Para kay Chelsea Star

9.3K 126 7
                                    

Itong kwentong ito ay para sa aking friend na itago na lang natin sa codename niyang Chelsea Star.

Simula kinder hanggang highschool ay magkaklase kami.

Well, to be specific, hanggang 3rd year highschool lang talaga.

Kung kalian kasi naging 4th year highschool kami ay saka kami nagkahiwalay ng section.

Kasalanan ko yun dahil bumaba ang ranking ko sa horrors.

But anyways, Si Chelsea, sa lahat ng mga kaibigan ko ang masasabi kong ubod ng hyper at always and forever mo na ata siyang makikita tumatakbo sa kung saan-saan. Madalas nga siyang tinatawag na runner ng mga kaklase namin dahil doon.

Loyal siyang kaibigan, totoo yun.

Hindi naman kami magtatagal sa ganun katagal na friendship kung hindi di ba? :)

Pero ang pinaka-unique sa bruhang ito ay isang beses ko lang narinig na nagkaroon siya ng crush.

Nung elementary pa 'yon.

Binuko ko pa nga siya noon sa crush niya.

Hahahahaha. Wala eh. Ganun talaga.

Pero after nun, wala na. wala na akong narinig na crush, love, m.u. o kung ano pa man 'yan mula sa kanya.

Nalink siya sa ibang kaklase namin pero hindi niya 'yon pinapansin.

Deadma si bruha.

Hindi ko na rin tinanong kung bakit dahil baka sapakin niya ako. Maton pa man din 'yon!.

Nagconclude na lang ako na "books before boys" at "Study first" ang drama niya kaya ganun.

Kaya kahit sa isang online story lang, ginawan ko siya ng sariling story dito sa wattpad.

Graduation gift ko na rin ito sa kanya.

Para kahit man lang sa isang online story ay makaramdam siya ng kilig sa katawan niya.

Hi Salu! Kung sakaling mabasa mo ito, at mahulaan mong ikaw to,

Kamusta sa PNU? Buhay ka pa? hahaha. Heart heart ateng!

Sana maappreciate mo ito, dahil galing ito sa kaibuturan ng aking hypothalamus at ginamit ko ang libo-libong brain cells ko para dito. PUSH!

Eto na talaga.

Welcome sa story ni Chelsea Star o Sesha Gabriella Lorenzo.

Ang The Best Friend's Chase.

A Best friend's Chase (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora