ABC (33) - "Sesha.."

1.7K 49 2
                                    

ABC (33) - "Sesha.."

Pinilit kong maging masaya pagkatapos ng pangyayari. Nagtagumpay ako dahil na rin sa tulong ng mga kaibigan ko. Ikaw ba naman ang magkaroon ng sampu't kalahating baliw na mga kaibigan ay hindi ko na lang alam kung hindi ka pa sumaya.

"Bakit hindi na lang boxer?" Mapagbirong sabi ni Yuni nang magtanong si Amy kung anong pwedeng iregalo kay Grey dahil sa nalalapit na kaarawan nito.

Kasalukuyan kaming nagpipintura ng background na tindahan sa may gym para sa nalalapit na musical. Nagpapractice ang mga casts sa stage habang kami ay ginagawa ang mga props.

"Tang-ina mo, kadiri ka nanaman. Hahahahaha!" Komento ko naman. Leche talaga 'tong si Yuni, hindi na pinapakalawan ang pagka-green.

"Eew! Tumino ka naman minsan, wag puro kaberdehan!" Sabi naman sa kanya ni Amy.

"Bakit? Nagsa-suggest lang naman ako e. Ang sabihin mo, hindi mo lang alam ang size niya kaya ganun!"

Tumawa ang lahat dahil sa sinabi niya.

"Gago! Mukha bang alam ko kung anong size niya? Mukhang bang tinitignan ko ha?!" Sigaw naman sa kanya ni Amy.

Hindi na kami makahinga dahil sa sobrang kakatawa. Hahahaha!

"Ay hindi ba? Akala ko e." Painosente pa niyang sabi.

"Leche ka, Yuni! Hahahahaha!" Hagalpak na komento ni Kea dahil sa sobrang kakatawa.

"Tanungin mo kasi 'yung size ng paa. Sabi nila magka-size daw 'yun e." Kibit-balikat niyang sabi habang pinipigilan na rin ang pagtawa.

"Ayjusko! Hahahahahaha!" Natatawang sabi Destiny.

"Nako, Yuni! Magtigil ka't ipapabless ka nang di oras ni sister Lyme niyan!" Sabi naman sa kanya ni Veil na mangiyak-ngiyak na rin sa kakatawa.

"Ay nako. Painosente pa. 'Pag naghoneymoon kayo, magpapasalamat din kayo sa akin. Baka nga magpadala pa kayo ng house and lot sa sobrang saya niyo e." Sagot naman niya kaya tumakbo na kami sa kanya at isa-isa siyang dinaganan, buti na lamang at naka-p.e. kami ngayon. Malaya namin siyang mabubugbog dahil sa kaberdehan niya.

Dahil sa pagkakadagan namin sa kanya ay hindi na namin naisip ang mga paint brush na hawak namin. Kaya ayun, ang resulta ay nagkapinturahan kaming lahat sa damit at sa mukha.

Nagtawanan na lang kaming lahat at naglaro na ng habulan ng pintura. Tutal mga madumi na rin naman kami, ituloy na lang namin, 'di ba?

Sa sobrang pag-iwas ko sa humahabol sa aking si Lyme na pinakamabilis tumakbo sa aming lahat ay bumangga ako sa kung saan.

"Ay. Shit!" Sigaw ko pa bago ako lumagapak sa sahig dahil sa lakas ng impact.

"Sesha!" Narinig ko ang mahinhing sigaw ni Lyme.

Aww! Ang sakit ng pwet ko! Wala na nga, nabugbog pa!

"Sorry. Hindi ko sina-" natigilan ako sa pagpapaumanhin nang makita ko sa harapan ko ang nakatayong si Chaser na tila hindi natinag sa nangyari. Malamig lang niya akong tinignan. Nasa likod niya sina Rye at Trick na tila tensyonado sa mga pangyayari.

"Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo. Hindi 'yung takbo ka lang ng takbo." Iyon lang at umalis na siya sa harap ko. Hindi niya ako tinulungang tumayo. Hindi man lang niya ako tinulungan.

Nag-alay ng kamay si Trick sa harap ko at agad iyong tinanggap. Hinatak niya ako patayo.

"Salamat." Sabi ko sa kanya habang pinapagpag ang damit kong sobrang dumi na.

"Pagpasensyahan mo na si Chaser." Nahihiyang sabi ni Trick. Inilapit niya pa ang mukha niya sa tenga ko upang bumulong. "Menopausal stage na kasi." Sabi pa niya kaya sabay kaming napatawa.

A Best friend's Chase (Completed)Where stories live. Discover now