CHAPTER 2

1.2K 71 38
                                    

CHAPTER 2

My Savior (2)

Lemon tree 🎼🎶

🌻🌻🌻

Nakabusangot si Bok habang nagpupunas ng mga drinking glasses sa bar. Alas nuebe ng gabi, ito ang trabaho nya, isang bartender. Nakasuot sya ng bartender uniform, kulay red at jumper's style. Her tattoos are expose, she fold her shirt up to above her elbow.

Ibinalik nya sa cabinet ang mga iyon saka pinunasan naman ang counter. Maingay sa paligid at nakakaduling ang papatay sindi ng disco light. Amoy usok din at alak, maraming taong nagsasayaw, naglalandian at naglalasing. Pero wala syang pakialam kasi nga naiinis nanaman sya sa hindi malamang dahilan.

"Hoy." tawag sa kaniya ng isang lalaking costumer at naupo sa bar stool.

Sinulyapan nya ito habang nakabusangot, "Hoy ka din." mahina nyang sambit at ibinalik ang tingin sa ginagawa.

Napantig ang tenga ng lalaki, "Anong sabi mo!?" galit nitong tanong sa kaniya.

Tinatamad nya itong tinignan, "Wala, ano ba 'yon boss?"

Lumaki ang butas ng ilong nito, "Gin." tugon nito na pawang nagmamadali, "Bilis."

Tumaas ang sulok ng labi ni Bok, "Nyenye~" aniya bago tumalikod at kumuha ng Gin.

Nagsalubong ang kilay ng lalaki, "Ano 'yon?"

Umirap si Bok habang nakatalikod, "Wala po." aniya at nilkhan ang butas ng ilong habang nagsasalin sa shot glass, "Ito po." umirap sya.

Nakasingkit ang matang dinuro sya ng lalaki, "Ayusin mo'y tingin mo."

Bumuga si Bok sa hangin at bumwelo, "Nyenye~"

Nanlaki ang mata ng lalaki at ibig ibig syang sakalin kaya nya kinuha agad ang isang silver serving tray, "Aba--"

Pinigilan agad ito ng babae nyang kasamahan, "Pasensya na boss." anito at pinakalma ang lalaki, "Kagagaling lang sa mental nitong kasama ko." pinandilatan sya nito.

Wala sa mood na nag thumbs up si Bok at sinenyasan ito. Isang tingin pa lang nya dito sa lalaki mukhang war freak na, sana mali ang kutob nya kundi talaga ay yayariin nya ito. Subukan lang maubos ang pasensya ng isang habulin ng bakla.

"Pagsabihan mo 'yan." babala ng lalaki at dinuro syang muli.

Dumila si Bok, "Nyenye--puta!" napangiwi sya ng bigla syang kurutin ng kasamahan nya sa tagiliran.

Masama sya nitong tinignan, "Umayos ka nga." anito at halatang inis sa kaniya, "Muntik ka na don...ba't ka ba kasi gumaganyan?" tanong nito at kumuha ng mixer.

Tinulungan sya ni Bok, "Trip ko lang bakit ba..." sagot nito at muling bumusangot.

Isang linggo pa lamang nyang nagtatrabaho dito habang si Wency naman ay isang buwan na. Ito lang ang naka close nya dahil ayaw nya sa ugali ng ibang nagtatrabaho dito. At naniniwala syang hindi nya responsibilidad na pakisamahan pa ang iba.

Nagbuntong hininga si Wency, "Sige dyan ka na, bigay ko lang 'to doon." inginuso nito ang isang table.

"K."

Matapos nyang magpunas ng bar counter ay tumungo sya roon at masamang tumingin sa paligid. Wala nanaman syang pera, lagi na lang nauubos dahil sa katimaawan nya. Kailangan talaga nya ng source of income na permanente, ngunit saan naman nga ba sya hahanap ng trabaho samantalang hindi sya tapos ng pag aaral.

"Putangingang 'yon. Ang yabang..." bulong nya at inigting ang panga.

Ayaw na ayaw nya sa mayabang at mukhang unggoy na barumbado.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon