ABC (19) - “Masakit.”
Dumating ang araw ng contest pero nagkakagulo ang lahat dahil nasastart na ang contest ngunit wala pa rin sina Grey, CK at Chaser. Nagkaroon kasi ng tune-up game ang mga ito laban sa mga varsity ng soccer ng taga-ibang school kaya halos magwala na si Aaron. Nang tinawagan niya si Grey at sinabi nitong papaalis pa lamang sila mula sa ibang school ay nagpanic na ang lahat. Tinawag na kasi ang contestant number two at dalawang performance na lang bago kami.
Tinadtad ko ng text si Tukmol at nagreply naman siya at sinabing pinapalipad na raw nila ang sinasakyan nilang van.
“Thank you for that wonderful performance, Grade 10-Love. Now let’s give a round of applause to Grade 9-Joy.” Pag-aannounce ng emcee.
“Putcha! Aabot pa kaya tayo?” sabi ni Veil habang kinakamot ang kanyang nakaayos ng buhok.
“Ano ba! Huwag mo ngang guluhin ‘yang buhok mo! Kakalbuhin kita!” sigaw naman ni Sam sa kanya na siyang nag-ayos sa kanyang buhok.
Sumimangot lang si Veil sa sinabi niya.
“Paano na ‘to?” malungkot na tanong ni Amy sa aming magkakaibigan.
Tumingin ako sa entrance ng gym kung saan ginaganap ang contest. Kasalukyan kaming naka-upo sa bleachers at inaabanagan ang pagdating ng mga kaklase namin.
Hindi, hindi magagawang hindi sumipot nung mga gagong ‘yun, lalo na si Chaser. Hindi, gagawin niya ang lahat makaabot lang siya, hindi niya hahayaang mauwi lang sa wala ang pinagpaguran niya, hindi. Alam kong hindi. May tiwala ako sa kanya. Tutupad siya sa usapan namin.
“Andyan na sila!” sigaw ni Gero (J-E-R-O) na kaklase namin.
Napatingin kaming lahat sa entrance at nakita namin sina Grey, CK at Chaser na tumatakbo, tagaktak ang pawis at hingal na hingal. Agad silang dumeretso sa CR ng mga lalaki, sinundan namin sila doon.
Nasa tapat kami ng CR nang biglang lumabas mula sa loob ng CR sina CK at Grey na walang suot na pantaas. Nagsitilian ang mga nakakita sa kanila.
“Shit. Futa ‘yung abs!” rinig ko pang sigaw ni Aaron.
“Hmm. Pandesal!” hirit pa ng isang hindi ko kilalang babae.
“Nasaan na ‘yung costumes namin?” tanong ni CK na binalewala ang hiyawan ng mga babae dahil sa kanila. Inabot naman sa kanya ni Veil ang kanyang costume samantalang inabot naman ni Amy ang costume ni Grey. Kinindatan muna ni Grey si Amy bago sila tuluyang pumasok muli sa loob.
Nakita ko ang paninigas ng katawan nina Amy at Veil sa nakita nila.
“Huy! Ayos pa kayo? Hahahahaha! Galaw-galaw baka pumanaw!” pang-aasar ko sa kanila 'na ikinatawa ng lahat.
Babatukan sana nila akong dalawa ngunit naka-ilag ako. Hahahahaha! Sus! Tulo laway lang ang mga ito e!
“Asan na ‘yung costume ko, Sushi?” narinig kong sabi ng isang lalaki mula sa likuran ko at hindi ko na kailangan pang isipin kung sino ito.
Agad ko siyang nilingon at aasarin sana para sa magiging performance niya mamaya pero naestatwa ako nang makita kong wala rin siyang suot na pantaas. Tumutulo ang pawis mula sa kurba ng kanyang abs. Napalunok ako. May abs pala ang gagong ‘to? Paano siya nagkaroon noon?
Kahit halos manghina ako sa nakalahad niyang katawan sa harapan ko ay naibigay ko pa rin sa kanya ang kanyang costume.
“Salamat, Sushi!” sabi niya saka ginulo ang buhok ko bago tuluyang pumasok ulit ng CR, Nanatili akong nakatayo sa pwestong iniwan niya kanina.
BINABASA MO ANG
A Best friend's Chase (Completed)
Teen Fiction(Crazy Friendship Series #1) Kailan nga ba nananatiling kaibigan lang ang isang kaibigan? Hanggang kailan nga ba dapat habulin ang isang taong ayaw magpahabol? "Tao lang naman ako, hindi machine." Nanginginig ang kanyang boses. Malungkot ito at m...