ABC (32) - "...na parang mahal mo ko."

1.5K 44 0
                                    

ABC (32) - "...na parang mahal mo ko."


Dumaan ang mga araw at kumalat sa buong school ang pagkakaroon ng relasyon ni Chaser at Penny. Marami ang nagtaka sa nangyari na ipinagtaka ko rin.

Ano bang nakakapagtaka sa pagkakaroon nila ng relasyon? Lalaki naman si Chaser, babae naman si Penny. Ano naman ang nakapagtataka doon?

At ang pinaka-ayoko lang ay iyong dinadamay nila ako sa eksena. Pag nababalitaan nila iyon ay lagi nilang tinatanong sa akin kung paano nangyari, anong ginawa ko, at  kung okay lang ba ako.

Madalas ay gusto ko silang sagutin ng.. "Hindi ako okay! Hindi.ako.okay! Naiinis ako! Nagseselos! Nasasaktan! Kaya please... Umalis ka na sa harap ko dahil baka sa'yo ko lang ito mabunton.". Pero napaka-selfiah nang ganun. Nasasaktan ako pero hindi ko hahayaang madamay din sila sa kalungkutan ko.

Kaya madalas ko lang isagot ay... "Nagulat na lang din ako sa nangyari pero okay lang ako. Masaya naman sila. Masaya ang bestfriend ko kaya maging masaya tayo sa kanila."

Gusto ko na ngang irecord sa cassette tape ang sagot kong iyon dahil paulit-ulit ang tanong ng mga tao. Hindi ko naman sila pwedeng hindi sagutin dahil ayokong may masabi sila sa akin. Mas okay na 'yung isang sakit lang. Pero kung dadagdagan pa ng mga judgemental na mga tao ay baka hindi ko na kayanin.

Ito siguro ang dahilan kung bakit ako iniiwasan ni Chaser ngayon. Hindi na siya sumasama sa barkada niyang sina Ome kapag sumasabay sila sa amin tuwing lunch. Hindi na rin niya ako kinakausap tuwing magkatabi kami sa room. Lagi niyang tatawagin si Penny para tumabi sa kanya at maghaharutan sila roon.

Lagi siyang tinatanong ni Kuya Shin sa akin dahil hindi na rin siya dumadalaw sa bahay. Sinabi ko sa kanya ay baka busy sa girlfriend dahil iyon naman ang totoo. Ngunit nang sinabi ko iyon ay hindi siya naniniwala at nagwawala siya sa di malamang dahilan kaya nag-iisip na lang ako ng ibang aliby tuwing  nagtatanong siya.

Hindi ko alam kung anong dahilan ng pag-iwas niya. Kung galit ba siya sa akin o sadyang ganoon lang siya pag nagka-girlfriend. Nakakalimutan ang mga kaibigan. May mga tao kasing ganun, porke't may mga karelasyon na, nakakalimutan na nila kung paano sila napasaya ng mga kaibigan nila noong mga single pa lamang sila. Siguro nga ganoon ang nangyayari kay Chaser.

Hindi ko matiyempuhang kausapin siya dahil lagi siyang nakadikit kay Penny. Kahit habang nagpapraktis ay naghaharutan sila. Minsan nga ay nagalit na si Aaron dahil sa paghaharutan nilang iyon pero dedma lamang si Chaser habang si Penny ay walang humpay sa pagso-sorry. Umalis lang ako doon bago ko pa mapagsabihan ang kumag na 'yun sa harap ng girlfriend niya.

Sabado na ngayon ngunit nagkita-kita pa rin kaming magkakaklase para sa practice sa musical. Sa bahay nila Ome kami nagpractice dahil walang masyadong tao sa bahay nila bukod sa mga maid. Mayroon din silang malaking covered court kung saan kami magpapractice ngayon.

Napansin kong nakatulala lamang si Chaser habang nagtatawanan ang mga kaibigan niya sa tabi niya. Malungkot siguro siya dahil wala si Penny ngayon sa practice kasi hindi ito pinayagan ng kanyang mama.

Kahit nasasaktan ako ay ayaw ko namang malungkot ang bestfriend ko. Kahit  nasasaktan ako ay kailangan ko pa rin namang gawin ang role ko bilang bestfriend niya.

Kaya noong lumabas siya papunta sa garden nila Ome ay sumunod ako sa kanya dala ang isang boteng mogu-mogu na paborito niya.

"Chaser." Tawag ko sa kanya kaya napatigil siya sa paglalakad at napalingon sa akin gamit ang malamig niyang mga tingin.

Napalunok ako.

Pinilit kong wag ipakita ang kabang nararamdaman at inabot sa kanya ang mogu-mogu. "Para sa'yo." Pinilit ko ring ngumiti.

A Best friend's Chase (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt