CHAPTER 32

1.3K 73 64
                                        

Chances (9)

🌻🌻🌻

Rhianne slowly rotate the doorknob in the room where Bok used to stay. He take a deep breath before entering the room and as he step in, he could smell her scent in the whole room. Goosebumps, seems like she's still here and sleeping.

Naupo sya sa kama nito at marahang hinaplos ang bedsheets. Isang araw pa lang mula nang umalis ito, aaminin nya ang paninibago. Hindi sya sanay, parang may kulang at nawawala sa paligid nya.

Ngayon lamang nya nakita ang kwarto at hindi naman kinuha lahat ni Bok ang gamit nya. Nang nagtungo sya sa cabinet, mayroon pang mga damit kaya hindi nya maiwasang amuyin yung paboritong shirt nito. Gusto nyang mainis sa sarili habang yakap yakap nya iyon kasi hindi dapat ganito ang mga aksyon nya.

Nakalabi syang naupo sa swivel chair nito at namangha sya sa nakitang mga maliliit na canvas sa loob ng desk organizer.

"Wow..." he saw three 3 by 3 paintings of the sky. First the sunset, second half moon, and the last one is full moon, "ang galing ng Darling ko..." napatitig sya sa mga iyon at hindi na namalayan ang sinabi. Napakadetalye kasi noon kahit maliit lang.

"I mean...ang galing ni Bok." pagtatama nya at muling nagkalutkot doon. Marami pa syang nakitang mini paintings, yung iba nakuha ang atensyon nya dahil sa kulay kahel na paborito nya.

Napangiti sya ng makita doon ang mukha ni Peanut butter at Jelly. Ang iilan naman ay mga paintings na kakaiba ang konsepto na animo'y galing pa sa emosyon na naglikha noon, kumbaga a thousand words in one picture.

Tumaas naman ang isang kilay nya ng makakita ng legs sa isang canvas, napatingin sya sa sariling hita. Bakit parang legs nya iyon o nag aassume lang sya?

Umiling sya ng ilang beses at tumitig sa mga iyon. Alam nyang magaling nagpinta si Bok, pero hindi nya alam na ganito ito kagaling. Natutuwa ang puso nya.

Nakita nya ang alagang gagamba ni Bok na si Babe sa kulungan nito. Nagtangka syang hawakan ito ngunit huminto sya ng bigla syang irapan ng attitude na gagamba.

"Vaklang twouh..." aniya ng muli pa sya nitong irapan at pinakyuhan.

"Lilith?"

Pagkatapos nyang gumayak ay nagtungo sya sa kitchen para kausapin ito. Kasalukuyan itong naglalampaso pero fresh pa din ang itsursa. Sana ol fresh.

Nilapitan nya pa ito, "Ate?"

Bigla syang nahiya, "Hmmm..." kinamot nya ang sentido gamit ang mapilantik na daliri, "H-Hindi ba nagt-text sa'yo si Bok?" medyo hininaan nya ang boses.

"Tungkol saan ate?"

Umiwas sya ng tingin, "Uhmm...kung kailan sya bibisita o kung nangangamusta man lang." pinagdikit nya ang labi.

Napaisip si Lilith, "hmm...si PB at Jelly po kinakamusta nya."

"Ahh...sila lang?" he cross his fingers.

Ngumisngis ito at itinuro ang sarili, "Saka ako din ate kinakamusta nya."

"Ahh..." tumango sya ng ilang beses at lumunok, "Ako ba..." dahan dahan nyang itinuro ang sarili at nag baka sakali.

"Hmm?"

Napapikit sya ng mariin, "W-Wala syang nabanggit?" kinagat nya ang kuko.

Nagsalubong ang kilay nito, "Wala...naman po." nagtangka nitong kunin ang phone sa bulsa, "gusto mo tawagan ko ate?"

"Wag!" agad nyang sagot at iniharap ang palad, "Wag na...'wag na." umiling sya ng ilang beses.

"Okey." napanguso si Lilith at naguluhan sa mga aksyon nya.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon