ABC (43) - "Nasaktan at iniwan."

1.6K 43 0
                                    

ABC (43) - "Nasaktan at iniwan."

“Hoy, De Silvia, Anong pinagpuputok ng butchi mo diyan at kanina ka pa nakasibangot?” pambungad na sabi sa akin ni Ome nang makarating ako sa usual spot namin sa canteen.

“Wala.” Tinatamad kong sagot sa kanila. Hinatak ko ang isang upuan sa tabi ni Chew at umupo doon. Agad namang hinarang ni Chew ang mga braso niya para protektahan ang kanyang pagkain saka masamang tumingin sa akin. Akala niya ay kukuha ulit ako ng pagkain niya tulad ng lagi kong ginagawa pero wala ako sa mood mang-asar ngayon kaya inirapan ko na lang siya.

“Si Sesha Gabriella Lorenzo lang naman ang laging pinproblema ng ugok na ‘yan.” Singit naman ni CK.

Imbis na batukan siya dahil pinamukha niya sa akin na baliw ako kay Sesha ay hinayaan ko na lang. Dahil bukod sa naiinis ako ay totoo naman ang sinasabi niya.

“Anong meron kay Sesha? Ba’t pinoproblema mo? Akala ko ba okay na kayo?” sunod-sunod na tanong naman ni  Trick.

'Yun din ang akala ko e. Pero ang hirap pa lang maniwala sa akala. Nakakainis.

"Ewan ko. Hindi ko na siya maintindihan." Naguguluhan kong sabi sa kanila.

"Bakit? Ano bang sabi sa'yo?" Tanong naman ni Rye habang patuloy na ngumunguya ng chips.

Mas lalo lang akong nainis sa tanong niya kaya napahilamos ako sa mukha ko. "'Yun na nga e. Wala siyang sinasabi kaya mas lalong nakakafrustrate."

"Kahit hindi naman niya sabihin sa akin, ramdam ko naman. Hindi ako ganun katanga para hindi maramdaman na iniiwasan niya ko. Putangina." Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis.

"Paano mo naman nasabi? Baka tamang hinala ka naman." Komento naman ni Ome.

Inisa-isa ko sa kanila ang mga rason ko. "Una, inaya ko siyang sumabay tayo sa kanila mag-lunch, pero sabi niya may gagawin daw silang project na magbabarkada kaya baka makagulo daw tayo. Pero ano? Nasa room pala sila at nagkukwentuhan lang, project ba 'yun?!"

Nakita ko sila sa room dahil jumingle ako at napadaan ako doon at nadatnan kong nagtatawanan sila sa room. Nakita niya ako nun. Nagulat siya ng ilang segundo pero biglang nilihis niya ang tingin niya sa akin na para bang hindi niya ako nakita. Wala na ring nagbanggit noon sa aming dalawa. Natatakot naman akong magtanong dahil baka hindi ko magustuhan ang isasagot niya.

"Pangalawa, 'yung ihahatid ko sana siya pauwi pero tumanggi siya dahil may gagawin pa raw siya. At tsaka naalala niyo 'yung niyaya ko siyang magsine? Tumanggi din siya nun dahil sabi niya may lakad din daw siya. Pero sabi sa akin ng mama niya, maghapon lang daw siyang nasa bahay noong araw na 'yun! What the fuck?! 'Di ba?! Just..WHAT THE FUCK!" napahampas pa ako sa mesa dahil sa sobrang inis.

"Nako. Baka nga iniiwasan ka niyan." Sabi naman ni Chew.

"Gago. Baka naman may ginawa kang hindi niya nagustuhan." Suhestisyon naman ni Trick.

"Pre, kilala mo ko. Kahit ayaw ko, basta gusto ni Sesha. Pipilitin kong gustuhin. Kaya paano mangyayaring may nagawa akong mali kung lahat naman ng ginagawa ko ay gusto niya?"

"Stop over reacting, man. Baka naman may ginagawa siyang ayaw niyang malaman mo kaya ganun." Napatingin naman ako sa nagsalitang si Grey.

Nakakalokong ngiti niya ang nasalubong ko. Kaya mas lalo akong nainis at kinabahan.

Kumunot ang noo ko. "Ano naman 'yun?"

Nagkibit-balikat lang siya sa akin bilang sagot.

Freaking fuck!

-----

Matapos ang klase namin sa trigo ay agad kong inayos ang bag ko upang agad kong maharangan si Sesha dahil gusto ko na siyang makausap.

A Best friend's Chase (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora