ABC (29) - "Something's wrong."

1.6K 40 4
                                    

ABC (29) - "Something's wrong."

Alam mo yung pakiramdam na alam mong tama 'yung ginawa o sinabi mo, pero pakiramdam mo ay mali ito?

Parang pag nagsasagot sa exam, minsan alam kong tama ang sagot ko pero nag-aalangan pa rin ako. Baka mali ang spelling, baka mali ako ng naisulat o baka mali ang alam ko.

Parang pag pumunta ko sa kwarto ko ng may kasiguraduhan, pero pagkapasok ko sa loob ay hindi ko na alam kung bakit nga ba ako pumunta doon.

Bakit kaya may mga bagay na kahit alam nating tama, pinagdududahan pa rin natin?

Bakit kaya may mga bagay na sigurado ka na, pero pag nandun ka na ay hindi mo na alam kung bakit mo iyon ginawa?





1:11 a.m., 'yan ang sinabi sa akin ng aking orasan nang tumingin ako sa kanya.

Napatingin akong muli sa kisame ng aking kwarto kung saan nakadikit ang mga glow in the dark na pigura ng mga bituin. Halos mag-lilimang oras na rin akong nakatitig sa mga ito.

Naghahanap ng sagot, humihingi ng mga payo. Baka sakaling matulungan nila ako ngayon.

Nanaginip lamang ba ako kanina?

Totoo bang nangyari iyon? O guni-guni ko lang?

Totoo ba ang mga sinabi niya? O sadyang wala lamang siyang magawa?

Totoo bang sumagot ako? O napilitan lang?

Tama bang nanahimik na lang ako? O dapat umimik ako?

Bakit parang tama?

Bakit parang mali?

Bakit parang tama na mali?

Dahil ba masasaktan ko siya? Sila?

O dahil masasaktan ko ang sarili ko?

Hini na ba pwedeng bawiin?

Ang gulo-gulo.

Nalilito na ko.

~~

"Did you liked the dinner?" Tanong sa akin ni Hunter habang papunta kami sa may garden nila kung nasaan ang swimming pool. Naisip kasi naming magpalamig muna bago niya ako ihatid sa amin.

"Oo naman! Lahat ata ng paborito ko hinanda ni Manang cook! Hay, pwede na ata akong mamatay sa kabusugan!" Pagbibiro ko sa kanya at saka umupo sa gilid ng swimming pool. Nilublob ko doon ang aking mga paa at ganoon din ang ginawa niya.

"You can't die now. You should attend my wedding first." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Naks naman!" Pabiro kong tinapik ang braso niya. "Wedding agad? Mukhang nagmamadali ka ata tyong ah!"

Natawa siya sa sinabi ko. Ilang sandali pa ay huminga siya ng malalim at nagseryoso ang kanyang tono, "Is that true?" Biglang tanong niya.

Napalingon ako sa kanya ng may naguguluhang mata. "Ang alin?"

"'Yung sinabi mong, you never had a boyfriend."

Ahh. 'Yun lang pala. Tinanong kasi ako ni Tita Selena, mommy ni Hunter, kung nagkaboyfriend na daw ba ako. At noong sinabi kong hindi pa ay sumilay ang malapad na ngiti sa kanilang mga labi at nagtinginan silang mag-anak. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila.

A Best friend's Chase (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon