ABC (28) - "That man."
"Ano? Okay ka na ba?" tanong ko kay Chaser for the nth time habang binebendahan ang kamay niyang nasugatan dahil sa bubog kanina.
Agad ko siyang kinaladkad patungong clinic nang makita ko ang hindi matigil na pagdugo ng kanyang kamay. Sa sobrang panic ko pa nga kanina ay muntik na akong mahulog sa hagdan at mauna sa clinic, buti na lang talaga nahawakan ni Chaser ang baywang ko kahit dispalinhado ang isa niyang kamay.
Marahang tango lang ang isinagot niya sa akin.
Tumayo ako sa harap niya at nameywang. Humanda ka na sa mahaba kong sermon hayop ka!
Nagsimula akong maglakad-lakad sa harap niya.
"Ano ba kasing pumasok sa kokote mo at binasag mo 'yung beaker sa kamay mo? Feeling mo si wolverine ka, na kapag nagkasugat ay magagamot din agad-agad? Alam ko namang minsan nilalagay mo talaga 'yang utak mo sa pwet mo, pero please naman, 'wag mo namang araw-arawin. Mahirap 'yan, baka masanay siya na nandoon siya baka tuluyan nang hindi gumana." Mahabang litanya ko sa kanya.
Napatigil ako sa paglakad-lakad sa harapan niya nang marinig ko siyang tumatawa.
"At anong tinatawa-tawa mo diyan ha?! Nagpapatawa ba ko?!" bulyaw ko naman sa kanya.
"Pft. Sorry po ma'am Lorenzo." Aba! May gana pa akong biruin ng isang 'to? Hindi man lang seryosohin ang mga sinabi ko!
"'Wag mo nga akong tawaging ma'am Lorenzo!" sabi ko sabay palo sa braso niya.
"Aray! Eto naman, nagbibiro lang e!" natatawa pa niyang sagot.
Hay, napakahopeless na talaga ng isang 'to, pagdating sa pakikinig. Hindi ko talaga nature ang magpayo kaya hindi ako expert dito pero minsan ko na nga lang subukan ay ayaw pang makinig ng kumag na 'to. Nakakainis! Nakakainis talaga!
"Chaser naman, makinig ka naman sa akin. Alam kong minsan wala talagang sense ang mga sinasabi ko pero please, makinig ka naman sa akin ngayon. Nag-aalala lang naman ako." Pagmamakaawa ko sa kanya dahil hopeless case na talaga ang katigasan ng ulo niya.
Sumilay ang mga ngiti sa labi niya. Isang malumanay at masayang ngiti ng isang Chaser De Silvia.
"O? Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"
"Wala. Halika nga dito." Iminuwestra niyang lumapit ako sa kanya.
Kahit may pag-aalinlangan sa isip ko na baka pinagtri-tripan nanaman ako ng isang 'to ay dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
"Nako, Tukmol. Wag mo kong pinagtritripan ngayon at wala ako sa mood. Talagang sisispian ki-Ay! Shit!"
Nagulat at nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong niyakap sa aking baywang. Nakaupo kasi siya at nakatayo ako sa harap niya. Lalong nagwala ang mga dragon ko sa puso nang ilapat niya ang mukha niya sa tiyan ko, mas lalo pa niya akong hinapit papalapit sa kanya at niyakap ng mas mahigpit pa.
"H-Hoy! Chaser! A-ano nanamang ginagawa mo? Napakamanyak mo talaga!" bulyaw ko sa kanya kahit nauutal ang boses ko. Pilit kong tinatanggal ang pagkakayakap niya sa akin kaso masyado akong mahina. Masyado akong nanghihina sa ginagawa niya sa akin ngayon.
"Kung alam ko lang na ganito ka 'pag nasasaktan ako, matutuwa na akong masaktan ng paulit-ulit."
Binatukan ko nga! "Gago! Nababaliw ka na!"
Sinungaling ka, Sesha! Ikaw na ang malapit nang mabaliw ng dahil sa kanya.
"Ikaw kasi e." malambing niyang sabi na mas lalong nagpawala ng mga dragon ko sa katawan. Bwisit! Putang-ina, Chaser. Argh!

YOU ARE READING
A Best friend's Chase (Completed)
Teen Fiction(Crazy Friendship Series #1) Kailan nga ba nananatiling kaibigan lang ang isang kaibigan? Hanggang kailan nga ba dapat habulin ang isang taong ayaw magpahabol? "Tao lang naman ako, hindi machine." Nanginginig ang kanyang boses. Malungkot ito at m...