ABC (40) - "Always."
Mabilis dumaan ang mga araw at dumating na ang friday. Napag-usapan ng lahat na mag-overnight sa bahay nila Ome upang mafinalize na ang mga props at ang mga performances. Buti na lang at pinayagan ako nila Mama dahil siyempre, ipinaalam ako ni Chaser. Nangako siyang ihahatid din ako pauwi pero itong si mama ay sinabing huwag na daw, kahit maghapon pa daw akong wala sa bahay basta kasama ko si Chaser ay ayos lang sa kanila. Kainis! Simula talaga noong nalaman nilang nanliligaw sa akin si Chaser ay halos ibugaw na ako ni Mama, Papa at Kuya Shin sa kanya. What a life!"Pagod ka na?" napaangat ako ng tingin mula sa laptop nang marinig ko ang malambing na boses ni Chaser.
Kasalukuyan kasi akong nagpru-proof reading ng mga articles na pinasa ng mga writers ng school paper. Medyo masakit na nga ulo ko dahil minsan nagtataka rin ako kung tama ba yung grammar kahit alam ko namang mali, okay naman kasing pakinggan. Nakakadagdag din sa sakit kasi ngawit na 'yung leeg ko kakatype.
"Ikaw itong kanina pa sayaw nang sayaw, ako tinatanong mo niyan, siraulo ka talaga." sabi ko sabay balik ng tingin sa laptop.
"Ikaw ang matigas ang ulo." sabi niya sabay pitik sa noo ko. Araguy! Masakit! Tinignan ko nga siya ng masama. "Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na uunahin at uunahin kita bago ang lahat? Tandaan mo naman minsan."
"Ewan ko sa'yo." inirapan ko siya. Minsan talaga hindi ko alam kung sinusuyo ako ni Chaser o hindi dahil ganun pa rin ang turing niya sa akin, ang pinagkaiba nga lang ay mas vocal siya ngayon sa mga nararamdaman niya para sa akin.
Pero naisip ko rin na mas pabor at mas gusto ko iyon dahil paniguradong masusuka lang ako kapag makikita kong patweetums at pasweet si Chaser tulad ng ibang manliligaw. Sigurado, masasapak ko siya 'pag ganun.
"Patingin nga." Nagulat ako nang makita ko siyang lumuhod sa harap ko. Gamit ang dalawang kamay niya ay hinawakan nya ang mukha ko at iniharap iyon sa kanya.
Nagpanic agad ang kalooban ko dahil sa pagdampi ng mga kamay niya sa mga pisngi ko. Shit. Shit. Shit.
kahit naduduling ako sa pagkakatingin sa mga mata niya ay gumana pa rin ang reflex ko nang unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin. Agad ko siyang tinulak ngunit hindi ganoon kalakas dahil hindi pa rin natanggal ang kamay niya sa mukha ko.
"What?" nagtatakang tanong niya.
"What what ka diyan! Anong binabalak mo ha?!" sigaw ko sa kanya kahit humahampas ng todo ang puso ko.
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko ngunit agad din itong nawala ng maisip niya ang sinasabi ko. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Ito ata 'yung sinasabi sa wattpad na 'smirk'. Isang side lang kasi ng kanyang labi ang umangat nang ngumiti siya. At mas lalong lumakas ang dating niya para sa akin nang dahil doon.
Lalo niyang nilapit ang mukha niya sa akin, kahit inaatras ko ang mukha ko mula sa kanya ay pilit pa rin niya itong nilalapit sa kanya. Mas malakas pa ang mga kamay niya kaysa sa akin.

YOU ARE READING
A Best friend's Chase (Completed)
Teen Fiction(Crazy Friendship Series #1) Kailan nga ba nananatiling kaibigan lang ang isang kaibigan? Hanggang kailan nga ba dapat habulin ang isang taong ayaw magpahabol? "Tao lang naman ako, hindi machine." Nanginginig ang kanyang boses. Malungkot ito at m...