ABC (21) - "Why is it so easy for you to hurt me?"

1.6K 48 3
                                    


ABC (21) - "Why is it so easy for you to hurt me?"

Ilang minuto rin ang nakalipas, walang bumibitaw sa titigan namin. Punong-puno ng galit ang mga kanyang mga mata na pinagtataka ko. Bakit? Ano ang dahilan ng pagkagalit niya? Dahil ba kasama ko si Jerome ngayon? N-nagseselos ba siya kay Jerome?

Winaglit ko ang ideyang iyon sa isip ko dahil nakaramdam ako ng kung ano sa aking tiyan. Parang bulateng pilit kinikiliti ang tiyan ko.

Fuck shit! Tang-ina mo, Sesha. Alam kong feeler ka pero please, wag naman ngayon. Wag ganito, wag kay Chaser.

Masama na 'to. Masama na ang epekto ng nararamdaman kong ito sa akin. Nagiging selfish at assuming na ko. Dapat nang matigil ito, dapat ng patayin ang mga bulateng ito sa tiyan, kasama ng pagkamatay ng nararamdaman kong ito.

Ngunit sa gilid ng mata ni Chaser, sa kabila ng galit na bumabalot sa kanyang mga mata ay nakakita ako ng takot.

Pangalawang beses ko na itong nakita sa mga mata niya. Una ay noong bago magpasukan noong nalaman niyang inaalala ko pa rin si Hunter gabi-gabi. Pangalawa naman ay ngayon, ngayong kasama ko si Jerome. Ano ba talaga ang ikinakatakot niya?

Natauhan lang ako sa mga tunay na nangyayari nang kumilos sina Ayuii at tinulungan si Jerome na tumayo. Habang sina Ome naman ay hinawakan ang mg braso ni Chaser upang pigilan siya.

Iniwas ko na ang mga tingin ko sa kanya at bumaling kay Jerome na ngayon ay nakatayo na at pinupunasan ang pumutok niyang labi dahil sa suntok ni Chaser.

"Sorry sa ginawa niya. Okay ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Okay lang."

"Don't touch her!" Muling sigaw sa kanya ni Chaser at akma nanamang susugurin si Jerome. Nagpasalamat ako sa diyos at hawak siya nina Ome kundi ewan ko na lang kung ano ang magagawa niya kay Jerome. Nag-aapoy siya sa galit.

"Pero matutuloy ako sa ospital kung hindi pa kita lalayuan ngayon." Bulong naman sa akin ni Jerome.

Ngumiti siya sa akin saka inayos ang damit niya.

Naglakad siya palapit kay Chaser at may binulong siya dito. Sinamaan lang niya ng tingin si Jerome habang nag-lalakad ito palabas ng Jollibee.

Saka ko lang naramdaman ang titig ng mga tao sa amin. Shit. Gumawa lang naman kami ng eksena sa loob ng isang fast food chain kung saan maraming kumakain. Putaragis. Bukas ay siguradong mapapa-office kami dahil sa eskandalong ito.

Biglang sumiklab ang galit ko para kay Chaser. Ano bang problema niya at kailangan pa niyang gawin 'to? Kailangan pa niyang mag-eskandalo at mandamay ng ibang tao?

Hindi ito ang Chaser na kilala ko. Matiyaga at napakapasensyoso ng bestfriend ko. Hindi siya mapagpatol sa mga nang-aasar sa kanya o sa aming dalawa, lalong-lalo namang hindi siya yung tipo ng taong basagulero.

Pero ibang Chaser ang nakikita ko ngayon. Parang nag-iiba na ang tingin ko sa kanya. Oo, inaamin ko, nagsisimula nang mag-iba ang tingin ko sa kanya, in a romantic way man o as a person, pareho pa ring mali. At hindi ko na hahayaang magpatuloy pa ito.

Binubulungan siya nila Grey para mapakalma nito. Pero ako, hindi ko palalampasin ang kagaguhan niyang ito.

Lumapit ako sa kanya at hinatak siya palabas ng restaurant na iyon. Kinaladkad ko lang siya ng kinaladkad hanggang sa mabuo na sa isip ko kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

Huminto ako at binitawan ang kamay niya. Matama ko siyang tinignan at humalukipkip.

Nakatayo lamang siya at nakatingin sa bawat ginagawa ko.

"Binibigyan kita ng limang minuto para mag-isip magandang rason kung bakit mo ginawa ang ginawa mong kagaguhan kanina."

Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Nakipagtitigan naman siya sa akin. Kumuyom ang kanyang kamao na para bang pinipigilan niya ang kanyang sarili.

"Hindi mo maiintidihan pag sinabi ko sa'yo."

"Pwes ipaintindi mo!" Bulyaw ko sa kanya.

Iniwas niya ang tingin niya sa akin at tumalikod. Hinilamos niya ang isa niyang kamay sa kanyang mukha at tumingala. Yan ang lagi niyang ginagawa pag may itinatago siya sa akin.

Lumapit ako sa kanya at pilit siyang hinarap sa akin.

"Ano? Ba't hindi mo masabi? Ha! Ano Chaser?! Sabihin mo!" Anong tinatago mo, Chaser?

"DAHIL AYOKONG NAKIKITANG KASAMA MO SIYA! SHIT!" sigaw niya pabalik sa akin pero hindi pa rin ako nagpatinag.

"Bakit? Anong masama dun?! Nagmamagandang loob lang yung tao!"

"NAGSESELOS AKO! NAIINTINDIHAN MO? NAGSESELOS AKO SA KANYA!"

Natigil ako sa sinabi niya, pilit akong lumunok kahit kinabahan nanaman ako sa sinabi niya.

Ibang selos ang sinasabi niya, Sesha. Selos ito dahil kaibigan ka niya. Kaibigan ka lang niya.

Pumikit siya at tumingala sa ulap. Hinilamos niya ang kamay niya sa kanyang mukha marahil sa sobrang frustration.

"Anong gusto mong gawin ko? Iwasan siya?" Naiiling kong sabi. "Wag kang childish, Chaser. Kaibigan ko rin siya tulad mo." Mahinahon kong sabi sa kanya.

Inangat niya ang tingin niya sa akin na naguguluhan. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Wag kang magselos dahil mapupunta ang atensyon ko sa iba. Nakikipag-kaibigan lang ako . Ikaw pa rin naman ang bestfriend ko, wag kang mag-alala." Kinagat ko ang labi ko pagkasabi ko noon, nakaramdam nanaman ako ng sakit.

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang mga mata niyang bigo at naguguluhan.

"You're impossible!" Naiiling niyang sabi. Nakita ko ang pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata.

Pumikit ako. Ayaw kong makitang umiiyak siya dahil sa akin. Ayokong nakikita siyang nasasaktan dahil sa kagagawan ko.

"Ang galing mo talaga ano?" Narinig ko ang panginginig ng kanyang boses.

"Hanggang ngayon, kayang-kaya mo pa rin akong saktan. At ako?"

Kinagat ko pa lalo ang labi ko para pigilan ang luhang nagbabadyang bumuhos.

"Ako? Fuck! Wala pa rin akong magawa!"

Iyon lang at umalis na siya sa tabi ko. Naglakad siya palayo sa akin. Palayo sa taong nanakit sa kanya.

Doon lang bumuhos ang luhang pilit kong pinipigilan kanina.

A Best friend's Chase (Completed)Where stories live. Discover now