ABC (41) - "Lets talk."

2K 39 3
                                    

ABC (41) - "Let's talk."


"Mark! Abutin mo nga 'yung tali sa tabi ng upuan ni Jay! Ayun o! Duling! Yan yung kulay red!"

"Asan na 'yung hair spray? Bilis! Nanginginig na 'yung kamay ko!"

"Aray! Shit ang init!"

"Saan 'to dadalhin, Ayuii?"

"Lagay mo na lang muna dun sa gilid."

"Oy! Yung mga pasarap lang diyan, tulong tulong din pag may time!"

Nabibingi na ko sa ingay ng classroom dahil sa halo-halong boses nila na akala mo ay nasa palengke kung mag-usap.

Ngayong araw na kasi ang performance ng musical kaya hindi na magkanda ugaga ang mga staff at artists sa pag-aayos ng mga kailangang ayusin.

Well, kaming mga naka-assign sa props ay tapos na. Napatayo nanamin ang background at napractice na rin ang paglabas at pagpasok ng props kaya't wala na kaming pinoproblema.

At dahil kailangan talaga ng man power sa pag-aayos ng costumes at make-ups ng mga characters ng storya ay tumulong na rin kaming magkakaibigan.

"Sesha. Ikaw na nga lang maglagay ng konting foundation sa mukha ni Trick. Konti lang ah. 'Yung hindi makapal. Para magmukhang fresh lang siya." Utos sa akin ni Nana, 'yung kaklase naming head ng make-up at costumes. Kaya kahit hindi ako marunong mag-apply ng foundation ay sinubukan ko na rin.

"O? Bakit ganyan ang itsura mo?" Kunot noo kong tanong kay Trick dahil mukhang natatae ang itsura niya ng tumingin siya sa akin.

"Pumikit ka na nga." Agad naman niyang sinunod ang sinabi ko.

Nagsimula na akong lagyan siya ng kaunting foundation ngunit hindi ko ito mapantay dahil masyadong tense ang musclea ng mukha niya. "Magrelax ka nga. Hindi ko mapapantay 'to. Sige ka."

"Sesha." Tawag niya sa akin at medyo, medyo lang naman, nabawasan na ang paglatense ng mukha niya.

"Hmm?"

"Pag ba napaospital ako, babayaran mo gagastusin ko?" Biglang sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Parang familiar ang tanong na iyan ah. Parang natanong na sa akin 'yan dati.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Wag na pala. Nakalimutan kong mayaman pala kami. Dalawin mo na lang ako ah!" Sabi naman niya.

"Yabang mo, ungas! Bakit ka ba nagsasabi ng ganya? Mamamatay ka na ba?" Natatawa kong sabi sa kanya.

"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit?" Dumilat siya kaya napatigil ako sa pagmemake-us sa kanya.

"Tss. Sige na nga. Ano ba 'yun?"

Hinawakan niya ang braso ko at mahina akong hinila papalapit sa kanya upang bulungan ang tenga ko. Magsasalita pa lamang sa na siya ay may biglang marahas na humatak sa akin at nalaman ko na lang na nasa harap ko na ang likod ni Chaser.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha, Trick?!" Nakaigting ang bagang niya nang sabihin niya iyon sa kanyang kaibigan. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya alam kong nagagalit siya.

"Sesha!" Tawag sa akin ni Trick na halatang natatakot na kay Chaser kaya't humihingi ng tulong sa akin. Kaya't hinarap ko si Chaser at awtomatikong nagtago naman si likuran ko si Trick.

"Ano bang problema mo, Chaser? Bakit bigla-bigla ka na lang nagagalit?" Tanong ko sa kanya habang masama ang tingin niya kay Trick na nasa likuran ko.

"Dito ka lang, Sesha. Dito ka labg sa likod ko." Sabi niya ngunit hindi nakatingin sa akin.

Medyo napapatingin na sa amin ang mga tao sa classroom kaya mas lalong umiinit ang dugo ko sa scene na ginagawa namin ngayon. Nakakahiya!

A Best friend's Chase (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora