ABC (20) - "I don't care."

1.8K 45 6
                                    

ABC (20) – “I don’t care.”

Moreno, matangkad, matipuno ang pangangatawan, gwapo at matalino.

‘Yan ang kadalasang masasabi pag binanggit ang pangalang Jerome Charles Brey. Kasama rin siya sa top students sa aming year, at isa rin siya sa mga inaabangan tuwing magkakaroon kami ng formation sa CAT tuwing Friday- isa kasi siya sa mga officer at commandant ng isa sa mga plateau.

Pero hindi tulad ng karamihan ng mga kalalakihan sa school ay hindi masyadong inaappreciate ni Jerome ang mga tagahanga niya. Medyo masungit siya sa mga ito kaya naman mas lalo siyang kinababaliwan ng ibang mga estudyante sa school. Ganoon siguro talaga ang mga prinsipyo ng mga babae pagdating sa pag-ibig. Kung sino pa ‘yung hindi ka napapansin, kung sino pa ‘yung may kakayahang saktan ka, siya pa ang gugustuhin mong mahalin.

Magkaklase kami ni Jerome, pero ngayon ko lang siya nakausap nang hindi tungkol sa kahit anong assignment, seatwork, quiz o project. Kaya’t nagulat ako nang bigla niya akong nilapitan kanina.

“Eto o, uminom ka muna ng tubig. Tinawagan ko na sina Ayuii, pasunod na raw sila dito sa Jollibee.” Sabi niya sabay abot sa akin ng isang baso ng malamig na tubig.

“Salamat.”

 “Okay ka na ba?” tanong naman niya matapos hatakin ang upuan sa tabi ko saka umupo doon.

Tumango ako ng marahan.

Kahit hingal na hingal na ako sa kakatakbo namin ay hindi pa rin ako tumigil. Ayokong tumigil dahil mas gusto ko iyon, nawawala ang sakit na nararamdaman ko kanina, nakaramdam ako ng ginhawa, nawala ang takot at kabang namuo sa sistema ko kanina. Ganoon palagi ang nararamdaman ko sa tuwing tumatakbo ako, pakiramdam ko ay nagkakaroon ako ng kalayaan mula sa mga sakit at panganib na pwede kong maramdaman.

“Bakit ka ba umiiyak kanina?” tanong namang muli ni Jerome habang nakatingin sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Ewan ko ba, nitong mga nakaraang araw ay bigla akong kinakabahan pag tumitingin ang ibang tao sa mga mata ko, para kasing pag nakita nila ang mga mata ko, may makikita silang ayaw kong malaman nila.

“W-wala. Napuwing lang ako.”

Tumawa siya ng mahina.

“Hindi naman siguro ganun karaming luha ang bubuhos kung napuwing ka lang ‘di ba? Mag-isip ka pa nang ibang excuse, ‘yung papatulan ko.” Sabi pa niya.

Napalunok ako nang marinig ko ang awtoridad sa boses niya pagkasabi niya noon.

“Wa-wala. Wala lang talaga ‘yun. Feel ko lang umiyak.” Sabi ko nang hindi pa rin tumitingin sa kanya.

Ngumiti lang siya sa sinabi ko saka tumingin na rin sa malayo at humalukipkip.

“It’s because of the kiss.” Hindi iyon isang tanong kundi isang pangungusap.

Yumuko ako at huminga ng malalim. Naramdaman ko nanamang muli ang tumutusok sa dibdib ko kanina.

“H-hindi. Ba’t naman ako iiyak ng dahil dun? W-wala akong pakialam dun.” Depensa ko naman.

“Finally, after all those years, napansin mo rin siya.” Nangingiting sabi niya sa kawalan.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya at napatingin sa kanya. Sinong tinutukoy niya?

“Anong ibig mong sabihin?”

Hindi niya pinansin ang sinabi ko, nagpatuloy lamang siya sa kanyang sinasabi.

“May sasabihin ako sa’yo, you better keep it as a secret.”

Naexcite ang kalooban ko nang marinig ang sinabi niya, ang isang Jerome Charles Brey ay magsasabi ng sekreto sa akin? Nakakatuwa at nakakabuhay ng loob dahil kahit papaano pala, sa kabila ng history ng kadaldalan ko, ay pinagkakatiwalaan niya ko.

A Best friend's Chase (Completed)Where stories live. Discover now