ABC (13) – “… kasi nakakabaliw.”
Naramdaman ko ang pag-upo ni Chaser sa harap ko. Hinawakan niya ang mga kamay kong nakatakip sa mukha ko. May kuryenteng awtomatikong dumaloy sa sistema ko. Putcha, Chaser. Pag nalaman ko talaga kung ano ang ginagawa mo sa’kin, papabugbog talaga kita!
“S-Sesha, ayos ka lang ba?” narinig ko ang bahid ng pag-aalala sa kanyang pagsabi nun.
“Oo.” Sagot ko naman sa kanya nang hindi tinatanggal ang mga kamay ko sa aking mukha.
“Ano bang nangyari? May masakit ba sa’yo? Ano?” pilit pa rin niyang tinatanggal ang mga kamay ko.
“Okay lang ako. Hayaan mo muna ko.” Kalmado kong sabi sa kanya pagkatapos kong huminga ng malalim.
“S-sigurado kang, okay ka lang?”
“Oo.”
“Sige. Tawagin mo lang ako pag may naramdaman kang hindi maganda.”
Pwede na ba kitang tawagin ngayon? Gago!
Pinilit ko ang sarili kong kumalma sa pamamagitan ng paghinga ng malalim nang paulit-ulit.
Nang narinig kong nasa istasyon na kami na dapat babaan ay agad akong tumayo at mahigpit na niyakap ang gamit ko.
“Aww!” narinig kong daing ni Chaser dahil natamaan ko ang baba niya sa pagtayo ko pero hindi ko iyon pinansin at nagdire-diretso ako sa may pintuan. Ayaw ko siyang pansinin dahil natatakot ako. Natatakot ako sa maaaring maramdaman ko pag tumingin akong muli sa kanya.
Saktong pagbukas ng pintuan ng tren ay agad akong tumakbo papalabas. Kanina ko pa gustong tumakbo at masarap sa pakiramdam na makuha ang gusto mo. Feeling ko naramdaman ko na ang pakiramdam nila Andres Bonifacio noong nakuha nila ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Espanyol. Hay
Salamat, medyo gumaan na ang pakiramdam ko.“Hay, S-Sesha…Bahkit..kha.. tumakbo?” hinihingal na sabi ni Chaser nang maabutan niya ako.
Nang sinubukan ko siyang tignan ay mas lalong gumaan ang pakiramdam ko dahil hindi ko na muling naramdaman ang pagbilis ng pagtibok ng puso, pamamawis ng kamay at paa, at pagbaliktad ng sikmura. Siguro nga ay wala lang ‘yun. Tama, wala lang ‘yun.
“Wala lang, gusto ko lang tumakbo.” Sabi ko nang nakangiti sa kanya.
“Ha? Baliw kah talaga. Ha! Tara na nga. Hiningal ako dun ah!” sabi niya sabay akbay sa akin. Napangiti ako nang wala na akong naramdaman nang umakbay siya sa akin. Dala lang talaga siguro ng panunuod ko ng The Orphan kagabi.
“Grabe! Ang sikip doon no? Kulang na lang magkapalit tayo ng mukha.” Pagbibiro ko pa.
“Buti na lang talaga hindi, dahil pag nagkataon ay lugi naman ako diyan! Hahahahahahahahahaha!” pagmamayabang naman niya.
“Yabang mo, Tukmol!” sabi ko sabay hampas sa kanya ng brown envelope na dala ko.
Nakarating kami sa PNU nang medyo haggard na dahil nagkanda ligaw-ligaw pa kami pero sa huli ay nahanap din namin ito. Hay! Kapagod! Nang makapasok na kami sa admission ay medyo mahaba na ang pila kaya pinaupo ko muna siya doon sa may sa gilid habang pumipila ako para makapagpasa ng requirements at application form. Noong una ay ayaw pa niyang pumayag pero nang inasar ko ang panda niyang mukha ay napilit ko na rin siya.
Medyo kalahating oras na ako sa pila at mga pitong tao na lang bago ang turn ko sa pagpapasa ay napasulyap ako sa pwesto ni Chaser. Nakita ko namang nakasandal ang ulo niya doon sa dingding sa likod niya na naging dahilan para makita ang adam’s apple. Mukha tuloy siyang nakalunok ng buto ng santol.

YOU ARE READING
A Best friend's Chase (Completed)
Teen Fiction(Crazy Friendship Series #1) Kailan nga ba nananatiling kaibigan lang ang isang kaibigan? Hanggang kailan nga ba dapat habulin ang isang taong ayaw magpahabol? "Tao lang naman ako, hindi machine." Nanginginig ang kanyang boses. Malungkot ito at m...