ABC (3) - "Natatakot ako."

3K 53 0
                                    

ABC (3) – “Natatakot ako. “

Nasa gitna ako nang masarap na pagtulog nang may naramdaman akong may yumuyugyog sa balikat ko.

“Uy, Sushi! Gumising ka na!”

Taena, istorbo.

“Sushi! Hoy!”

“Ayoko! Lumayas ka dito sa kwarto ko!”

“Ah. Ayaw mo ah!”

Akala ko ay umalis na siya dahil tumahimik na ang paligid.

Pero shit talaga.

Naramdaman kong hinawakan niya ang dalawang paa ko at hinila ako pababa ng kama.

“AHH! HAYOP KA TALAGA! OY! TIGILAN MO--- ARAAAY!”

Nauntog ako sa sahig dahil tinuloy –tuloy niya talaga ang paghila sa akin pababa ng kama. Pinaikot-ikot pa ako ng gago sa sahig. Naku! Papatayin ko na talaga ang isang ‘to!

Nang makuntento na siya sa kagaguhan niya ay binitawan na niya ang mga paa ko at tumawa nang parang wala nang bukas. Leche! Sulitin na talaga niya ang pagtawa niya dahil hindi na siya sisikatan ng araw bukas!

Kinapa ko ang sahig at ibinato sa kumag na ‘to ang anumang napulot ko.

Buti nasapol siya! Ha!

“Aray! Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil tinulungan na kitang linisin ang kwarto mo! Hahahahaha! Ayaw mo nun? Instant linis yung sahig?! Hahahahahaha!”

Argh! Lalong sumasakit ang ulo ko sa halimaw na ‘to!

“Ano ba kasing ginagawa mo dito? Ang aga-aga sinisira mo ang araw ko.”

Pinilit kong maupo mula sa pagkakahiga sa sahig. Minasahe ko ang parte ng ulo kong nauntog kanina.

Taragis. Ang sakit pa rin.

Naglakad naman siya papuntang kama at humilata doon. Hindi man lang ako tinulungang tumayo, hayop talaga.

“Wala lang. May naisip lang ako.”

“Wow. Nag-iisip ka pala.”

Isang malambot na unan naman ang sumunod na tumama sa ulo ko.

“Anak ng--!Kanina mo pa inaalog ang utak ko ah! Sadista ka talagang demonyo ka!”

“Hoy! Best in Math kaya ako! Anong akala mo sa akin?” sagot naman niya na hindi man lang natinag sa sigaw ko.

“Oo na. Oo na. Whatever.”

Hinagis ko pabalik sa kanya yung unan pero nasalo naman niya ito. SAYANG!

“Ano ba kasing naiisip mo kuno?” tanong ko naman.

“Wala lang. Naisip ko lang na last day na pala ng bakasyon natin.”

“O, ano naman?”

“4th year na tayo bukas.”

“So?”

Nakatanggap nanaman ako nang bato ng unan, pero this time, sapul sa mukha.

“Aray! Sige! Isang bato pa! sisipain kita palabas ng kwarto ko! Makikita mo!” sigaw ko sa kanya.

 “Ikaw naman kasi! Nagsesenti na nga ako dito, pero puro pambabara naman ang sinasagot mo!”

“Sino ba kasi may sabing mag-senti ka? At tsaka ano naman kung 4th year na tayo?”

“Gagraduate na tayo.” Seryoso naman niyang sagot.

“Weh? Sigurado kang gagraduate ka?”

Inirapan niya lang ako nang sabihin ko iyon.

A Best friend's Chase (Completed)Where stories live. Discover now