ABC (11) – “Huwag ka nang dumagdag. BACKOFF.”
Lumakas ang tilian ng mga babae nang makuha muli ng team namin ang bola. Na kay Ome ang bola at sinipa niya iyon kay Alba. Tumakbo naman si Alba papalapit sa goal ngunit dinumog siya ng mga panget kaya sinipa niya ito kay Chaser na malapit sa goal at walang nagbabantay. Napatigil ang lahat ng sipain niya ito nang malakas patungo sa net na binabantayan ng isang matabang player mula sa kabilang team na kamukha ni Chikito.
Naghiyawan at nagsitayuan ang mga audience nang nasubsob si Chikito sa damuhan at pumasok ang bola sa goal. SHET! SHET! NAKAPUNTOS SILA!
Sinundan ng mga kateam niya si chaser na tinatakbo ang buong field dahil sa kasiyahan. Natawa na lang ako sa kayabangan ng mokong na ‘to. Aakalain mong wala siyang iniindang sakit kanina. Namayani pa rin ang tili at hiyawan ng mga tao sa field nang biglang nahagip ako ng mga mata ni Chaser. Nakangiti siyang tumakbo papunta sa akin at tumigil sa harap ko. Nag-‘bang bang’ posisyon ang kamay niya na nakaturo sa akin sabay kindat nanaman. Shit. TANG-INA DE SILVIA. TANTANAN MO KO DAHIL KANINA KO PA GUSTONG TUMAKBO!
Muli ko nanamang naramdaman ang pitik sa aking dibdib. Bwisit. Ano bang nagyayari sa’kin? Langya talaga ang kumag na ‘to. Kung anu-ano ang ginagawa sa’kin. Tinaas ko ang middle finger ko sa kanya para hindi ipahalata ang kabang nararamdaman ko ngayon. Tumawa naman siya at saka siya dinumog ng kanyang mga co-players na agad siyang pinagbababatukan.
Nahiyawan silang lahat sa sobrang saya. Wala na akong pakialam. Wala na akong pakialam dahil namomoblema ako sa puso kong mas malakas ang pagpintig kaysa sa mga hiyawan nila. Taragis talaga.
Natapos ang game 1 at nanalo sila. Siyempre, tuwang-tuwa ang tukmol at nagtatatalon ang buong team sa tuwa. Akala mo naman championship na ‘yung napanalunan nila kung makapagdiwang ang mga unggoy.
Sa kalagitnaan ng kaguluhan dahil sa kasiyahan ng mga taga-school namin ay biglang nagpakita si Chaser sa harap ko.
“O, ano?” tumaas ang kilay ko sa kanya dahil nakangiti lang siya sa harap ko at nakatitig sa akin.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala na akong naramdamang pagpitik sa aking dibdib.
Buti naman, siguro ay guni-guni ko lang ‘yung kanina.
Bigla naman niya akong hinila papalapit sa pawisan niyang katawan at niyakap.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at naramdaman nanaman ang munting pagpitik sa dibdib ko. Shit nanaman. Magpapacheck-up na talaga ako sa doctor, baka cancer na ‘to.
“Thank you, Sesha. Hindi mo alam kung anong epekto sa akin ng pag-cheer mo. It means a lot.” Bulong naman niya sa tenga ko saka lalo pang hinigpitan ang yakap.
Walang hiya. Walang hiya talaga.
“Ah-ahm. A-ano…”
“Hindi ko na ata alam ang gagawin ko pag wala ka.” Mahina siyang tumawa pagkatapos niyang sabihin iyon.
Tinulak ko na siya ng malakas dahil patuloy pa rin sa pagtibok ng malakas ang puso ko. Tang-ina.
“Bakit?” tanong ni Chaser sa akin matapos ko siyang itulak.
Bakit nga ba, Sesha? Argh! Ewan ko!
“Ang baho-baho mo tapos yayakap ka sa’kin? Lagkit mo pa! Kadiri!” sabi ko kahit amoy naligo siya ng pabango kahit pawis na pawis siya.
Tumawa siya ulit bago ako sinagot.
“Arte mo! Ang bango-bango ko kaya. Amoyin mo pa kili-kili ko eh!” sabi niya sabay taas ng kilikili niyang walang buhok wari’y ipapaamoy sa akin.
YOU ARE READING
A Best friend's Chase (Completed)
Teen Fiction(Crazy Friendship Series #1) Kailan nga ba nananatiling kaibigan lang ang isang kaibigan? Hanggang kailan nga ba dapat habulin ang isang taong ayaw magpahabol? "Tao lang naman ako, hindi machine." Nanginginig ang kanyang boses. Malungkot ito at m...