ABC (38) - "Ikaw lang naman."

1.8K 43 4
                                    

ABC (38) - "Ikaw lang naman."

Matapos ang manginig tuhod at pamatay kilig na pag-uusap namin sa pick-up truck nila Manong Felisimo ay nagpaalam na kami sa kanila dahil lumalalim na ang gabi. Malapit lang naman sa amin ang bahay ni Manong kaya mas pinili ko nang maglakad kaysa sa sumakay ng tricycle. Dahil bukod sa mas mura ito ay makakapag-exercise pa ang mga binti ko.

Wala nang sabi-sabi ay sumabay sa akin si Chaser, hindi ko na tinanong kung bakit. baka asarin nanaman ako nun dahil mamumula nanaman ako gawa ng mga banat niya. Sarap banatan minsan e!

Oo na, ako na kunwari pa.

Nang hawakan niya ang kamay ko nang walang pasabi ay umangal ako. Siyempre, nakakahiya naman kung may makakita sa amin, mamaya ibalita pa sa mga magulang ko na nakikipagchukchakan ako sa gabi. ayaw ko namang makarating sa kanila ang mga ganoong balita.

Pero sadyang makulit si Chaser, ayaw paawat. Sabi niya ay gabi na rin naman daw at lahat ay tulog na. Dinagdag pa niya na namiss daw niya agad ang kamay ko, parang kusang hinahanap ng kamay niya. Putcha ubod ng corby. Buti na lang talaga at effective.

Napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Kahit kailan ay hindi ko naisip na ganito kagaan ang magiging pakiramdam ko. Kahit kailan ay hindi ko naisip na ganito kasarap sa pakiramdam ang mahawakan nang ganito kahigpit ang kamay niya. Pakiramdam ko ay ligtas ako, na para bang okay lang na magpatinaod ako sa kanya, okay lang kahit saan niya ako dalhin, basta hindi niya bibitawan ang kamay ko, okay lang sa akin. Sasama ako.

Lumipat naman ang tingin ko sa kanya, nakangiti siyang kung posible lang ay aabot talaga sa tenga. Ang mga pisngi niyang maputi ay medyo nakaangat dahil sa pagngiti niya. At ang mga mata niyang singkit at mapupungay ay parang nabigyan ng bagong buhay dahil sa sayang pinapakita nito. 

Ngayon ko lang siya nakitang masaya nang ganito, 'yung parang wala nang bukas. Oo, madalas ko siyang makitang tumawa ng wakas, humalakhak ng walang bukas. Pero masasabi kong hindi iyon ang pinakamasayang Chaser na nakita ko kundi ito. Itong nasa harap ko ngayon. Dahil hindi lang bibig niya ang masaya, kundi pati ang mga mata niya. Mas lalong dumagdag iyon sa kagwapuhan niya. Sa tingin ko nga ay mas lagpas pa doon.

Nilihis ko ang tingin ko sa kanya at nakita ang mga poste ng ilaw na nakahilera sa daan. Sinamahan ito ng liwanag ng buwan at kislap ng mga bituin sa langit. Ang sarap tignan, masarap sa mata. Perfect time para magreminisce.

Bigla kong naisip na malayo na pala ang narating naming dalawa ni Chaser. PArang noong una ay napakaimposible para sa akin na makarating kami sa puntong ito. Sa puntong nagliligawan kami. Kung ako si Sesha dati ay baka tumawa lang ako nang malakas 'pag sinabi sa akin ni Chaser na mahal niya ako. At baka nasusuka na ko sa mga oras na 'to. Pero hindi, maraming nagbagong pag-iisip. Maraming nabaling prinsipyo.

Sabi nila, "A boy and a girl can never be just best friends." Noon ay hindi ako naniniwala dito. Siyempre, naniniwala akong kaming dalawa ni Chaser ang living proof na hindi nga ito totoo. Na ang isang babae at lalaki ay pwedeng magkaibigan, pwedeng hanggang magkaibigan lang.

A Best friend's Chase (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant