ABC (10) - "My source of strength."

2.5K 52 2
                                    

ABC (10) – “My source of strength.”

 Nang sumunod na linggo ng madramang eksenang iyon ay sumabak nanaman ako sa isang bagay na ikakastress ng buhay ko.

Noong buwang ding iyon kasi ay nagkaroon ng City meet sa aming siyudad na kung saan lahat ng school sa lugar namin ay kailangang magkaroon ng representative bawat paligsahang inorganisa nila. At ako ang napili ni Ma’am Reno na isali sa paligsahang talumpating-di handa. Naging masaya ako dahil ako ang napili niya pero siyempre ay kinakabahan pa rin ako.

Isang linggo kaming nagpraktis at naghanda para sa contest. Lahat naman ay naituro ni Ma’am Reno pero ewan ko ba, kinakabahan pa rin ako.

Noong araw ng contest ay gumising ako ng maaga para makaligo na. Habang naliligo ay nirereplay ko pa rin sa utak ko ang lahat ng bilin sa akin ni Ma’am Reno. Pakshet. Nakakachicken naman ‘to!

Kahit labag sa kalooban ko ay pinilit ko pa ring sinuot ang costume na binigay sa akin ni ma’am. Sa totoo lang ay hindi naman talaga ito costume, blouse na kulay puti at isang paldang itim na pencil cut ang binigay niya sa akin para suotin. Pinasuot niya rin ako ng sandals na may one and a half inch na heels. Halos magkaroon na nga ng balagtasan ng magtalo kami sa tungkol sa pagsuot ko nito dahil ayaw ko talaga. Pero dahil apo ata sa kuko ni Balagtas si ma’am Reno ay natalo ako, no choice kundi tiisin ang parusang ito.

Sinabi rin ni ma’am na magpalagay din daw ako ng make-up sa mukha para magmukhang presentable daw ako. At dahil masunurin ako ay nagpalagay nga ako sa nanay ko, pero siyempre light lang, ayoko namang magkaroon bigla ng children’s party doon dahil mukha akong clown.

Tinitignan ko sa harapan ng salamin ang itsura ko ng biglang may nagbukas ng pintuan ng kwarto ko.

“Hoy Sushi! Bakit antaga—“

Naputol ang sinasabi niya ng makita niya ang repleksyon ko sa salamin.

“Tukmol, okay ba ang itsura ko?” tanong ko naman sa kanya.

Hindi siya sumagot, imbis ay tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa.

“O ano? Okay ba?”

Umiwas muna siya ng tingin bago sumagot.

“Nagmukha ka ng tao.”

Bwisit na ‘to. Hindi talaga pumapalya sa pagsira sa umaga ko. Binato ko nga ng suklay.

“Aray!”

“Bakit? Hindi ba ako mukhang tao pag hindi ako nakaayos? Ha?”

“Slight! Hahahahahahaha!”

“Aba’t!--”

Hahabulin ko n asana siya ng palo kaso unang hakbang ko pa lang ay natapilok na ako.

Hay buhay, hindi na talaga mauulit ito! Hinding-hindi na talaga mauulit ‘to!

“O ayan kase, hahabulin mo pa ko e ang lakas ng loob mong magheels, palyado ka naman. Okay ka lang ba?” sabi niya sabay luhod sa harap ko at tinignan kung okay lang ba ang mga paa ko.

“Pwede bang wag mo na akong laiitin at tulungan mo na lang akong tumayo?”

Tumayo naman siya at hinawakan ang dalawang kamay ko saka hinatak ako patayo.

“Okay ka lang talaga ah?” patatanong niyang muli.

“Oo nga.”

“Osige, Tara na. Tatawagan ko na lang si Kuya Robert para ihatid tayo sa school. Sa costume mong ‘yan. Baka paulanan mo lang ako ng mura pag nag-bike pa tayo.” Sabi niya sabay halakhak.

A Best friend's Chase (Completed)Where stories live. Discover now