ABC (2) “Susubukan ko.”
(F cont.)
Isang buwan pagkatapos nang nangyari ko pa nagawa ang paghihiganti ko sa kanya. Siyempre, para maglie-low muna at mapag-isipan ng mabuti ang plano. Ha! Hindi madaling linlangin ang isang Chaser De Silvia noh!”
Pagkauwing-pagkauwi ni Papa mula sa Bagiuo ay agad kong itinago sa bag ko ang pasalubong niyang strawberry jam . WHAHAHAHAHAHAH! Ito na ang pinakahihintay ko!
Medyo close na kami noon ni Veil pero hindi kalevel ng closeness namin ngayon. Seatmate siya ni Chaser at nalaman kong naiinis din pala siya sa kayabangan ng ungas na ‘yun. Kaya sa kanya ko pinaubaya ang plano ko.
Math class namin noon.
At dahil Math genius kuno ang gago ay siya ang pinasagot ng teacher namin sa board. Mabilis niyang nasagutan ang equation sa board pero mas mabilis kumilos si Veil na ibinuhos ang strawberry jam sa upuan niya.
Mahina akong napatawa dahil inubos talaga ni Veil ang laman ng garapong ‘yon.
“Correct! Very good! You may now take your seat, Mr. De Silvia. Class, gayahin niyo si Mr. De Silvia, kahit hindio nakikinig, nakakasagot.”
Di ko na lang pinansin ang sinasabi ng teacher namin dahil nakatutok lang ako sa mga susunod na pangyayari.
Naghihikab si Chaser habang papunta sa upuan niya. Right timing talaga ‘yun dahil pag inaantok si Chaser ay hindi na niya napapansin ang nasa paligid niya.
At nang umupo na siya sa upuan niya.
POOF!
Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ang pagtawa ng malakas.
“What the—“ sigaw niya sabay tayo.
Dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya at mapatawa ng sobrang lakas.
Hanggang ngayon, napapatawa pa rin ako pag naaalala ko ang moment na ‘yun! WHAHAHAHAHAHA!
“Chaser! Whahahahaha! May tagos ka? Hahahahaha! Naunahan mo pa ako ah!” Kantyaw sa kanya ng isang classmate naming na babae.
Lalong lumakas ang tawanan ng buong klase. Biglang nanlisik ang mga niya kaya automatic na nanahimik kaming lahat. Tinakpan ko ulit ang bibig ko para mapigilan ang pagtawa.
Pero napunta ang nanlilisik niyang mga mata sa akin. Nakakatakot ‘yun na parang kakatayin niya ko. Pero hindi ako papasindak sa kanya. Akala niya! Ngumiti ako at binehlatan siya. Buti nga sa kanya! Whahahaha!
“Argh!” sigaw niya sabay labas ng roon nang hindi man lang nagpapaalam sa aming teacher.
Whahahaha! Nasa akin talaga ang huling halakhak!
Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko habang nililipat ang bawat pahina ng photo album. Pero unti-unti itong nawala nanmg mapunta na ko sa pinakahuling litrato sa photo album na ito.
(F)
Grade 6
Nakaupo na kami ni Chaser sa isang table at kumakain. Pero siyempre, hindi normal para sa amin ang tahimik na pagkain kaya ayun, nag-eespadahan kami ng tinidor at kutsara nang makarating sa table namin si Hunter dala-dala ang lunch niya.

ESTÁS LEYENDO
A Best friend's Chase (Completed)
Novela Juvenil(Crazy Friendship Series #1) Kailan nga ba nananatiling kaibigan lang ang isang kaibigan? Hanggang kailan nga ba dapat habulin ang isang taong ayaw magpahabol? "Tao lang naman ako, hindi machine." Nanginginig ang kanyang boses. Malungkot ito at m...