ABC (16) - "Can I win this fight?"

2.1K 51 0
                                    

ABC (16) – “Can I win this fight?”

UWIAN din ng hapong iyon ay kasama ko si Ayuii na naghihintay sa iba pa naming kaibigan sa waiting shed ng school. Naiwan kasi ‘yung mga abnormal sa classroom dahil cleaners sila, kaya eto kami ngayon, tulala sa kawalan at hinihintay sila.

Iniisip ko ‘yung nangyari kaninang lunch. Actually, hindi lang ‘yung kanina, ‘yung nangyari noong city meet habang naglalaro siya ng soccer, ‘yung nangyari noong pinapakinggan ko ang kanta sa cellphone niya sa loob ng LRT, ‘yung nasa loob kami ng KFC at kumakain. Lahat nang iyon, nakakainis, nakakagulo, at nakakakaba. Nakaramdam ako ng isang bagay na hindi ko pa nararamdaman dati.

Alam mo ‘yung pakiramdam na naeexcite ka sa mga susunod na mangyayari pero natatakot ka rin at the same time? ‘Yung pakiramdam na masaya ka pero pinipilit mo itong pigilan dahil pakiramdam mong may mali. Mali ang nararamdaman ko kaya madalas ay tumatakbo ako, pero paano na lang pag wala na akong matakbuhan? Paano na lang kung hindi ko na ito matakasan? At bakit naman kaya pakiramdam ko’y mali ito?

“May problema ka.” Hindi iyon tanong kundi isang konklusyon galing kay Ayuii.

Tumingin ako sa kanya, nakatingin siya sa kawalan, sa mga taong dumadaan sa harap namin. Minsa’y ngumingiti pag may dumadaan sa aming harapan na kakilala namin.

“Spill.” Sabi niya gamit ang tonong madalas niyang ginagamit sa tuwing nagcocommand siya sa amin sa CAT.

Siguro nga ay kailangan ko rin ng mga payo niya dahil naguguluhan na ako, kung tama ba ‘to at hahayaan na lang o mali ito at kailangan ng pigilan.

Sumandal ako sa waiting shed at tumingin na rin sa kawalan.

“Posible bang makaramdam ng saya at takot at the same time?” huminga ako ng malalim.

Lumingon siya sa akin na may nanunuyang mga mata, parang pinag-aaralan niya kung anong ibig kong sabihin, parang inoobserbahan niya akong mabuti. Hindi agad siya sumagot sa tanong ko.

Tumawa ako ng mahina, baka iniisip niyang nahihibang na ako. Takot at saya? ‘di ba’t pangbaliw lang iyon? Matagal na nga talagang sira ang tuktok ko.

“Nababaliw na siguro ako. Haha! ‘Wag mo na lang isipin ‘yung sinabi ko.” Sabi ko sa kanya. “Kamusta naman ‘yung poster making contest kanina? Paniguradong panalo ka nanaman doon, anong idrinowing mo?” pag-iiba ko ng usapan. Titig na titig siya sa akin habang ako naman ay nag-iiwas ng tingin. Natatakot akong baka may makita siya sa mga mata ko kahit ako mismo ay hindi ko alam kung ano ang mga iyon.

Tumingin ulit siya sa kawalan at nagsimula nanamang matulala. Hindi na niya sinagot ang tanong ko kaya hindi na ako nagsalita. Baka mamaya kung ano nanamang kabaliwan ang masabi ko.

“Oo.” Bigla niyang sabi. “Oo, posibleng makaramdam ka ng saya at takot at the same time.” Dugtong pa niya.

Napalingon ako sa kanya. Nakangiti siya habang nakatulala sa kawalan. Hindi kaya siya talaga ang baliw sa aming dalawa?

“‘Yung pakiramdam na para siyang sakit na gusto mong iwasan o gamutin pero natutuwa kang isipin ito gabi-gabi bago ka matulog? ’Yung pakiramdam mo ay hindi tama pero sabik kang malaman kung anong susunod na mangyayari? ‘Yung natatakot ka na sa mga nararamdaman mo pero napapasaya ka rin nito?“

Nagulat ako dahil tugma sa mga nangyayari at nararamdaman ko.

“Alam ko, Sesha. Alam na alam ko ang pakiramdam na iyan. ‘Yan ang pakiramdam ko noong nagsisimula na akong mahulog kay Aki.” Dugtong niya habang nakangiti.

A Best friend's Chase (Completed)Where stories live. Discover now