ABC (12) - "Sa'yo na ang puso ko."
At sa wakas after two months, natuloy din ang lakad namin noong first week pa ng August naplano. Papunta kami ng PNU ngayon para magpasa ng application form. Kaso ang tukmol nalate ata ng gising kaya hindi na ako naghintay sa bahay dahil baka lumutin ako sa kakahintay sa pagsundo niya sa akin.
Medyo malayo ang bahay namin sa kanila, iba kasi ang parte ng village kung saan nakatayo ang mga ordinaryong bahay tulad noong sa amin sa mga naglalakihan at nagtataasang bahay tulad nang kayla Chaser. May gate ngang nakaharang doon sa parte kung saan nakatayo ang mga malalaking bahay, laging may nakaabang guard doon at may hihingiin sa'yong pass o kung ano. Ichecheck muna nilang mabuti kung may dala kang kaduda-duda sa kanilang paningin. Mayroon pa nga sila noong mukhang dustpan na ginagamit sa pagchecheck sa mga ilalim ng sasakyan. Ilang beses ko ng tinitignan 'yun pero hindi ko pa rin magets kung para saan. Ewan ko ba.
"Sesha!" sigaw ni Manong Dante habang kumakain ng kanin at ulam sa loob ng guard house. Isa siya sa tatlong guard na nagbabantay sa entrance gate.
Inihinto ko ang bike sa tapat ng guard house at kumaway sa kanya. Kilala na ako ng mga guard na nagbabantay dito dahil madalas makipagchikahan si Chaser sa kanila. At dahil madalas din kaming magkasama ni Chaser ay napapasama na rin ako sa kwentuhan nila.
"Manong D! Kamusta po kayo? Mukhang masarap ang kinakain natin ah!" sambit ko naman sa kanya.
"Aba! Masarap talaga ito dahil luto ito ng maganda kong misis. Halika at tikman mo!" anyaya niya sa akin habang kinukumpas ang kamay niya at pinapapasok ako sa loob ng guard house. Palagi niyang pinagmamalaki ang asawa niya sa lahat. Kung gaano siya kaganda, kasipag at kabait na asawa
Tumawa naman ako at itinabi ko sa gilid ng guard house ang bike saka tumayo sa tapat ng pinto ng maliit na kainan ng mga tagapagbantay. Kung papasok kasi ako sa loob ay baka magkapalitan lang kami ng mukha ng mga guard sa sobrang sikip.
"Sasha!" sigaw naman ng pinakamatandang guard na nagbabantay dito, si Manong Felisimo. Magse-seventy years old na siya sa November at noong Abril pa nga niya kami iniimbita na pumunta sa bahay nila para ipagdiwang ito. Natatawa na nga lang kami ni Chaser at ipinapaalala sa kanya na sobrang aga pa para doon. Maski nga ang pangalan ko ay hindi pa niya natatandaang mabuti. Sasha, ang lagi niyang tinatawag sa akin. At lagi ko namang pinapaalala sa kanya na ako si Sesha, hindi sasha.
"Manong, Sesha po. Hindi Sasha." Sabi ko sabay mano sa kanya na nakapwesto malapit sa pinto.
"Sushi!" bati naman sa akin ni Kuya Lloyd na pinakabata sa kanilang tatlo.
Ngumiti ako at pinilit na makipaghigh-five sa kanya kahit nasa pagitan namin ang bilog na lamesang kinakainan nila.
"O? Nasaan na 'yung kadugtungan mo ng pusod? Hindi mo ata kasama? Pinaputol mo na ba?" pang-aasar naman niya sabay halakhak kahit punong-puno pa ng kanin ang kanyang bibig. Humalakhak din sina Manong Dante at Manong Felisimo.
Umirap ako sa kawalan sa sinabi niya. Palagi niya kasi kaming inaasar ni Chaser na magkadugtong daw ang pusod namin dahil hindi daw kami mapaghiwalay.
"Ay nako, Kuya. Matagal ko ng pinaputol 'yun! Kadiri kaya!"
"Talaga? Pumayag siya?" tanong naman ni Manong Dante sabay tawa ulit.
"At bakit naman po siya hindi papayag, Manong?" tanong ko habang kumukuha ng pandesal sa supot nito na nakalagay sa lamesa nila.
"Hindi papayag 'yun na mahiwalay sa'yo. Baka magwala 'yun. Hahahahahahaha!" sagot naman ni Kuya Lloyd sabay halakhak.
Napangiwi ako sa sinabi niya pero hindi ko na lamang pinansin 'yun.

KAMU SEDANG MEMBACA
A Best friend's Chase (Completed)
Fiksi Remaja(Crazy Friendship Series #1) Kailan nga ba nananatiling kaibigan lang ang isang kaibigan? Hanggang kailan nga ba dapat habulin ang isang taong ayaw magpahabol? "Tao lang naman ako, hindi machine." Nanginginig ang kanyang boses. Malungkot ito at m...