ABC (15) - " Pag tumingin ako sa'yo..."

2.5K 54 3
                                    

ABC (15) – “ Pag tumingin ako sa’yo, alam ko na kung anong ibig sabihin ng pag-ibig.”

MARAMI. Iyan ang isasagot ko pag may magtatanong sa akin kung ilan ba ang mga kaibigan ko. Sa labing-anim na taong existence ko sa mundong ito, marami na kong nakasalamuha na iba’t-ibang tao. May mabait, may manggagamit, may maingay, may tahimik, may kalog, may sabog, may maarte, may simple, may extrovert, may introvert at marami pang iba. Madaldal akong tao, ‘yung sinasabi nilang may bulate sa pwet, at kahit siguro kampon ka pa ni santanas, basta may bigbig, kakausapin ko. Basta swak ka sa panlasa ko, kaibigan na kita kahit hindi mo pa alam.

Pero kung tatanungin mo ko kung ilan ba ang mga tunay kong kaibigan. Ibang usapan na ‘yan.

“Ay puta ang tagal mo, nilulumot na ko dito! Anong ginawa mo sa loob? Nagrosaryo?!” Sabi ni Veil nang makita niya  akong lumabas mula sa isang cubicle ng cr.

Simula ata nang tumapak ako sa lupa ng eskwelahang ‘to, si Veil na ang simula’t-sapul na kasama ko.  Kinder hanggang ngayong 4th year highschool na kami ay kasa-kasama at kaklase ko na siya. Kabisado na nga ata namin ang isa’t-isa, simula sa paghinga hanggang sa pag-utot. 

Si Veil ay isa sa mga pinaka-moody na taong nakilala ko. Mabilis siyang magalit ngunit mabilis ding mapangiti. Parang armalite ang bunganga niyan pag nagalit siya, kahit buni mo sa paa ay lalaitin niya pag nabadtrip mo siya. Ang sarap namang hagisan ng tennis ball ang bunganga niyang pag tumawa siya, sobrang lakas kasing tumawa, wala siyang pakielam kahit nakakawala na ng poise ang pagtawa niya. Pero kahit na ganun kabalahura ang isang ‘to ay naging kaibigan ko pa rin siya, paulit-ulit ko ngang tinatanong kung bakit, paano, at kailan nagsimula. Ewan ko ba, no choice lang siguro ako nun. Hahahaha.

“Nasaan na sila?” tanong ko naman sa kanya habang kinukuha ang baonan ko mula sa kanya.

“Nasa baba.” Sagot naman niya at nauna nang maglakad. Patay. Nabadtrip ko nanaman ata siya. Mahirap kayang magpalit ng napkin! Matagal at maproseso. Putcha, ayoko nang maging babae!

Nang makarating kami sa ground floor ng building ay nadatnan namin si Yuni, Amy at Siren na halos mautot na sa kakatawa.

“O? Anong nangyayari sa inyo?” tanong ko naman sa kanila.

“Paano ba naman kasi ‘tong si Yuni! Gagita talaga! Hahahahahahahaha!” sabi naman ni Amy habang tinuturo si Yuni at hindi pa rin tumitigil sa kakatawa.

“Hahahahahahaha! Anong gusto mong gawin ko? Ipahiya pa lalo ‘yung sarili ko? Hindi kaya ng beauty kong mapahiya sa harap ni Papa Train no!”

“Sira! Sa tingin mo, ‘yung ginawa mo, hindi nakakabawas ng dignidad?! Ay jusko, Yuni. Ipupusta ko bahay ko sa bumbay kung hindi nabawasan ng 101 % ‘yang dignidad na pinagmamalaki mo dahil sa ginawa mo! Hahahahahahaha!”

Si Amethyst at si Yuni ang kambal sa uma ng barkada. Madalas silang magkasama, hindi mapaghiwalay at may mga sariling jokes na aabutin ka pa ng siyam-siyam bago mo magets. Si Amy ang pinakalider ng barkada, pasimuno sa lahat ng kalokohan, naalala ko pa nung sumali kami sa isang contest sa school dahil sa pangungulit niya at sumayaw kami ng Peacock na kanta ni Katy Perry sa harap ng maraming tao, with corny costumes and all. Putcha, kahit ata isipin kung paano ko nagawa ‘yun ay hindi ko na maatim dahil sandamakmak na kahihiyan ang inabot ko nun. Mabait naman ‘yang si Amy, maganda at habulin ng mga papa, maaalaga at mapagmahal pero pag ‘yan tinamaan ng katopakan sa utak, lintik lang ang walang latay.

Isang green joker naman si Yuni. May dala ata siyang sangkatutak na drum nang magpaulan ang diyos ng kaberdehan. Sa buong barkada, siya ang pinaka hindi ko magets, dahil minsan tahimik na para bang may iniisip na malalim, minsan naman sinusumpong ng kahyperan. Mayroon din siyang nag-uumapaw na self-confidence, self-proclaimed na maganda kahit palyado, self-proclaimed na sexy kahit walang boobs. Pero kahit ganyan siya, mabait at pasensyosang tao si Yuni, sobra-sobra kung magmahal kaya madalas nasasaktan. Ewan ko ba, kahit ilang ulit mong pagsabihin, hindi natututo. Totoo nga ang sinasabi ng ilan na kahit gaano pa masaktan ang isang tao, hinding-hindi siya titigil sa pagmamahal.

A Best friend's Chase (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu