ABC (37) - "Baby.."
"Kanina ka pa hinahanap nila Manong Dante, nandito ka lang pala." Nawala ang paglilibang ko sa mga stars sa langit nang bigla kong marinig ang boses ni Chaser.
Nagsimula nanamang kumabog ang puso ko. Presence pa lang niya, nagkakaganito na ko. Paano pa kaya pag tumabi na siya sa kin? Baka lumabas na ang puso ko mula sa katawan ko.
Pero mabait talaga sa akin si Lord dahil naramdaman kong bumigat ang pick up truck na kinauupuan ko. Tumalon ang nagwawala sa kalooban ko nang tumabi siya sa akin. Ngayon ay parehas na kaming nakaupo sa may dulo ng pick-up truck at nakalaylay ang paa sa ere.
"Marami na kasing tao doon sa bahay, alam mo naman ako takot sa maraming tao." Pagbibiro ko.
Ako? Si Sesha Gabriella Lorenzo ay takot sa tao?! Masyadong makapal ang mukha ko para makayanan pang kumanta sa harap nila. I will never be shy to anyone. Well, except right now. Except when he's just an inch away from me.
Tumawa lang siya sa sinabi ko at namalagi na ang katahimikan sa aming dalawa. Tanging ang mga kuliglig lang sa gabi at ihip ng hangin ang iyong maririnig.
Naisip ko, kung kami pa rin 'yung dating magbestfriends, kung kami pa rin 'yung dating Sushi at Tukmol ng isa't-isa, baka nagwawala na kami ngayon. Aasarin niya ako tungkol sa pagkatalo ng paborito kong koponan sa PBA, samantalang aasarin ko naman siya tungkol sa hindi pa pagkakaroon ng panalo ng paborito niyang team. Malamang ay walang humpay na asaran, sigawan at tadyakan ang mangyayari.
Pero iba na ngayon. Hindi ko alam kung sino ang nag-iba, kung ako ba o siya. Kung ang pakikitungo namin sa isa't-isa o sadyang nagbago lang talaga kami. Ganoon talaga siguro ang nagagawa ng pag-ibig, kahit ayaw mo, kahit hindi mo alam, napapagbago ka nito.
"Alam mo ba kung anong paborito kong pelikula?" Tanong ni Chaser na nagpawala sa akin sa iniisip ko kanina.
"Despicable me." Sabi ko nang hindi nag-iisip. Kabisado ko na lahat ng ayaw at gusto niya. Anong magagawa ko eh elementary pa lang ay nagpapatayan na kami.
Tumawa siya nang mahina dahil sa sinagot ko. "Paborito ko lang naman 'yun dahil 'yun ang paborito mo."
O akala ko lang talaga na kabisado ko na siya?
"Eh ano pala?"
"This may sound weird pero ang gusto ko ay 'yung paano na kaya, must be love at kung ako na lang sana."
Hindi ko napigilang tumawa. "Pft! Drama 'yun ah! Akala ko ba ayaw mo ng drama?" Shit. Parang ang bading pag galing mismo sa kanya.
"Tss. Wag ka ngang tumawa." Umirap siya sa akin bago nagpatuloy. "Madrama o nakakabading man pakinggan pero 'yun ang totoo. Romantic drama movies are really my thing."
Fudge. Hindi ba't mas nakakabading pakinggan iyon?! Jusko! Hindi ako pwedeng mainlove sa bading! Pero bakit parang mas lalo akong nahuhulog sa kanya dahil sa pag-amin niyang iyon? Kainis!
"Kailangan mo na kong bigyan ng rason ngayon bago pa ako magdudang bading ang bestfriend ko." Natatawa kong sabi.
Huminga siya ng malalim at tumingin sa langit bago sumagot. "Kasi binibigyan nila ako ng pag-asa, na kahit ano pang sabihin ng iba, na kahit ano pang pagdaanan, bestfriends still end up with each other."
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Pinipigilan kong lumabas ang nagwawala kong puso. Putcha magbehave ka!
"Pero alam mo, sa tuwing nanonood ako nun, paulit-ulit kong naiisip na..." Huminga muna siya ng malalim. Bago ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi.
ESTÁS LEYENDO
A Best friend's Chase (Completed)
Novela Juvenil(Crazy Friendship Series #1) Kailan nga ba nananatiling kaibigan lang ang isang kaibigan? Hanggang kailan nga ba dapat habulin ang isang taong ayaw magpahabol? "Tao lang naman ako, hindi machine." Nanginginig ang kanyang boses. Malungkot ito at m...