ABC (4) – “Para kahit sapatos at bag man lang, parehas tayo.”
Sumakay kami ng dalawang jeep bago nakarating ng mall. Dumiretso kami sa department store at wala pang 30 minutes ay natapos na naming bilhin ang mga notebook, ballpen, pencil, bondpaper, intermediate paper at kung anu-ano pang papel at gamit na kailanganb naming. Pagkatapos naming mabili ang mga school supplies ay dumiretso kami sa bilihan ng mga bag.
Nagulat na lang ako nang bigla niyang binulungan yung sales lady. Kumunot naman ang noo ko nang kiligin yung sales lady pagkatpos niya itong bulungan sabay sabing . . .
“Okay sir.” Saka umalis sa harap namin ‘yung sales lady.
“Anong binulong mo dun? Kulang na lang maihi sa sobrang kilig.” Tanong ko naman kay chaser.
“Secret!” sagot pa niya sabay kindat.
“Isa pang kindat mo, tutuluyan na kita.” Pagbabanta ko sa kanya na ikinatawa lang niya.
Pagkatapos nang ilang minuto ay bumalik na yung sales lady na may hawak na dalawang backpack. Yung isa ay kulay blue at kulay pink naman yung isa pero parehas lang sila ng design.
Ang cool nga nung design eh, pero halatang mamahalain. Hindi afford ng kwarta ko.
“Sir, ito na po yung couple bag na hinahanap niyo. Hihihihi!” kinikilig na sabi nung sales lady.
Bwisit daig pa paniki sa sobrang ipit ng tawa.
Pero Ha? Anong couple bag pinagsasasabi nito?
“Sige po, bibilhin na namin. Thank you po.” Sabay kukunin na sana niya yung “couple bag” kuno pero pinigilan ko siya.
“Teka, teka, anong bibilhin? At tsaka, anong couple bag? Mandiri ka nga Chaser!”
“Sino ba nagsabing para sa’yo to?”
HOLY SHIT. Napahiya ako dun ah.
Tang-ina ka talaga Chaser.
Narinig ko namang mahinang tumawa yung sales lady kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumigil naman siya sa pagtawa at tumingin sa ibang direksyon.
“Tss. Bahala ka.”
Yun na lang ang sinabi ko saka nagsimula nang maglakad at tumingin ng ibang bag.
“Wag kang mag-alala, libre ko naman ‘to kaya wag ka nang mamoblema sa presyo. Sasabihin ko na lang kayla tita na sinagot na kita kaya bumili na tayo ng couple bag.” Narinig kong sabi ni Chaser na nasa tabi ko na pala.
“Sisipain na talaga kita pag di ka pa tumigil.”
Tumawa lang uli siya sa sinabi ko.
“Hahahahaha! Tara na nga.” Sabay hila sa akin papuntang counter para mapunch na ang pesteng couple bag. Hinayaan ko na siya total libre naman daw. Ano ko, tanga? Grasya na nga, tatanggihan ko pa ba?
Pero lechugas naman. Pati ba naman rubber shoes, gusto niya terno kami?
“Baka naman pati leather shoes, gusto mo parehas na rin tayo?!” pamimilosopo ko sa kanya matapos niyang kausapin yung sales lady.
“Kung pwede lang eh.” Sabi niya na para bang wala sa sarili.
Pinalo ko nga siya ng mga bitbit kong supot.
Napa-aray siya sa sakit. Pero tumawa lang ulit.
“Hoy! Bakit ba anlakas nang topak mo ngayon ha? Tigilan mo na nga ‘yan.”

ŞİMDİ OKUDUĞUN
A Best friend's Chase (Completed)
Genç Kurgu(Crazy Friendship Series #1) Kailan nga ba nananatiling kaibigan lang ang isang kaibigan? Hanggang kailan nga ba dapat habulin ang isang taong ayaw magpahabol? "Tao lang naman ako, hindi machine." Nanginginig ang kanyang boses. Malungkot ito at m...