ABC (17) - " I want to be your partner for the rest of my life."

1.9K 45 0
                                    

ABC (17) – “ I want to be your partner for the rest of your life.”

Hindi ko na masyadong inisip ang mga sinabi ni Ayuii noong araw na ‘yun, dahil bukod sa hindi ko alam kung anong konek noon sa problema ko ay naging busy na rin ako sa mga gawain at pacontests sa school.

October na kasi at United Nations month. Essay writing contest, poster making contest at United Nations contest na kung saan magcocostume ang mga piling estudyante ng mga national costumes ng napili nilang mga bansa.

Pero ang pinaka-nakakatawa at inaabangan kong contest ay ang Cultural Dance kung saan sasayaw ng ballroom ang mga piling estudyante. Ang napili sa aming section ay sina Aaron, Paul, Grey, CK, Veil, Amy, Pauline, Rose, Penny at siyempre, ang pinakamalaking joke sa lahat ay si Chaser De Silvia! Humagalpak talaga ako sa tawa nang inanunsyo ni Mrs. Kumintang kung sino ang mga sasali sa pa-contest na ‘yun. Siyempre, umangal ang mga hearthrobs kuno dahil bawas dignidad daw iyon sa kanila.

“Ma’am naman, hindi bagay sa akin ang kumembot!” reklamo ni Grey.

“Oo nga po ma’am baka lalo kaming dumugin ng mga estudyante pag nakita kaming sumayaw, hindi po ba kayo naaawa sa amin?” pacute naman na sabi ni CK.

“Ah, basta. Ang mga binanggit ko ang sasali sa Cultural Dance. Magsimula na kayong magpractice mamaya. Aaron, ikaw ang maglead sa grupo, kayong dalawa ni Rose.” Utos naman ni Ma’am.

Si Aaron, ang bakla naming kaklase at si Rose ay parehong miyembro ng Dance troupe ng aming school kaya walang magiging problema sa choreography.

“Ma’am naman!” pahabol na reklamo pa ni Chaser.

“My decision is final. Class dismissed, maiwan ang mga magpapractice dito para sa sayaw.”

Humiyaw na ang mga kaklase ko at nagsitayuan na ang lahat. Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay hindi ko pa rin mapigilang hindi tumawa. Tang-ina naman kasi, si Tukmol, sasayaw ng ballroom? Kahit iimagine ata na sumasayaw siya ng chacha ay hindi ko maatim, nakakasuka. Hahahahahahaha!

Nagpaalam na kaming magkakaibigan kayla Veil at Amy na kasamang maiiwan sa room dahil kasama sila sa mga binggit ni Mrs. Kumintang kanina. Isusukbit ko pa lang sana ang backpack ko sa aking balikat nang may nanghablot nito. Pagkatingin ko ay si Tukmol pala, Pft. Mukhang binagsakan ng langit at lupa ang kanyang mukha. Hahahahaha!

“O? Baket? Pft. ‘Di ba may practice ka pa? Hahahahahahahaha! Sige na, ga-galingan mo kumendeng ha! Hahahahahahaha!” Natatawa kong biro sa kanya habang hinahablot ang bag ko mula sa kanya.

Pero imbis na ibigay ito sa akin ay bumaling siya kay Aaron na minimeeting na ang mga kasali sa contest.

“Aaron, hindi ako sasayaw hangga’t hindi si Sesha ang partner ko.” Seryosong sabi niya kaya napatingin sa kanya ang lahat ng nandoon.

Nakita kong napangiti si Veil at Amy sa sinabi niya samantalang si Grey ay tumawa ng malakas na sinabayan naman ng sipol ni CK. Nakita ko rin ang lungkot sa mga mata ni Penny ng marinig ang sinabi niya.

“Ulol! Nasisiraan ka na ba? Tang-ina mo, hindi ako marunong sumayaw! Asa ka!” bulyaw ko sa kanya habang sinasapok ang braso niya at inaagaw ang bag kong ayaw niyang ibigay.

“Chaser, mapapagalitan tayo ni Ma’am. Hindi naman siya binangggit ni Mrs. Kumintang kanina kaya hindi pwedeng sumali siya sa sayaw.” Sagot naman sa kanya ni Aaron.

“Oo nga! Tama siya! Akin na nga ‘yung bag ko!… Araay!” sabi ko nang tumama ang tagiliran ko sa desk ng isang arm chair at muntik na akong matumba. Shit! shit! shit!

A Best friend's Chase (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora