ABC (24) - "Heart like yours."

2.2K 50 3
                                    

ABC (24) - “Heart like yours.”

11:00 na ng gabi nang natapos ang inuman nila at napagpasiyahan na rin naming magsi-uwi. Lasing na lasing sina Rye, Trick, Chew, at Clark, si Jerome naman ay uminom lang ng kaunti at sina Ome, Grey, at CK na tumanggi sa mga inumin ay pinagtatawanan lang ang mga kaibigan nilang nawawala na sa sarili dahil sa kalasingan.

“I WANNA LEEEEEEIIIIIII YOUUU DOWN ON A BED OF ROOOOOOOOOOOZIZZZZZZ!” maingay na kanta ni Chew kahit wala naman talagang videoke. Ayon kay Chaser ay ganito lang daw talaga ito kapag nalalasing. Kumakanta ng kung anu-ano, specifically mga lumang kanta.

Binatukan naman siya ni Ome saka inakay ito, nasa tabi niya si Yuni na mapupungay na ang mga mata dahil sa antok.

“Tara na nga at baka mabulahaw pa ang mga kapit-bahay ni Jerome dahil sa’yo!” sigaw niya sa pagewang-gewang na si Chew na nakaakay sa kanya.

Humarap sa amin si Ome at kumaway.

“Una na kami! Nagtext sa’kin ‘yung Papa ni Yuni at hinahanap na siya. Jerome, Thanks and congrats! Way to go man!”

Tinanguan lamang siya ni Jerome at kumaway na kaming lahat sa kanya.

Habang naglilinis kami ni Chaser ng lamesang ginamit nila kanina ay napansin ko si Kea na naglalakad patungo loob ng bahay. Ngunit napatigil siya nang biglang tumayo sa harap niya ang lasing na lasing na si Rye at biglang natumba sa kanya, mabuti na lamang ay nakuha niya ang kanyang balanse at naakay niya si Rye na nakayakap na ngayon sa kanya.

“Ano ba naman ‘yan! Iinom-iinom kasi hindi naman kaya! Teka, Rye! Ang bigat mo!” sigaw naman niya sa nakasandal sa kanyang si Rye.

Ganun na lang ang gulat ko nang biglang dumilat ang mga mata ni Rye at nagtagpo ang mga mata namin. Kumindat siya sa akin at ngumisi na para bang walang bahid ng pagkalasing ang katawan niya. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Chaser sa gilid ko.

“Anong ibig sabihin nun?” naguguluhang tanong ko sa kanya.

“Akala ko ba lasing ang isang ‘yun?”

“Dinadaya lang niya sina Trick, tinatapon niya sa halaman ‘yung shot niya.” Naiiling at natatawang sabi ni Chaser habang inaayos ang mga shot glass sa isang tray.

“E ano ‘yun? Nagpapanggap lang siyang lasing? Bakit naman?”

Makahulugang tumingin sa akin si Chaser sabay ngisi bago sagutin ang tanong ko, “Ano sa tingin mo?”

Napaisip ako sa sinabi niya at muling napatingin sa kinatatayuan nila Kea at Rye kanina. Nakita kong nandoon pa rin sila, inaayos ni Kea ang pagkasandal sa kanya ni Rye habang nakapasimpleng yakap naman si Rye sa kanya habang nakapikit at nakangiti. At doon sumindi ang ilaw sa utak ko. Shit. Totoo?

“’Wag mong sabihing…” hindi pa rin makapaniwalang sabi ko. Si Rye? May gusto kay Kea? Holy carabao!

Akala ko ay hindi nagkakagusto ang isang ‘yun. Playboy siya at pinaglalaruan lamang ang mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Posibleng pinaglalaruan niya lamang si Kea, pero bakit kailangan pa niyang gawin iyon? Ang magpanggap na lasing para lang mapansin ni Kea? Hindi gawain ng playboy iyon! Hindi gawain ng isang Patrick Rye Sarmiento iyon!

Lalong natawa si Chaser sa reaksyon ko at umiling-iling. “Freaking Lovesick pala ah. Siya pala itong ang style ay bulok. Magpanggap na lasing? What a stupid way of catching a girl’s attention.”

“Tang-ina! Hahahahaha!” Natatawa ko na ring komento. Oo nga, nilulumot na ang style na iyon ng pagpapapansin.

Napunasan na namin ang lamesa at ibinalik sa kusina ang mga nagamit na kubyertos habang natapos na rin nina Veil, Lyme, Filipina at Siren ang paglilinis ng mga kalat sa garden.

A Best friend's Chase (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora