ABC (23) - "Stupidity"

2K 50 2
                                    

ABC (23) - "Stupidity"

Simula noon ay bumalik na rin sa dati ang lahat. Nagkabati na kami, nagkukulitan, nag-aasaran at nagbabarahan tulad ng dati. Well, ang pinagka-iba lang siguro ay naging extra sweet siya ngayon. O ewan ko kung ganun na ba talaga siya dati at ngayon ko lang napapansin.

Kasalukuyan kaming nasa canteen ngayon at hinihintay ang mga bumibili ng pagkain. Ewan ko ba kung paano napapayag ng barkada nila Tukmol sina Amy na makisabay sila sa amin ngayong lunch.

"Sushi! Selfie naman tayo!" Sigaw niya habang winawagayway ang kanyang phone.

"Pota. Kanina pa tayo picture ng picture, ngawit na panga ko kakaselfie natin! Pag ako nalock jaw, yari ka talaga sa kin!" Bulyaw ko naman pabalik sa kanya.

Lumapit naman siya sa akin at kinurot ang pisngi ko saka pinanggigilan ito.

"Ang cute cute mo talaga, Sushi!"

"ARAAAAAAYY!"

Tumawa lang siya nang tumawa sa daing ko. Bwisit na to. Pag namaga ang pisngi ko talagang tatadyakan ko siya ng full force!

"Picture na kasi tayo!"

"Pagkatapos mo kong kurutin?! Tadyak gusto mo?!"

"Yieee! Hahaha! Eto naman, nilalambing ka lang e. Labyu too!" Sabi niya sabay yakap sa akin mula sa likod kahit nakaupo ako.

Natuyuan naman ako ng lalamunan sa sinabi niya at kinagat ang ibaba kong labi. Shit. Fuck this shit. Wait lang. Wag kang kabahan. Wag mong ipakita na kinakabahan ka. Tang-ina wag kang magpapaapekto. Pilit kong kinakausap ang sarili ko.

Napatingin ako kay Grey na kasama naming naiwan sa lamesang nireserve namin. Makahulugan siyang nakatingin at nakangiti sa amin. Bwisit. Baka mahalata niya ako. Magsalita ka, Sesha!

"A-ahm. O-oy! Tigilan mo nga ako! Wag mo kong yakapin! H-hindi ako makahinga!"

Well, partly totoo yun, hindi talaga ako makahinga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. At yung natitirang parts ay para lubayan niya ko.

Hindi niya ako pinansin, sa halip ay kinuha niya ang cellphone niya at tinapat sa harap ko. Siya ang may hawak ng phone gamit ang dalawa niyang kamay kaya nakapulupot ang mga braso niya sa akin. Nilapit pa niya lalo ang mukha niya sa akin kaya mas lalo akong kinabahan.

Dugdug dugdug

Tang-ina lumayo ka please. Baka amoy maasim ako dahil pinagpawisan ako kakatakbo kanina. Shit. Nagcologne ba ko? Hindi, nagpulbos lang ako kanina. Puta! BA'T HINDI KO NAALALANG MAGCOLOGNE?!!

"Smile, Sesha." Kahit natigilan ako sa paghinga dahil sa pagbulong niya sa tenga ko ay pinilit kong ngumiti. Ngiting aso ata 'yung ginawa ko.

"Ayan. Ang cute natin dito o! Bagay na bagay!" Sabi naman niya sabay layo sa akin at tinignan ang picture naming dalawa. Habang ako ay tulala pa rin dahil sa nangyari.

"Sushi, may baon ka ba? Gusto mo, bilhan na kita?"

Tang-inaahh. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko kanina. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil hindi pa rin tumitigil sa mabilis na pagtibok ang puso ko. Paano kung amoy maasim nga ako kanina? Leche naman.

"SUSHI!" Napalingon agad ako kay Chaser nang marinig ko ang pagsigaw niya.

"Ha? Ah. Oo sige." Sabi ko ng marealize kung anong sinasabi niya kanina.

"Okay! Hintayin mo ko dito." Ngumiti pa siya at akmang nang aalis nang pigilan ko siya.

Dumudukot pa lang ako ng pera sa bulsa ko ay pinangunahan na niya ako.

A Best friend's Chase (Completed)Where stories live. Discover now