ABC (44) - "Finish line..."
"Hindi ko ba nasabi sa'yo na hindi magandang uminom nang mag-isa?" napalingon ako sa nagsalitang si ate Elite sa gilid ko. Tulad ko ay may hawak din siyang shot glass na may lamang alak.
Naisip kong uminom na lamang para makalimutan kahit saglit ang mga problema ko. O kahit makapag-isip isip ng bagay na tamang gawin para matapos na 'to. Ayoko namang uminom sa mga bar, sa tingin ko kasi ay madadagdagan lamang ang problema ko kapag doon pa ko dumeretso.
"You'll be dead if dad would found out about this." pagbabanta pa niya sa akin gamit ang matigas niyang ingles.
Mga ilang minuto na rin ang nakalipas nang sinimulan kong inumin ang alak na kinuha ko mula sa mga nakatagong koleksyon ni Papa. Ayaw na ayaw kasi niyang ginagalaw ang mga koleksyon niya ng alak. Ang sabi ko naman, anong silbi ng mga alak kung hindi iinumin, 'di ba?
"Saka na ko mag-iisip ng excuse kapag nandito na sila." sabi ko na lamang sa kanya habang pinagmamasdan ang nasa harapan naming swimming pool na nag-iiba iba ng kulay gawa ng mga light effects sa gilid nito.
"So.." lumagok ulit siya ng kanyang inumin bago muling magsalita. "What's the problem, brother?"
Napatingin ako sa kalangitan na punong-puno na ng mga bituin. Naisip ko kung tumitingin din ba siya sa mga ito ngayon.
Simula pa noon ay paborito na niya ang mag-star gazing. Nakakagaan daw kasi ng pakiramdam kapag tumititig siya sa mga bituin. Nakakaramdam daw siya ng kaginhawaan doon. Parang nawawala ang mga problema, nakakatakas siya sa realidad ng buhay.
"Sabi mo sa akin, kung gusto mo ang isang bagay, gawin mo ang lahat para makuha mo 'yun. Dahil mas madaling sabihin ang 'buti na lang' kaysa sa 'sayang'."
"Uhuh." pagsang-ayon naman niya sa akin.
"Pero hanggang kailan ba dapat maghabol?" Huminga ako ng malalim dahil may nararamdaman akong paninikip sa aking dibdib. "Hanggang kailan ba dapat lumaban? Kailan ba dapat sumuko?"
Uminom siya sa kanyang shot glass saka nagbuntong hininga bago magsalitang muli. "Do you know why I came back here?"
Binalik kong muli ang tingin ko sa mga sumasayaw na ilaw sa aming swimming pool. Umiling ako sa tanong niya. "You never told me, even mama and papa didn't know. You never told anyone."
"Then let me tell you a secret, Chaser. Mapagkakatiwalaan ba kita?"
"Of course." sagot ko naman sa kanya. Naaninag kong sumilay ang ngiti sa mga labi niya bago nagsimulang magkwento.
"There's this model, his name is Jack. Gwapo, mabait, matalino, and a freakin' gentleman. Alam mo naman ang ate mo, I have a thing for gentlemen. And to make this story short, I fell in love."
Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga alam na gusto pala ni ate ang mga gentleman, sa panahon kasi ngayon ay mas gusto ng mga babae ang mga bad boy, gangsters, o mafias. I don't even know where did they get that fuckin' idea. And I thought my sister's one of them, I'm glad she's not.
"Umamin ako sa kanya, na mahal ko siya. Pero hindi niya tinanggap iyon, dahil sabi niya ay may mahal na siyang iba, matagal na at hinihintay niya ang pagbabalik nung babaeng iyon. Inisip ko nun ay nagsisinungaling lang siya, wala talaga siyang ibang mahal, baka natapakan ko ang pride niya sa pag-amin ko dahil siya dapat ang mauna, siya 'yung lalaki e. I was too confident that time, iniisip ko na sino ang tatanggi sa isang Elite De Silvia? Baka nagpapakipot lang ang isang 'to." Narinig ko ang mahinag pagtawa niya sa gilid ko. Napakagat ako sa labi ko, madami akong tanong ngunit dapat ko munang patapusin ang kanyang kwento.

YOU ARE READING
A Best friend's Chase (Completed)
Teen Fiction(Crazy Friendship Series #1) Kailan nga ba nananatiling kaibigan lang ang isang kaibigan? Hanggang kailan nga ba dapat habulin ang isang taong ayaw magpahabol? "Tao lang naman ako, hindi machine." Nanginginig ang kanyang boses. Malungkot ito at m...