ABC (42) - " Huwag mo akong iwan."
"Mahal mo na ba si Chaser, Sesha?" straightforward na tanong sa akin ni Yuni habang inaayos ko ang punda ng mga unan na gagamitin namin mamaya.
Napatigil kaming lahat sa ginagawa dahil sa tanong niya. Sina Veil at Siren na kasama ko sa pagaayos ng punda ng unan ay napahinto sa ginagawa at nagkatinginan.
Sina Amy at Destiny naman na nag-aayos ng kama ay napatingin kay Yuni, nanlalaki ang mga mata nila na para bang nagulat sa biglaang pagtanong nito.
Sina Kea, Ayuii at Lyme na kasama ni Yuni na nag-aayos ng kanilang mga gamit ay napakit na lang, nagawa pang sikuhin ni Ayuii si Yuni dahil sa pagtanong nito.
"Ano?! Tinatanong ko lang naman." nagkibit-balikat pa si Yuni nang sabihin niya iyon kay Ayuii. sa sobrang inis nito sa painosenteng akto nito ay kinurot niya ito sa tagiliran dahilan para mapa-"Aray!" si Yuni dahil sa sakit.
"B-bakit mo naman biglang natanong 'yan?" sabi ko at nagkunwaring hindi apektado sa tanong niya, ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng punda ng mga unan.
"'Wag mo nang isipin 'yung tanong niya." napatingin ako sa nagsalitang si Ayuii at nakita kong binatukan niya si Yuni matapos niyang sabihin iyon. Umalingawngaw nanaman sa buong kwarto ang isa nanamang daing niya dahil sa sakit ngunit hindi iyon pinansin ni Ayuii at ipinagpatuloy na lamang ang kanyang sasabihin. "Hindi naman kami nagmamadali, kung kailan ka ready na magsabi ng nararamdaman mo, sabihin mo lang sa amin, lagi kaming handang makinig sa'yo." ngumiti siya pagkatapos niyang sabihin iyon.
Ngumiti naman ako sa kanya pabalik. Sa totoo lang, gustong-gusto ko na talagang sabihin sa kanila ang nararamdaman ko, gusto ko nang magkwento dahil mukhang anytime ay sasabog na ako. Gusto ko nang humingi ng advice sa kanila dahil parang unti-unti nang natutuyo ang utak ko sa kakaisip kung ano ang dapat gawin, dapat sabihin at dapat aminin sa sarili ko at sa mga taong nasa paligid ko.
Noong nakita kong naglalakad palayo sa akin si Chaser papasok ng bahay ni Ome para ikuha ako ng chocolate drink, madrama mang sabihin, pero parang nakaramdam ako ng kawalan. Parang may kinuha siya mula sa akin at sinama niya iyon sa kanyang paglakad papalayo kaya nakaramdam ako ng sakit.
Naramdaman kong parang may nawala sa akin at itinangay niya iyon kasama siya.
Naisip kong ang makitang papalayo sa akin si Chaser ay masakit na, paano pa kaya kung tuluyan niya nga akong iniwan at hindi na siya babalik? Paano kung masaktan ko siya ng todo, at mapagpasiyahan niyang lumayo sa akin at iwanan ako? Makayanan ko pa kaya?
Hindi. Hindi ko kaya. Alam ko sa sarili kong hindi ko kaya.
Gusto ko mang aminin iyon sa kanya dahil mukhang sasabog na ang puso ko anytime ay hindi ko pa rin magawa.
Dahil natatakot ako, natatakot ako na baka kapag inamin ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko ay masaktan ko si Hunter. Si Hunter na naghihintay sa akin, sa sagot ko.

YOU ARE READING
A Best friend's Chase (Completed)
Teen Fiction(Crazy Friendship Series #1) Kailan nga ba nananatiling kaibigan lang ang isang kaibigan? Hanggang kailan nga ba dapat habulin ang isang taong ayaw magpahabol? "Tao lang naman ako, hindi machine." Nanginginig ang kanyang boses. Malungkot ito at m...