ABC (5) - "Natatakot akong isipin . . . "

2.6K 55 5
                                    

ABC (5) – “Natatakot akong isipin na malapit na ang araw na hindi niya na gugustuhing makasama ako sa cycle ng buhay niya.”

 

Dumiretso kami sa mansion nila Chaser imbis na sa bahay namin. May basketball court sila sa likod ng kanilang mansion kaya napagdesisyunan naming magbasketball muna habang hinihintay mag-ala sais para makapagsimba kami mamaya.

“Hi Manang!”

“Hello po.”

Sabay pa naming bati ni Chaser nang makita namin si Manang Anya sa may kusina kasama ng iba pang kasambahay na naglilinis.

Sabi ni Chaser, ayaw daw ng mommy at daddy niya na maid o katulong ang tinatawag sa kanila dahil mas maganda raw sa pandinig ang kasambahay, kaya kadalasan ate o kuya ang tawag namin sa kanila.

“Ito na lang o, mukhang masarap.”

Sabi ko kay Chaser nang buksan niya ang ref nila para makahanap ng meryenda. Tinuro ko yung cheesecake sa may gilid ng ref.

“Ayoko niyan! Purgang-purga na ako sa cheesecake! Ito na lang banana cake!”

“Sus! Palibhasa paborito mo saging.”

“Ha? Paano mo nalaman? Sinabi ko na ba ‘yun sa’yo?”

“Hindi, mukha kasing unggoy.”

“Ah ganun. Ha.” Sabi niya sabay kuha ng pitsel ng tubig sa ref at akmang ibubuhos sa akin.

At siyempre, tumakbo naman ako palayo sa kanya. Narinig ko namang tumatawa sila ate na naglilinis ng kusina sa aming dalawa. Nang makita ko si Manang Anya na nakikitawa rin sa amin ay nagtago ako sa likod niya.

“Ay jusporsanto. Kayong mga bata talaga o.”

“Manang oh, Si Chaser bubuhusan ako ng tubig.” Sabi ko habang nagtatago sa likod niya.

“Okay lang ‘yun. Para diretso ligo ka na. Ambaho mo na eh.”

“eh kung sipain kaya kita diyan? Di mo ba alam yung conserve water? Maraming taong hindi naliligo! Maawa ka naman sa kanila. Nagsasayang ka ng tubig! Hahahahaha!”

“What is the noise all about?”

Napatigil kaming lahat at natahimik nang makita namin siya. Sila ate ay napabalik sa paglilinis at ako naman ay napa-ayos ng tayo at napapunta sa tabi ni Chaser.

Isa sa mga kinatatakutan kong tao buong buhay ko ay si Elite Marie de Silvia. Well, her name says it all, ika nga. Limang taon ang tanda niya sa kapatid niyang si Chaser at sikat na fashion designer sa ibang bansa. Lumaki, nag-aral at tumira siya sa London. Doon din siya unang sumikat bilang fashion designer at nakapagpatayo ng unang branch niya.

Walang nakakaalam kung bakit niya piniling bumalik dito sa Pinas. Well, ang totoo ay walang may lakas ng loob na magtanong sa kanya dahil kahit si Chaser ay takot sa kanya. Minsan nga ay inamin sa akin ni Chaser na parang ni minsan ay hindi niya naramdamang may ate siya, dahil bukod sa magkahiwalay silang lumaki ay hindi man lang niya ito nakachat sa facebook o naka-usap man lang sa skype. Pero not until bumalik siya dito, at least ay nakita man lang niya na may ate pala siya.

Unang kita ko pa lang sa ate niya ay tumiklop na ako. Parang laging may nakabalot na masungit na aura sa kanya. Bawat pagbigkas niya ng salita ay parang nagsasabing, “shut up ang listen to me.”. At all in all, para siyang isang terror na teacher. Isang maganda, sexy, makinis at maputing terror na teacher.

A Best friend's Chase (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant