ABC (25) - "Time's up."

1.9K 50 0
                                    

ABC (25) - " Time's up."

Nakangiti ako nang magising mula sa isang magandang panaginip. Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakita ko agad ang malambot na unan ni Chaser na mahigpit kong yakap-yakap.

Bigla kong naalala na dito nga pala ako nakitulog sa bahay nila ayon na rin sa utos ni Papa. Tinakpan ko ang mga mata ko dahil sa pagtama ng sikat ng araw mula sa bintana papunta sa loob ng kwarto.

Wait. Sinabi ko bang sikat ng araw? Sikat ng araw? Umaga na? Tinanghali ako ng gising? Fuckshit! Late na ako sa klase!

Napabalikwas agad ako sa kama. nagkandahulog-hulog na ako sa sahig dahil pumulupot sa mga binti ko ang comforter na pilit kong inaalis. Kahit namimilipit sa sakit ay gumapang ako papunta sa study table ni tukmol para tignan ang maliit niyang digital clock doon.

9:45 a.m. Saturday.

Halos iumpog ko na ang ulo ko sa pader dahil sa nakita ko sa orasan. Bakit hindi ko ba naalalang biyernes kahapon at sabado na ngayon? Halos nagkandapilay-pilay na ako kanina dahil sa kamamadali pero weekend naman pala. Saan napunta ang utak mo, Sesha? Sa pwet ng manok na kinain mo kagabi at nacorrupt na ng cholesterol yang utak mo?

Napailing na lang ako dahil sa katangahang nagawa. Inalis ko ng tuluyan ang comforter na nasa nananatiling nakapulupot sa mga binti ko. Inayos ko muna ang kamang hinigaan ko bago pumasok sa personal na banyo ni Chaser.

Malinis at maayos ang pagkakasalansan ng mga gamit ni tukmol sa banyo. Nasa isang lalagyan ang shampoo, sabon, shower gel, shave cream, mouthwash, toothpaste at kung anu-ano pang chechebureche niya sa katawan.

Napakaselan talaga sa katawan ng gunggong na yun, daig pa akong shampoo at sabon lang ang ginagamit sa pagligo. Kung ako ay 15 minutes lang kung maligo ay itimes three niyo ito para malaman ninyo kung ilang oras siyang namamalagi sa banyo. Nagriritwal nga ata ang isang yun e.

Naghilamos ako ng mukha at namumog. Siyempre nakakahiya namang bumaba ako ng may muta pa sa mga mata at marka ng panis na laway sa pisngi. Baka palayasin ako bigla ng ate Elite niya.

Kinuha ko naman ang maliit na suklay niyang nakatago sa cabinet. Kahit mahirap ay isinuklay ko ang buhok kong may sabit. Kahit ata isang daang rejoice ay hindi na masosolusyonan ang buhok kong ito.

Nang sa tingin ko ay mukha na akong tao ay lumabas na din ako ng silid. Agad kong kinatok ang pintuan ng katabing kwarto ko pero nang walang sumagot ay binuksan ko na ito. Hindi naman nakalock e.

Wala akong nadatnan na naghihilik na tukmol sa kama nito kaya malamang ay nasa kusina na siya at kumakain. Sugapa talaga sa almusal ang isang 'yun! Di man lang ako ginising.

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa dining area. Dahil sabi nga sa isang pelikula, kung hindi ka matututong lumaban ay maaagawan ka! Kaya kakaratihin ko talaga ang tukmol na yun pag nakita kong may kagat na ang almusal ko! Ipaglalaban ko ang karapatan ng mga bulate ko sa tiyan na lumigaya!

"So, how is she? Is she fine? Still the amazona Gab that I knew? Did she grew more beautiful as ever? I bet she's still on the list of the top students in class!"

Unti-unting bumagal ang lakad ko nang marinig ang boses ng isang lalaki mula sa dinning area. Matigas ang pagbigkas nito ng ingles kaya malamang ay kano ito o kung sino mang taga-ibang bansa.

"She's okay." Narinig ko ang maigsing tugon ni Chaser sa sandamakmak niyang tanong. Teka? Si Chaser ang kausap nung kano? Hingi na kaya ako kayla ate ng isang roll ng tissue paper dahil malamang ay tumakbo sa akin si Chaser na walang humpay ang pagno-nosebleed at humihingi ng tulong. Whahahahaha!

A Best friend's Chase (Completed)Where stories live. Discover now