ABC (14) - "I'm hoping we're on the same page."

2.1K 47 2
                                    

ABC (14) – “I’m hoping we’re on the same page.”

Nawala na ang focus ko sa tibok tibok na iyon nang malanghap ko na ang amoy ng chicken at gravy ng KFC na nakahanda na sa harap namin ni Chaser. Naisip ko nga na baka guni-guni ko nanaman iyon dahil na rin siguro sa kulang ako sa tulog kagabi dahil sa The Orphan.

Dessert na ang kinakain namin nang may bigla akong naisip.

“May napili ka na bang course mo?” tanong ko sa kanya.

“Wala pa nga eh.”

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

“Nye! ‘Di ba sabi ko, maghanap ka na ng pwede mong course sa college? October na o!” bulyaw ko naman sa kanya.

“Wala akong mapili eh.”

“Imposible naman ‘yun. Kahit isa? Walang pumasok sa isip mo?”

“Meron. Business Ad. Para kahit papaano may mamamahala sa Malling Business nila Dad dahil Fashion Designer na si Ate. Pero..” napahinto siya saglit.

“Pero?”

“Ayoko talaga nun. Alam mo ‘yun? ‘Yung pakiramdam na parang alam mong hindi naman talaga para sa’yo  ang isang bagay? Pero wala naman akong choice dahil nga may iba nang inaasikaso si ate.”

“Ano ka ba, lahat naman tayo may choice. It’s either you choose what makes you happy and hurt others or you choose what makes others happy and hurt yourself.”

“Naks! Humuhugot ka na ngayon ah! Saan libro mo naman nakuha ‘yan?”

Sinapok ko nga sa braso. Hindi talaga siya pumapalya sa pagsira ng moment.

Tumawa naman siya sa pagsapok ko sa kanya.

“Pwede ba, seryoso ako ngayon. Kaya umayos ka.”

Huminga muna siya ng malalim para kumalma bago ako sinagot.

“Okay, Sige. Sabihin na nga nating ayaw ko talaga ng course na tungkol sa mga business na ‘yan. Ano namang kukunin ko? Any suggestions?”

Actually matagal ko na ring pinag-isipan kung ano ang bagay na course sa gunggong na’to dahil alam kong dadating ang araw na magtatanong siya sa akin ng ganito. At isa lang ang naisip ko.

“Civil Engineering.” Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

“Civil Engineering?” ulit niya sa sinabi ko. “Bakit?”

“E kasi, self-proclaimed Math genius ka naman at magaling ka pang magdrawing kaya sa tingin ko ay bagay na bagay talaga sa’yo ang course na ‘yun.” Sagot ko naman sa kanya.

Ngumiti naman siya sa suhestisyon ko na para bang sumasang-ayon siya sa sinasabi ko.

“Why not?” nagkibit-balikat siya.

“Alam mo ba, naisip ko na nga na balang araw, magtatayo ka ng bahay bakasyunan natin sa tagaytay! Whahahahahahaha!” oo na, malakas talaga ang imagination skills ko.

Pumungay ang kanyang mga mata at mas lalong lumawak ang ngiti niya nang marinig ang sinabi ko.

“Talaga? Ano namang gusto mong itsura ng bahay bakasyunan natin?”

“Ahm. Ano nga ba? Ah! Two-storey na antique house. Alam ko kasing modern house na ang magiging design ng bahay natin dito sa siyudad. At tsaka gusto ko napapalibutan ang bahay ng mga design na gawa sa kahoy. Siyempre ‘yung matitibay na kahoy dahil baka isang kalabit lang magiba na agad ang bahay natin kung hindi. Tapos malaki yung sala natin at tsaka ‘yung kitchen at dining area. Tapos sa taas may apat hanggang tatlong kwarto. Tapos nakatayo ‘yung bahay natin sa isang mataas na lugar kung saan makikita ang magandang view ng tagaytay. O ‘di ba ang ganda nun!” naeexcite kong sabi sa kanya dahil naiimagine ko talaga ang magiging itsura ng bahay namin.

A Best friend's Chase (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora