ABC (27) - "I'm not ready yet."

1.9K 48 5
                                    

ABC (27) - "I'm not ready yet."

Noong gabi ding iyon, Kahit medyo hindi pa rin ako nakakaget-over sa nangyari, kahit hinahabol ko pa rin ang hininga ko, kahit mabilis pa rin ang tibok ng puso ko, ay pinilit kong pumunta sa kwarto ko nang hindi gumagawa ng ingay. Tulog na kasi sila Papa kaya yari ako kung sakaling magising ko sila mula sa mahimbing na tulog.

Pero hindi ko na naiwasang sumigaw nang makakita ako ng malaking ipis na nagsa-sunbathing sa kama ko kahit gabi na. Shit! Napahawak pa ako sa dibdib dahil sa sobrang gulat.

Nang makarecover na ako ay unti-unti kong napagtanto na ito ay isang stuff toy. 'Yung stuff toy na gusto kong bilhin mula doon sa tindahan sa isang mall. Paano naman 'to napunta dito?

Lumapit ako doon at tinignan kung kanino galing. Imposible naman kasing gumapang 'to papunta dito. Nang may nakita akong card na nakadikit doon ay agad ko itong kinuha at binasa.

Nakapikit ako habang binibili ko 'to. Wala e, gusto mo kasi e. At kahit na ayaw ko sa mga ipis na 'to, kung naaalala mo rin lang naman ako sa pamamagitan nila, bibilhin ko na lahat ng ipis sa mundo para sa'yo, 'wag mo lang akong makalimutan.
- Love, your handsomest bestfriend.

"Bobo ka talaga sa english." Nakangiti kong sabi kahit wala naman akong kausap.

Bukod sa pagputi ng uwak, ang isa pang bagay na pinaka-imposible sa mundong ito ay ang makalimutan ko ang isang Chaser De Silvia.

Yung mga kalokohan niya, yung mga pambubully niya sa'kin, 'yung mga katangahan niya sa ibang mga bagay bukod sa math, 'yung mga memorable experiences ko kasama siya. Lahat naman ata ng mga memorable sa buhay ko ay nandun siya.

Ipupusta ko lahat ng Calvin Klein briefs niya, hinding-hindi ko siya makakalimutan.

Ngayon pang pinapatibok niya ang puso ko ng ganito? Imposible.

Dumaan ang sembreak at wala naman kami masyadong ginawa bukod sa paglilibot namin kay Hunter dito sa siyudad. Masyado na kasi maraming nagbago dito sa lugar namin simula noong umalis siya. Kung dati ay probinsya lang kami na may sariwang hangin at malapit sa kabihasnan, ngayon ay nagpapataasan na ang mga buildings at dumadami na rin ang mga turista. Well, ganun talaga. Asensado na e.

Bukod sa araw-araw kong pagkakatanggap ng mga nakakahatching na bulaklak ay wala na rin namang weird na mga bagay na nangyari noong sembreak.

November na ngayon at abala nanaman ang mga klase dahil sa ipinagdiriwang ang english month sa school. At ang pinaka-pinaggagastusan, pinaka- pinagkakaabalahan, at pinaka-iintay ng lahat ay ang Musical Play.

Pero kung dati ay nagbubunutan lang ang bawat section kung ano ang ipi-play nila ay iniba na nila ngayon. Gagawa ang bawat sections sa 3rd year at 4th year ng kani-kanilang musical play. Sariling tunog, sariling kwento, at sariling konsepto.

Panic mode on nanaman si Aaron, ang napili naming director para sa aming musical play, dahil mahirap daw ang pinapaggawa nila. Ganoon din ang sabi ni Nica, 'yung assistant director namin. Kaya kung nagpapanic sila ay siyempre, mamomoblema na rin ang lahat.

"Ako na ang gagawa ng script. Magbigay lang kayo ng plot. Ako na bahala, basta bigyan niyo lang ako ng date kung kailan niyo kailangan." Nagbigay ng kaunting pag-asa ang sinabi ni Veil na iyon.

Isa rin kasi sa mga problema namin ay 'yung gagawa ng script. Masyadong matrabaho kasi iyon at nakakaubos ng brain cells ang pagsusulat kaya walang gustong mag-volunteer. Kasama ko si Veil sa mga miyembro ng school paper kaya wala ng dapat alalahanin pa.

Kaming mga magkakaibigan naman ay nagvolunteer na lamang para maging mga staff. Ganun naman talaga pagdating sa aming mga honor students at simpleng magbabarkada lang, pangback stage lang ang beauty. Sanay na kami.

A Best friend's Chase (Completed)Where stories live. Discover now