ABC (26) - "I badly want to keep you for myself."
Bago dumeretso sa mall ay dumaan muna kami sa aking bahay. Siyempre, kailangan kong maligo at magmukhang tao dahil dalawang bigatin ang kasama ko. Si Chaser nga lang ay agaw atensyon na, paano pa kaya pag kasama na namin si Hunter? Baka magmukha na akong kumadrona niyan.
Nang matapos na ako ay agad akong nagpaalam kayla Mama at Papa. Pagkalabas ko ay nakita ko agad ang literal na kumikinang na sasakyan sa harap namin. Isa itong kulay grey na convertible car. Hindi ko na inabala ang sarili kong tignan ang tatak nito. Baka mas lalo lang lumiit ang tingin ko sa sarili ko.
At para kumpleto na ang eksena sa storya ay may nakasandal doong dalawang apo ni adonis. Ang isa ay nakapolong kulay dark blue at nakatupi ang mga manggas nito sa kanyang siko na tinernuhan ng kanyang itim din na pants. At ang isa naman ay nakasimpleng white v-neck shirt na humuhubog sa kanyang katawan at pants, sinamahan pa ito ng kanyang aviators at gwapong mukha.
Ako lang ata ang panira sa eksena. Simpleng poloshirt na kulay violet, tokong, tsinelas at hindi nasuklay na buhok. Perfect! Hay, paano ba naman kasi, kakamadali ko ay hindi ko na naisipang pagpilian pa ang susuotin ko, nakalimutan kong sila pala ang kasama ko ngayon.
Narinig ko ang tilian sa gilid ng bahay namin galing sa mga grupo ng mga kababaihan. Napatingin naman ako sa dalawang lalaking 'to na tuloy pa rin sa pag-uusap kahit may halos himatayin na dahil sa kanila. Oo, alam ko ng gwapo sila, mayaman, package deal. Pero sorry kayo, ako ang inaabangan nila! Hahahaha!
"Okay ka na?" Narinig kong tanong ni Chaser na nagpabalik sa akin sa katinuan.
Ngumiti ako sa kanila. "Oo. Tara na?"
"Sure." Nakangiti namang sagot ni Hunter.
Sumakay na si Chaser sa may backseat ng sasakyan. Susunod na sana ako sa kanya pero natigilan ako nang buksan ni Hunter ang pintuan ng front seat.
"Hey, you don't want me to look like your driver, do you?" Pabiro niyang sabi sabay pilyong ngumiti.
"Siyempre hindi, kung magiging driver ka, baka magpatayan na ang mga pasahero masakyan ka lang." Biro ko naman sa kanya.
Tumawa lang siya at umikot na patungong driver seat. "Ready?" Tanong niya sa akin matapos iistart ang sasakyan.
"Let's get it on!"
Mabuti na lang talaga at hindi ako nagsuklay kanina dahil nagsayang lang ako ng oras kung ganun. Pagdating kasi namin sa mall ay gulong-gulo na ang buhok ko dahil sa hanging humahampas sa amin kanina. Kung alam ko lang na ganito ang kalalabasan ay hindi na sana ako nag-enjoy kanina sa kalalanghap ng polluted na hangin.
Nang makapasok na kami sa loob ng mall ay biglang may tumawag sa cellphone ni Hunter kaya inexcuse muna niya ang sarili niya. Kaya kaming dalawa nanaman ni tukmol ang natira. Pumasok kami sa isang store na puno ng mga stuff toy habang naghihintay kay Hunter.
"Uy, Chaser! May ipis o! Ang laki!" Sigaw ko at awtomatikong nagtago si Chaser sa aking likuran na takot na takot.
"Asan?! Fuck. Sesha! Asan?! Patayin mo!" Nagpapanic niyang sabi kahit hindi pa man niya nakikita kung nasaan 'yung ipis na sinasabi ko.
"Ano ba! Baka mahubaran ako kakakapit mo sa blouse ko!" Natatawa kong sabi sa kanya dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa damit ko. "Bading ka talaga! Ayun o! 'Yung malaking ipis na nakadisplay ang sinasabi ko!"
Tinuro ko naman sa kanya 'yung malaking stuff toy na ipis na nakadisplay sa gilid ng tindahan. Nang makita niya ito ay agad din siyang umayos ng pwesto ngunit nasa likod ko pa rin siya.

YOU ARE READING
A Best friend's Chase (Completed)
Teen Fiction(Crazy Friendship Series #1) Kailan nga ba nananatiling kaibigan lang ang isang kaibigan? Hanggang kailan nga ba dapat habulin ang isang taong ayaw magpahabol? "Tao lang naman ako, hindi machine." Nanginginig ang kanyang boses. Malungkot ito at m...