ABC (45) - "Dadating siya."

2.1K 43 3
                                    

ABC (45) – "Dadating siya."

Naaalala kong sabi sa akin ni mama dati, masyado akong bata para sa mga ikinikilos ko noong nasa kindergarten ako.

Hindi naman dumating sa point na nag-aaral na ako ng periodic table habang kinakabisado nila ang ABCD. Well, siguro ‘yung sinasabi lang ni Mama ay iyong alam ko na ang mga limitations ko noong bata pa ako, naglalaro ako noon tulad ng ibang bata pero kapag nagsawa na ako sa kakalaro, nagmamasid na lang ako sa paligid, sa mga kinikilos ng ibang tao. Weird for a kid pero iyon ang totoo. Ewan ko ba, paurong ata talaga ang paglaki ko.

At doon ko napansin ang pinakatotoong taong nakilala ko. Si Sesha Gabriella Lorenzo.

Hilig talaga niya ang magtatakbo noong mga bata pa kami kaya naaaliw ako sa kanya. Sa oras na lumapat ang mga mata ko sa kanya ay bigla rin siyang mawawala dahil sobrang bilis niyang tumakbo. Chinallenge ko noon ang bilis ng mga mata ko, na sa oras na makita ko siya ay hindi dapat mawala ang tingin ko sa kanya kahit pa sobrang bilis niyang tumakbo.

Noong una ay alam kong nachachallenge lang ako dahil minsan lang talaga ako nagtagumpay na masundan siya ng tingin, ngunit noong kalaunan, nang dahil sa pagnuod-nuod ko sa kanya ay nakilala ko siya ng husto.

Boyish talaga siya noon pa, mas gusto niyang makipaglaro ng mataya-taya at pogs sa mga kaklase naming lalaki kaysa makipagbahay-bahayan sa mga babae. Namana niya ata sa kuya niya ang paghyper noon. Kahit sa loob ng klase ay sobrang hyper niya talaga, masyado siyang active kung sumagot sa mga teachers namin. Matalino siya at alam niya iyon.

Matapang siya. Sobrang hinangaan ko siya noong habang parang lintang makakapit ‘yung mga kaklase kong babae sa mga nanay nila dahil ayaw nilang iwan sila ng mga ito ay itinutulak naman niya ang nanay niya paalis ng classroom dahil gusto na niyang umuwi ito. Narinig ko pang dinahilan niyang walang kasama sa bahay nila ang kuya niya kaya pinapauwi na niya ang kanyang mama. Ngunit noong umalis naman ang mama niya ay nakita ko siyang halos mangiyak-ngiyak na, pero pinipigilan niya ang pagtulo ng kanyang luha. Nahuli pa nga niya akong nakatitig sa kanya noon kaya’t agad niyang pinunasan ang mga luha niya.

Matulungin din siya. Sa tuwing naglalaro siya ng takbuhan, kahit gaano pa siya kapagod o kahit gaano pa kalapit pa siyang mataya ay tutulungan niya ang mga kaklase naming nadapa. Minsan kahit nalagpasan pa niya ang mga iyon ay babalikan niya para matulungan. Kapag siya naman ang nadapa ay hindi siya umiiyak, tatayo lang siya at tatakbo ulit, kahit dumudugo pa ang sugat niya sa tuhod.

Nang lumaon ay hindi ko na naintindihan ang sarili ko. Kung dati ay nachachallenge lang ako sa bilis niyang tumakbo, sa paglipas ng mga araw ay hinahanap-hanap na siya ng mga mata ko.

Totoo nga siguro ang sinabi ni mama, na masyado akong bata para sa mga inaasta ko. Dahil sa murang edad ay nabihag niya ang munti kong puso.

 

Naalala ko pa noong grade 1 kami, noong lumipat ang klase nila sa classroom namin dahil absent ang adviser nila at nakatabi ko siya sa upuan dahil bakante ang katabing upuan ko. Nakalimutan ko atang huminga noong mga panahong iyon dahil ilang beses akong kinapos sa paghinga.

Lalo na noong kinalabit niya ako, nakadalawang beses siya noon bago ako lumingon sa kanya. Tumingin lamang ako sa kanya noon dahil hindi ko alam ang sasabihin.

“Bata, pwedeng pahiram ng lapis?” deretso niyang sabi sa akin na may kasamang ngiti.

Natulala ako at hindi ko alam kung ilang oras nagtagal ang pagtitig ko sa kanya. Parang hinugot ng ngiti niyang iyon ang buong katinuan ko.

A Best friend's Chase (Completed)Where stories live. Discover now