kong tinanggal ang pagkakakapit nioya sa braso ko. “Nagmana ka talaga sa mga magulang mo! Madrama! Tsk. Nagusot nanaman tuloy.”
Artista kasi ang mga magulang ni Chew at kilalang may-ari ng isang talent agency at recording company.
“Alam mo, imbis na mainis kang makita kami, magpasalamat ka na lang.” sabat naman ni Trick, naguluhan naman ako sa sinabi niya, at kailan pa ako nagpasalamat sa presensya nila?
“It’s a good day ahead, De Silvia. Bilisan niyo na at baksa mainip pa ‘yung isa kakahintay. Ako nang bahala sa guard.” Sabi naman ni Ms. Mira at bigla naman siyang inakap ng tatlong unggoy.
DU LIEST GERADE
A Best friend's Chase (Completed)
Jugendliteratur(Crazy Friendship Series #1) Kailan nga ba nananatiling kaibigan lang ang isang kaibigan? Hanggang kailan nga ba dapat habulin ang isang taong ayaw magpahabol? "Tao lang naman ako, hindi machine." Nanginginig ang kanyang boses. Malungkot ito at m...