ABC (18) – “Say it.”
Wala na kong nagawa nang itulak nila ako sa tabi ni Tukmol. Ang unggoy naman ay walang humpay sa pagngisi sa akin.
“Paano ‘to? Hindi ko naman alam ‘yung mga steps niyo, baka lalo lang hindi makasabay si Chaser dahil parehas kaliwa ang paa ko.” Reklamo k okay Aaron na nasa harapan.
“Lagi kang nandito tuwing practice kaya imposibleng wala kang alam kahit isang step. O siya, formation na ‘yung mga first set! Standby second set!” sigaw naman niya pabalik. Hay linsyak na buhay.
First set sina Chaser kaya hindi kami umalis sa harapan. Bumaling ako kay Chaser na nasa tabi ko ngayon at hindi matanggal ang ngisi sa kanyang mga labi.
“Saya mo ah. Bahala ka pag napagalitan tayo, ikaw ang panananggalang ko sa sermon ni Aaron mamaya pag pinagalitan tayo, hayop ka.” Bulong ko naman sa kanya.
Ngumiti siya sa akin sabay hapit ng kanyang kaliwang braso sa aking baywang at iniharap niya ako sa kanya. Napahawak ako sa balikat niya dahil doon. Iyon pa lang ay naestatwa na ako. Gulat ang pinakita kong ekspresyon sa kanya samantalang lalong lumapad ang kanyang ngisi. Bwisit na tukmol.
Hinawakan niya ang kanang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga kamay namin. Nakalimutan kong huminga dahil patuloy sa pagkabog ang puso ko. Shit, king-ina. Shit! Shit! Shit!
Mas lalo niya akong inilapit sa kanya. Naduling ako sa mga mata niyang napakalalim at mapupungay.
“Ang cute mo talaga ‘pag kinakabahan ka.” Bulong niya sa akin na mas lalong nagpakarera sa puso ko. Putcha.
“Ha-hayop ka talaga.” Bulong ko sa kanya pabalik na agad kong pinagsisishan dahil sa pagka-utal ko.
Tumawa siya nang mahina, at muling tumitig sa akin. Isang mapungay, malalim, nakalulunod at pafall na titig na agad kong iniwasan.
“Okay, start na tayo in three, two, one..” sigaw ni aaron saka pinindot ang player.
Nagsimulang tumugtog ang instrumental na violin. Anak ng tupa, ba’t ko ba nakalimutang “Sa’yo” pala ang sasayawin ng unang set? Mas gusto daw kasi nilang waltz muna ang sayawin bago ang hataw na sayawan, kung baga ay surprise o pasabog ang entrada. Pero shit. Ito pa, ang tugtog pa talaga na iniiwasan ko ang natapat sa akin. Shit Bahala na.
Yumuko na lang ako para tignan ang mga paa ko at iwasan ang mga mata ni Chaser na humuhuli sa akin. Ayoko siyang titigan, natatakot ako. Baka gustuhin ko nanamang tumakbo.
‘Yan , tama ‘yan, Sesha. Kaliwa angat, kanan angat, Stretch, ikot. Tama. Hindi mo kailangang tumingin sa kanya, hindi mo kailangang alamin kung ano ang ekspresyon ng mukha niya. Kahit gusto mo, ‘wag. Shit ‘wag!
Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinawakan ang baba ko at inangat ang mukha ko.
“Eye contact, Sesha. Eye contact.” Seryoso niyang sabi sa akin.
Kahit sinabi niya iyon ay iniwas ko pa rin ang titig ko sa kanya. Pero mas makulit talaga ang lahi niya dahil piulit niyang hinuhuli ang mga mata ko. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko at pamamawis ng noo at mga kamay ko.
“Oo na. ‘Wag ka nang makulit.” Sumuko na ko dahil sadyang makulit siya.
Mas lalong lumakas at trumiple ang pagpintig ng puso ko dahil sa pagtitig ko sa mga mata. Nakakalunod dahil masyado itong malalim. Ang mga pilikmata niyang matagal ko ng kina-iinggitan ay mas lalo pa atang humaba ngayon. Nakadagdag ito sa mas lalong pamumungay ng kanyang mga mata.
“Namumula ka.” Nakangiti niyang bulong sa akin habang iniikot niya ako sa kanya.
Kinagat ko ang labi ko dahil sa kaba.
“Bakit?” tanong niyang muli ng magkaharap na kami. Umiwas ako sa mga tingin niya.
“Look at me.” Pag-uutos niya. Kahit ayaw ko, kahit natatakot ako ay pinilit kong tumingin sa mga mata niya.
~ Tumingin sa’king mata ~
“Bakit ka kinakabahan? Bakit ka namumula? Bakit?” sunod-sunod na tanong niya sa akin habang mas lalo niyang nilalapit ang sarili niya sa akin. Naduduling na ako sa titigan namin, nanghihina na ako sa mga bulong niya sa akin.
~ Magtapat ng nadarama ~
“W-wala. Mainit kasi.” Sabi ko naman.
Hindi ko alam. Ako mismo ay hindi ko alam kung bakit. Bakit ako namumula ngayon? Bakit ako kinakabahan sa mga titig niya? Bakit ako pinagpapawisan sa paghawak ng mga kamay namin? Bakit? Shit Bakit?
Sa dinami-dami ng taong nakasama ko siya ay hindi ko pa ito nararanasan. Kahit noong yumakap siya sa akin dahil sa sobrang tuwa, kahit noong hindi sadyang nadagan siya sa akin habang nagbabasketball kami, kahit noong magkatabi kaming natulog sa kama ko. Hindi, wala, wala akong naramdaman na kahit ano nang ganito. Pero bakit ngayon? Bakit biglang nag-iba ang pakiramdam ko pag kasama ko siya?
~ ‘Di gusto ika’y mawala ~
“Hindi, hindi ‘yun ang tunay na rason. Bakit, Sesha? Bakit? Sabihin mo sa’kin ang nararamdaman mo.” Mas malalim niyang bulong sa akin na para bang nagmamakaawa siyang sabihin ko sa kanya ang isang bagay na hindi ko naman alam.Nape-pressure ako, nataranta ako at hindi alam ang sasabihin. Nagulo bigla ang utak ko dahil sa sobrang kaba at panghihina.
“H-hindi ko alam.” Halos mawala ang boses ko nang sabihin ko sa kanya ito.
~ Dahil handa akong ibigin ka ~
Huminga siya ng malalim at bumagsak ang kanyang mga balikat. Bigo ang mga mata niya ng tumitig siyang muli sa akin.
Inistretch niya ang mga namin at umikot ako patungo sa bisig niya. Pero imbis na iliyad niya ako katulad noong tinurong step ni Aaron, ay pinanatili niya akong nakatayo sabay yakap niya sa akin mula sa likuran. Nanlambot ako, naguluhan, kinabahan, at natakot. Naramdaman ko nanaman ang kagustuhan kong tumakbo.
“You should figure that out sooner. ‘Cause I don’t have much time left.” Bulong niya sa aking tenga at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.
ESTÁS LEYENDO
A Best friend's Chase (Completed)
Novela Juvenil(Crazy Friendship Series #1) Kailan nga ba nananatiling kaibigan lang ang isang kaibigan? Hanggang kailan nga ba dapat habulin ang isang taong ayaw magpahabol? "Tao lang naman ako, hindi machine." Nanginginig ang kanyang boses. Malungkot ito at m...