ABC (22) - "Hanggang dito na lang."
Dumaan ang isang buong linggo na ubod ng kabagalan. Simula noong matapos ang pag-uusap namin ni Chaser noon ay hindi na kami nagpansinan. At naging mahirap at mabagal ang pagdaan ng araw para sa akin.
Sa tingin ko, ang pag-iiwasan naming ito ay desisyon namin pareho. Siguro ay naisip din niyang nagiging malala at mabigat na ang mga nangyayari sa aming dalawa kaya kailangan na muna namin ng pahinga. Pahinga para makapag-isip-isip, para ikalma ang mga bagay-bagay sa pagitan namin bago pa ito magkapatong-patong at bigla na lang sumabog. Doon ko lang narealize na mayroon din pa lang cool off sa pagkakaibigan.
Pero sa buong linggong iyon ng iwasan ay isang araw lang ang hindi ko makakalimutan, ang araw ng miyerkules.
Tulala akong naghihintay sa waiting shed kung saan kasama ko sina Veil, Destiny, Lyme at Siren para abangan sina Ayuii, Yuni, Amy, at Kea. Nasa classroom pa kasi sila para maglinis dahil sila ang naatasan ngayon.
Nakatingin lang ako sa kawalan at walang malalim na iniisip kaya napansin ko pa rin ang pagtutulakan at pagbubulungan ng mga katabi ko. Hindi ko marinig kung anong pinagtatalunan nila kaya hindi ko na lang masyadong pinansin, baka tungkol lang sa assignment namin.
"Ahm. Sesha." Biglang sabi ni Veil na nasa tabi ko.
"Hmm?"
"Nagtext si Kea. Naiwan mo daw yung libro mo na El Fili sa room. Kunin mo raw."
"Ha? Eh dala ko lang yun kanina ah?" Sabi ko sabay halungkat sa bag ko. Napagtanto kong wala nga iyon doon.
Sigurado akong dala-dala ko 'yun bago ako bumaba. Lagi kong inaayos ang bag ko bago kami bumaba. Paano nawala 'yun doon?"Ano nandiyan ba?" Pang-uusisa naman ni Veil.
"Wala nga e. Baka naiwan ko nga ata sa room. Sige babalikan ko na lang." Sabi ko at akma nang tatayo pero natigilan dahil muling nagsalita si Veil.
"Ah. G-gusto mo samahan kita?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya dahil si Veil ang tipo ng taong tamad. Hindi niya gawaing magvolunteer na samahan ako kahit saan dahil alam niyang madalas akong tumatakbo at nakakapagod lang 'yun. Kaya sadyang nakapagtataka na nag volunteer pa talaga siya na samahan ako.
"Wag na. Ayos lang. Babalik rin ako agad kasama sina Amy. Pakibantayan na lang 'yung bag ko." Sabi ko bago tumakbo pabalik ng room at pinagkibit balikat na lang ang sinabi niya.
Marami akong nakasalubong at binating kakilala habang tumatakbo pabalik ng room. Karamihan sa kanila ay tinatanong kung magka-ayos na daw ba kami bi Chaser. Oo, bali-balita sa buong school ang hindi namin pagpapansinan ni Chaser, nakakainis dahil para kaming nga artistang pinag-chichismisan ng mga tao. Sa tuwing tinatanong nila ako ay ngiti lang ang sinasagot ko sa kanila.
Nahawakan ko na ang doorknob ng pinto ng classroom at handa na sanang buksan ito nang marinig ko ang sigaw ni Chaser sa loob.
"Akala ko ba meron na? Akala ko ba nahulog na siya? Pero bakit ganun? Bakit wala pa siyang sinasabi?!"
"Give her time, Chaser." Narinig kong nahinahong sabi ng isang babae na sa tingin ko ay si Ayuii.
"Bullshit! Time?! Kulang pa ba ang five years para marealize niya kung anong nararamdaman niya para sa kin? Kulang pa ba yun?!" May halong frustration ang kanyang boses pagkasabi niya noon.
"Dude, calm down." Sabi ni Ome para kalmahin ang kaibigan.
"Bago pa lang sa kanya ang mga pakiramdam niyang yun kaya bigyan mo siya ng oras para malaman kung ano nga ba ang ibig sabihin ng mga nararamdaman niya. Be patient with her." Pangaral sa kanya ni Amy.

YOU ARE READING
A Best friend's Chase (Completed)
Teen Fiction(Crazy Friendship Series #1) Kailan nga ba nananatiling kaibigan lang ang isang kaibigan? Hanggang kailan nga ba dapat habulin ang isang taong ayaw magpahabol? "Tao lang naman ako, hindi machine." Nanginginig ang kanyang boses. Malungkot ito at m...