ABC (1) - "dugyutin!"

6.3K 72 2
                                    

Taena.

Alas dose na, hindi pa rin ako makatulog.

Rinig na rinig ko mula dito ang mala tambutchong hilik ni papa mula sa kabilang kwarto.

Malupet talaga.

Ilang gulong at tumbling na ang nagawa ko dito sa kama pero wala pa ring talab.

Nahulog at nauntog na nga ako, wala pa ring epek. Leche.

Sa gitna naman nang pagmumuni-muni ko ay biglang nagvibrate ang cellphone ko.

Senyales na may nagtext.

From: Tukmol (Chaser)

Wag mo na kasi akong masyadong iniisip nang makatulog ka naman.

Ubod talaga ng kayabangan ang isang to. Di na naubusan.

To: Tukmol (Chaser)

ULUL! KAPAL NG MUKHA MO! MANAHIMIK KA!

Nang masend na ang message na yun ay pinatay ko na ang cellphone ko para hindi na tuluyang mabwisit ang sistema ko dahil sa tukmol sa na yun

Tahimik nanaman.

Ayoko ng ganito.

Naaalala ko siya.

Siya.

Siya nanaman.

Taena talaga.

Tatlong taon.

Tatlong taon na simula noong umalis siya.

Kamusta na kaya siya ngayon?

Gwapo pa rin kaya siya? Sigurado naman yun.

Baka naman may girlfriend na kaya siya doon? Hindi imposibleng mangyari yun.

Siya pa?!

Hay kung anu-anong kashitan nanaman ang naiisip ko.

Dahil wala na talaga akong magawa ay tumayo na lang ako at pumunta sa study table.

Kinuha ko doon ang isang photo album na matagal nang hindi nagagalaw.

Kaya pinagpag ko muna ito.

Pakshet nahatching pa ko. Shit naman.

Binuklat ko ito at nakita ang isang litrato ng dalawang batang lalake kasama ang isang batang babae. Ang isang batang lalake na may black eye sa kaliwang mata ay masamang nakatingin sa isang batang babae na may hawak na ice pack sa ulo at masama rin naman ang tingin sa kanya. May isang batang lalake naman ang nasa gitna nila at nakaakbay sa kanilang dalawa. Siya lang, sa kanilang tatlo, ang nakatingin sa camera at nakangiti ng todo na para bang nakapikit siya sa litratong iyon.

Natatawa na lang ako sa tuwing naaalala ko ang eksenang iyon.

 

Grade 3 ako nun.

Takbo ako nang takbo sa kung saan-saan kahit walang humahabol sa akin.

Ewan ko nga bata pa lang ako may sira sa na talaga ang tuktok ko.

At dahil nga galing na ako sa kung saan-saan ay napakadumi na ng uniform ko ng pagkakataong iyon, pati nga mukha, braso at binti ko ay madumi na rin.

At dahil nga bata, wala akong pakialam dun.

 

Habang ligalig pa rin ako sa pagtakbo sa kung saan-saan ay biglang may tumamang bola sa ulo ko ng ubod ng lakas na para bang inalog ng todo ang utak ko.

A Best friend's Chase (Completed)Where stories live. Discover now