ABC (9) – “I always and forever believe in you.”
Naudlot ang usapan naming iyon dahil naging busy na kami sa mga school activities at dahil may nangyari. Para sa iba, siguro ay napakabababaw na dahilan lang ‘yun, pero kung honor student ka, maiintindihan mo ako.
Nang first week ng September ding ‘yun ay inannounce sa amin ang naging ranking ng mga honors para sa first grading. At sa kasamaang palad ay mula sa top 3 ay naging top 5 ako. Putcha, nakakainis, nakakagago, nakakaiyak. ‘Yung feeling na akala ginawa mo na lahat pero hindi pa rin pala sapat. Taragis, nakakainis.
Nang inannounce ng adviser namin sa amin ‘yun ay napaiyak agad ako. Tumakbo ako papuntang C.R. at doon na napahagulhol. Sobrang daming bagay ang tumatakbo sa isip ko ng mga panahong ‘yun. Kung bakit ako bumaba, kung saan ako nagkulang, at kung saan naman ako sumobra.
Sinundan ako ng mga abnormal kong kaibigan sa C.R. Dinamayan nila ako sa pagdadrama ko. Pati sina Veil at Lyme na pumalit sa pagiging top 3 ko ay nandoon din. Kahit anong mangyari ay hindi ko magawang magalit sa kanila dahil alam kong wala naman silang ginawang masama at wala sa kanila ang problema, nasa akin.
Lahat na ata ng encouraging words ay nasabi na nila sa akin. Pero kahit ganun ay wala pa ring talab, naiiyak pa rin ako. Napakaiyakin ko talaga.
Sinabi ko sa kanilang okay na ako at bumalik na sila sa classroom dahil baka pagalitan na sila ni Ma’am. Noong una ay ayaw pa nila akong iwan pero noong naglaon ay pumayag na rin sila at sinabing sumunod daw agad ako sa kanila. Tumango na lang ako at saka naiwan doon sa C.R.
Mas lalo lang akong napa-iyak noong mag-isa na lang ako.
Nakakainis pa lang isipin na kasalanan mo naman talaga kung bakit nangyayari sa’yo ang isang bagay.
Nakakainis ‘yung masyado kang nag-eexpect. Nakakainis.
Nang maisip kong masyado na akong nagtatagal sa loob ng C.R. ay lumabas na ako. Nagpupunas pa rin ako ng luha nang may narinig akong magsalita.
“Sushi . . .”
Pagkalingon ko, nakita ko si Chaser na papalapit sa akin.
“O? ba-bakit … nan- . . . nandito ka pa? . . . kanina ka pa ba nandyan?”
“Oo.” Tumigil siya sa harap ko at tinignan ako.
“Ta-tara . . na . . baka hi-hinahanap na tayo ni Ma’am.” Humuhikbi kong sabi.
Hinawakan ko ang kamay niya at hahatakin sana siya papunta sa classroom, pero siya ang humatak sa akin at niyakap ako.
“Hindi ko na tatanungin kung okay ka, dahil alam ko naman hindi.” Sambit pa niya.
Ewan ko ba, sa sinabi niyang ‘yon ay mas lalo akong napahagulhol. Proven and tested na talaga ang pagiging iyakin ko.
“B-bakit . . . bakit ganun? . . a-akala ko . . . akala ko na- . . nagawa ko na ang la-lahat. . . . hi-hindi pa rin . . pala sa-sapat.”
Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang panyong kanina pa basang-basa ng luha.
“Minsan kasi, yung inaakala mong best ay hindi pa rin pala sapat para sa iba.” Lalo akong napa-iyak dahil sa sinabi niyang iyon.
“Best is never enough Sesha, sometimes, you have to be better than what you think is the best.”
“Mas okay yung nag-umpisa ka sa baba, at least wala ka ng ibang mapupuntahan kundi pataas, ‘di ba?”
Hindi ko alam, pero sa lahat ng encouraging words na narinig ko, yung kay Chaser na ata ang pinakatumatak sa isip ko.
“T-tang-ina mo . . . . haha . . may paenglish-english ka pang . . . nalalaman diyan.” Sabi ko sa kanya para kaghit papaano ay mabawasan ang kadramahan ko sa mundo.
“Pero, salamat na rin.” Sabi ko at niyakap na rin siya pabalik. Naramdaman kong lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin.
“Babawi ka, Sesha. Kahit ilang beses ka nang pinaasa ng salitang ‘yan ay maniwala ka kasi naniniwala ako sa’yo. Kaya mo yan.”
Kahit madalas kinukwestiyon ko si Lord kung bakit ko naging bestfriend ang tukmol na ‘to, kahit halos mapadala na siya sa ospital dahil sa mga bugbog ko, kahit araw-araw niya akong binubwisit. Nagpapasalamat pa rin ako na naging bestfriend ko siya, dahil siya si Chaser De Silvia na naniniwala sa lahat ng mga kaya kong gawin.

YOU ARE READING
A Best friend's Chase (Completed)
Teen Fiction(Crazy Friendship Series #1) Kailan nga ba nananatiling kaibigan lang ang isang kaibigan? Hanggang kailan nga ba dapat habulin ang isang taong ayaw magpahabol? "Tao lang naman ako, hindi machine." Nanginginig ang kanyang boses. Malungkot ito at m...