ABC (6) - "Minsan iniisip ko . . . ."

2.2K 44 2
                                    

 ABC (6) – “Minsan iniisip ko na sana katulad ka na lang nila.”

Nagdaan na ang unang buwan ng pasukan.

Maayos at maganda naman ang mga nangyari nitong mga nakaraang buwan. Medyo nag-aadjust pa ako sa iba ko pang mga kaklase pero buti na lang ay kasama ko ang mga abnormal kong kaibigan sa iisang section.

Kung noong elementary ay sina Veil, Yuni at Lyme lang ang kasa-kasama ko, ngayon ay nadagdagan na kami. Napasama sila sa amin noong first year highschool.

Sila ay sina Kea, Ayuii, Destiny, Amethyst at Siren. Paminsan-minsan ay sumasama rin sa amin si Gero. Mga transferees sila noong first year highschool kami, medyo nakalimutan ko na kung paano kami nagkasama-sama kaya hindi ko na ikukwento. Basta nalaman na lang namin na pare-parehas kami ng interes, pananaw at kaligayahan sa buhay kaya naging magkakaibigan kami at nabuo at abnormal na barkadahan.

Anyway . . .

Kaklase rin pala namin si Chaser kasama ang mga barkada kaya medyo, medyo lang naman naging masaya ako.

Pero nitong mga nakaraang araw ay pinagsisisihan kong naging kaibigan ko ang gagong ‘yon.

At pesteng couple bag at couple shoes ‘yan. Lintik, nauso pa.

(F)

5 minutes bago matapos ang lunch break namin ay nagbell na kaya nagsiakyatan na ang lahat sa kani-kanilang mga classroom. Pero pagdating ko ng room . .

“TANG-INA! NASAAN YUNG BAG KO?!” kung gaano kaintense ang pagkabasa mo ay ganun din kaintense ang pagkakasabi ko.

Napatingin silang lahat sa akin pero wala akong pakialam. Naknamputcha naman, pati ba naman bag ko hindi na pinatawad.

“Ha? Bakit? Anong nangyari?” tanong naman sa akin ni Yuni.

“Nawawala yung bag ko, putcha, pati laman tinangay.” Nafufrustrate kong sagot sa kanya.

“Hahahaha! Yan kasi, couple bag pa more.” Pang-aasar naman sa akin ni Veil.

“Hindi nga sabi couple bag ‘yun! Leche, nasaan na ba yun? Nakita niyo ba?” tanong ko sa mga kaklase ko pero umiling lang sila. Shit naman pag nalaman ko lang talaga kung sino ang kumuha noon ay piprituhin ko talaga ng buhay. Argh!

 

“Girl, may kaparehas ka palang bag dito sa school? Akala ko ba couple bag yung binili niyo ni Chaser?” saktong dumating naman si Gero sa room at nagtanong sa akin nang ganoon.

“HINDI NGA SABI COUPLE BAG ‘YON! Tsk. Pero nasaan? Nasaan yung kapareha ko ng bag?”

“Ha? Bakit teh? Gegerahin mo?”

“Basta! Asan niya? Anong year?”

“3rd year siya teh.”

 

Hindi ko na pinatapos si Gero sa sasabihin niya, umakyat agad ako sa 3rd floor kung saan nandoon ang mga classroom ng 3rd year at 2nd year highschool students.

Pagdating ko doon ay nakita ko agad yung babaeng suot-suot yung ang bag ko at kinikilig na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya. Taragis, sarap basagin ng mukha.

 

“Pwede bang pagkatapaos mong makipagdaldalan diyan ay ibalik mo na sa akin ang bag ko?” sabi ko sa kanya ng makalapit ako sa kanila. Sandali siyang napatingin sa akin pero inirapan lang ako.

“Tss. Parang hiniram lang eh.”

Taragis siya pa may ganang mang-irap? Upakan ko ‘to eh.

“Chill ka lang teh.” Narinig kong bulong sa akin ni Amy (Amethyst) na nasa tabi ko na pala kasama yung iba pang mga abnormal.

Huminga muna ako ng malalim bago kausaping muli ang bisugong ito.

“Hiniram? Ang alam ko pag nanghihiram ay nagpapaalam. Wala naman akong narinig na paalam sa’yo. Ni hindi nga kita ki—ay naku! Tama na nga ‘to! Ibalik mo na lang sa akin yang bag ko para matapos na ‘to.”

“Istorbo. O eto.” Hinubad niya yung bag at inihagis ito sa akin. Muntik pa akong matumba dahil sa bigat ng bag ko.

“akala mo naman bagay sa kanya yung bag, di hamak naman na mas bagay sa akin ‘yon. Hmp.”

Hindi ko alam kung bulong iyon o kung sadyang nilaksan niya lang para marinig ko talaga.

Nagpantig ang tenga ko sa sinabi ng bisugong ‘to.

“Wag mong sabihing isa ka din sa mga chiminiaa ni Chaser?” sinamaan ko siya ng tingin bago sabihin iyon.

“Excuse me, hindi ako chiminiaa, admirer niya ako.” Sabi pa niya tapos inirapan nanaman ako.

“Tantanan mo ko sa kakairap mo kung hindi tutuluyan kita!” banta ko sa kanya.

 

Napaface palm na lang ako dahil sa nalaman ko.

Mga chiminiaa talaga ni Chaser, habang tumatagal mas lalong nagiging desperada.

“Unang-una sa lahat, hindi talaga kami bagay ni Chaser dahil tao ako at hayop siya. At pangalawa, sinasabi ko na sa’yo na wag ka nang umasa sa tukmol na yun dahil ayaw na ayaw niya sa mga desperadang katulad mo.”

Tinalikuran ko na siya at umalis sa floor na iyon.

 

 

Uwian na nang hapong iyon ay ikinuwento ko kay Chaser ang nangyari. At ang tukmol ay tinawanan lang ako.

“Hahahahaha! Totoo? Nangyari ‘yon?” huminto pa siya sa pagbabike nang sabihin niya iyon kaya napahinto na rin ako.

“Tingin mo, nagjojoke ako sa mukhang ‘to?” tinuro ko pa ang sarili ko sabay irap sa kanya.

“Hahahaha! Totoo nga? Hahahahaha! I can’t believe this!”

“Sige tawa pa! Mautot k asana diyan!”

“Hahahaha! Sabi ko naman sa’yo magpasalamat ka na lang na si Chaser de Silvia ang nakacouple bag mo. Hahahahaha! Hay shet, ang gwapo ko talaga. Hahahahaha!”

Ma lock jaw ka sana, unggoy.

“Yabang mo! Tara na nga baka abutan pa tayo ng bagyo sa kayabangan mo.”

 

A Best friend's Chase (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang