ABC (36) – “Kailan ba kita natiis?"
Kinabukasan ay birthday ni Manong Felisimo, ‘yung guard sa subdivision nila Chaser na laging nakakalimutan ang pangalan ko.
Matagal na niya akong iniimbitahan sa birthday niya, April pa lang ay kinukumbida niya ako, nakakahiya naman kung hindi ako pumunta. At tsaka malapit na rin siya sa akin, para ko na rin siyang lolo.
Malapit sa subdivision namin ang pinangungupahan nila Manong Felisimo, kaya’t no sweat para sa akin ang pagpunta sa bahay nila.
“Sasha! Nakarating ka!” sinalubong agad ako ng yakap ni Manong nang makita niya akong naglalakad malapit sa bahay nila.
“Lo, Sesha po. Hindi, Sasha.” Pagtatama ko ulit sa kanya.
Unti-unti niyang tinanggal ang pagkakayakap sa akin at kunot-noo niya akong hinarap.
“Ay ganun ba? Pagpasensyahan mo na at makakalimutin ang matandang ito. Tara na loob at nang makakain ka na, Sasha.” Tuwang-tuwa siya habang hinahatak ako papasok sa loob ng kanilang bahay.
Napakamot na lamang ako sa ulo dahil hindi na talaga siya tumama pagdating sa pangalan ko, hayaan mo na, matanda na e.
“Andito na siya!” sigaw ng matanda nang makarating kami sa loob.
Isang typical na apartment ang tinitirhan ni Manong Felisimo, hindi masyadong maliit, hindi masyadong malaki. Makarugtong ang sala at kusina na pinaghihiwalay ng hagdan patungo siguro sa mga kwarto sa taas. Sa tabi ng hugasan ang banyo at sa gilid ng dining table ang lutuan nila. Tama lamang ang lugar na ito para sa kanilang dalawa.
Nagsilabasan sina Manong Dante at Kuya Lloyd mula sa kusina. May dala-dala pa silang kanya-kanyang pinggan na punong-puno ng pagkain.
“Sesha! Buti nakarating ka!” nilapitan ako ni Manong Dante at niyakap ako habang hawak pa rin niya ang pinggan sa kanyang kanang kamay.
“Siyempre ako pa! Palalagpasin ko ba naman itong birthday ni Manong Felisimo?! Hindi ata ako tumatanggi sa tsibugan!” pagbibiro ko sa kanya. Well, jokes are half meant.
“’Yan naman talaga ang sinasabi ko e.” Itinaas ni Kuya Lloyd ang kamay niya at nakipag-appear naman ako sa kanya.
“O asan na si Chaser? Ba’t hindi mo kasama?” nagtatakang tanong niya sabay tingin sa likod ko upang icheck kung may kasama nga ba ako.
Kinabahan agad ako nang marinig ang pangalan niya. Hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin at kung paano ko ito sasabihin.
Sasabihin ko ba na nalaman kong mahal niya ako at malamig siya sa akin na hindi ko naman alam kung bakit pero okay lang sa akin pero hindi?
O sasabihin ko na lang na sumakit ang tiyan niya dahil kumain siya ng hilaw na manga na sinawsaw niya sa toyo sabay inom ng pinaghalong coke, sprite at mountain dew?
Sa dinami-dami nang naisip kong excuse ay isa lang ang nagawa ko. The easiest way out.
Nagkibit-balikat na lamang ako. “Ay nako, nagrereklamo na ‘yung mga bulate, dragon at ano pang animal na meron ako sa tiyan. Kaya lumamon na tayo!” sabi ko sabay lakad papunta sa kusina kung saan nakalagay ang kainan at nakahain ang mga pagkain.
Pagkapunta ko doon ay nakita ko agad si Ate JR na inaayos ang mga pagkain, nakasuot siya ng kanyang tipikal na poloshirt at pantalon na pinatungan niya ng apron. Ngumiti siya sa akin kaya’t napangiti rin ako sa kanya pabalik.
“Kamusta ka na? Buti naman at nagawi ka rito.” Sabi niya nang may malalim na boses. Minsan talaga hindi pa rin niya matago ang kung ano siya dati.
“Okay lang naman po. Kayo po? Kamusta po kayo?” tanong ko naman sa kanya habang tinatanggap ang pinggan na ibinibigay niya sa akin.
“Ganun pa rin. Maganda.” Mapagbiro niyang sabi kaya sabay kaming natawa.
“Junior, anak! Bigyan mo ng pagkain si Sasha! Bibili lang ako ng RC Cola sa tindahan.” Narinig naming sigaw ni Manong Felisimo mula sa sala.
“Opo.” Tugon naman ni Ate JR.
Napatingin ako sa kanya ganun din naman siya sa akin, binigyan niya na lang ako ng isang matipid na ngiti. Hanggang ngayon pala ay ganun pa rin ang tawag sa kanya ni Manong Felisimo, Junior pa rin, ‘yung lalaking anak pa rin niya ang naaalala niya. Nakalimutan nanaman niyang hindi na siya ang dating si Junior.
“Oy, Sushi! ‘Wag mong ubusin ‘yang pagkain! Andito pa kami!” naramdaman kong may umakbay sa akin si Kuya Lloyd habang sinasabi iyon. Nakita ko rin na kasunod niya si Manong Dante.
“Halika dito, Sesha!” hinigit ako ni Manong Dante palapit sa kanya kaya’t natanggal ang akbay ni Kuya Lloyd sa akin.
Ipinakita sa akin ni Manong Dante ang isang lalagyanang may lamang Kare-Kare. “Luto ng asawa ko ‘yan! Masarap ‘yan! Tikman mo!” sabi pa niya.
Kumuha naman ako ng kutsara at tinikman ang Kare-Kare, pumikit-pikit pa ako para may epek. “Hmm! Sarap talagang magluto ng misis niyo, Manong! Nakalimutan ko na ata ang pangalan ko!”
Tumawa naman sila sa sinabi ko.
“Siyempre! Asawa ko ‘yun e!” pagmamalaki ni Manong Dante.
“Mukhang late na ata ako ah.” Tumindig ang balahibo ko nang marinig ang boses na iyon. Shit!
“Chaser!” sabay na sigaw ni Manong Dante at Kuya Lloyd sabay lapit sa kanya.
Nalaman kong nasa likod ko lang siya dahil doon pumunta sina Kuya at Manong. Fudge.
Kinagat ko ang labi ko dahil nakaramdam ako nang matinding kaba. Hindi ko naman alam kung bakit.
“O, bakit may pasa ka? At tsaka bakit hindi kayo sabay na pumunta ni Sesha dito? Nag-away ba kayo?” tanong sa kanya ni Manong Dante.
Huminga ako ng malalim dahil sa tanong niya at nag-panic. Teka, ba’t ba ako nagpapanic?! Kumalma ka, Sesha!
Naramdaman kong pumunta siya sa tabi ko kaya’t nagtama ang mga braso namin. Kalma, Sesha! Kalma! Shit! Shit! Shit! Naramdaman ko ang pagdaloy ng kuryente sa buo kong katawan ng mga sandaling iyon!
Naramdaman kong tumingin siya sa gawi ko. Ayon sa peripheral vision ko ay naka-half smile siyang tinitigan ako. “Wala e. Hindi ko siya matiis.”
Fuck. Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Humina ang mga tuhod ko dahil sa sinabi niya pero tumayo ako ng matuwid. Hindi ako pwedeng manghina sa harap niya.
Napatingin na lang ako sa harapan ko at nakita ko si Ate JR.
Tumaas ang kanyang dalawang kilay at ngumiti sabay kibit-balikat. Putcha, pati siya nang-aasar.
---
Galaxy note:
Sorry kung maiksi. :(
ESTÁS LEYENDO
A Best friend's Chase (Completed)
Novela Juvenil(Crazy Friendship Series #1) Kailan nga ba nananatiling kaibigan lang ang isang kaibigan? Hanggang kailan nga ba dapat habulin ang isang taong ayaw magpahabol? "Tao lang naman ako, hindi machine." Nanginginig ang kanyang boses. Malungkot ito at m...