ABC (8) - "Ikaw ang gusto ko para sa'kin."

2.4K 53 1
                                    

ABC (8) – “Ikaw ang gusto ko para sa’kin.”

 

Nang uwian din nang araw na iyon ay nagpaalam muna ako sa abnormal kong friends. Madalas kasi kaming magsabay sa pag-uwi pero dahil magpapaturo ako kay Chaser para sa quiz namin sa math bukas ay hindi muna ako sasabay sa kanila.

Habang hinihintay ko si Tukmol kung saan namin iniwan ang mga bike namin kanina ay kinuha ko muna sa bag ko yung snickers na dinekwat ko sa ref nila noong isang araw.

Pero bago pa man ako makaunang kagat ay may kumuha na noon sa kamay ko.

“Ay taragis.” Tae naman. Nahuli nanaman ako ni Chaser na kumakain ng chocolate. Wrong timing.

“Tsk! Kumakain ka nanaman ng chocolate! Maghahyper ka nanaman mamaya niyan eh.” Sermon naman sa akin ni tukmol.

“Eh! Ibalik mo muna sa akin yan!”

“ayoko! Ako nanaman ang papagurin mo sa kahyperan mo mamaya.” Reklamo nitya sabay tinapon sa basurahan ang pinakamamahal kong chocolate. Bigti na. :(

“Sayang yun!”

Hindi na niya pinansin ang reklamo ko at inayos na lang niya ang bike niya para makaalis na kami. Ganun din naman ang ginawa ko.

“Ang sabihin mo, takot ka lang na matalo kita sa basketball mamaya kaya kinuha mo yung chocolate.”

Nagsimula na kaming maglakad habang akay-akay ang mga bike sa gilid namin.

“Sus. Ako? Matatalo mo? Imposible.”

“Kapal mo!”

“Weak ka naman talaga! Hahahahahahahaha!”

“Oy! Hindi ako weak ah! Sipain kita diyan eh!”

Binehlatan ko na lang siya at ganun din ang gimawa niya sa akin.

Nasa ganoong posisyon kami nanag may marinig kaming magsalita sa harapan namin kaya napatigil kami sa paglalakad.

“Chaser. Para sa’yo.”

Nakayuko ang babae habang nakaextend ang mga kamay niya at inaabot kay Chaser ang isang cake box.

Nagkatinginan kami ni Chaser dahil sa gulat. Pero nanag lumaon ay sinenyasan ko siyang kunin ang cake dahil mukhang wala ata siyang balak na kunin iyon. Huminga muna siya ng malalim bago kunin ang cake nang hindi man lang nagpapasalamat.

Inangat naman ng babae ang kanyang mukha na may malawak na ngiti sa kanyang labi.

“Thank you. Thank you at kinuha mo.” Masiglang sabi niya at sunod-sunod na pagbow ang ginawa niya sa harap ni Chaser. Ito namang si chaser ay inirapan lang siya. Psh. Upukan ko ‘tong isang to eh.

“Thank you, Sesha. Thank you.” Sabi naman niya sa akin at nagbow din siya sa harap ko.

Nginitian ko siya sabay tango bilang pagbati sa kanya.

Umalis naman siya sa harap namin na may malawak na ngiti sa kanyang labi na sinabayan niya ng patalon-talon habang naglalakad.

“Oh, sa’yo na ‘to.” Sabay abot sa akin ni Chaser ng cake box na binigay sa kanya.

“ayoko nga. sa’yo binigay tapos ipapamigay mo sa iba.”

Nilagay na lang niya sa may basket sa harap ng bike niya iyong cake box. Nagsimula na ulit kaming maglakad sa kalsada.

A Best friend's Chase (Completed)Where stories live. Discover now