Chances (1)
🌻🌻🌻
Inihinto ni Bok ang kaniyang sasakyan sa gilid ng eskinita kung saan nakatambay ang mga batang palaboy laboy.
"Bok!!" malakas na sigaw nung isang bata na madaldal, "Libre mo naman ako, nagugutom ako e." sabi nito pagkaharap sa kanya at hinimas pa ang tiyan kasabay ang pagnguso.
Inismiran nya ito, "Ayoko nga." aniya pagkatapos ay dumiretso sa isang tindahan.
Sinundan sya nito, "Ehh! Sige na! Minsan ka na nga lang magpakita sa amin." pagpupumilit ng bata sabay hila sa laylayan ng kaniyang damit.
Naupo sya sa bench, "Nagtatawag ka lagi, ayoko." inirapan nya din ito.
Paano kasi tuwing pupunta sya rito, imbes na isang daan lang ang nagagastos nya ay nagiging limang daan dahil ang kutong lupang si Picollo laging tumatawag ng isang batalyong batang rugby.
Nagkamot ito ng ulo at tinabihan sya, "Sige na, parang hindi naman tayo tropa." pamimilit nito.
Pinagmasdan nya ang marumi nitong damit at pangangatawan, mukhang ilang araw na kasing hindi naliligo, "Ewan ko sa'yo." pasimple nyang kinuha ang pitaka, "Ilan ba kayo?"
Nginitian sya nito, "Ten lang."
Napahinto si Bok sa pagbubukas ng pitaka, "Putangina..." malutong nyang mura sabay tingin ng masama kay Picollo.
Nagtataka sya nitong tinignan, "Ano 'yon? Nagmura ka ba?" tanong ng bata.
Hinawi nya ang buhok at tumayo, "Oo, halika ka na nga." lumapit sya sa tindahan at bago sya bumili ay pagbabantaan nya muna ang batang mapag aya, "Wag ka na magdadagdag kundi kukutusan na kita." medyo ginatukan nya pa ito na may halong gigil.
Tumatawa nitong hinimas ang batok, "Hehehe salamat Bok." sabi nito at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang pisngi, "Tropa! Let's join me!" malakas nitong sigaw doon sa eskinita.
Nanlaki agad ang butas ng ilong nya nang magsilabasan doon ang siyam na batang hamog, naliliyo sya kaya hinarap na lamang nya ang busangot na tindera, "Sampong ensaymada nga po saka coke sampo din at isang cobra." napahilot sya ng sentido at nagdadalawang isip na hinugot ang limang daan sa pitaka.
"Okay, wait lang." sagot naman nito at kinuha ang mga bibilhin nya.
Muling hinila ni Picollo ang kaniyang damit, "Bok! Pwede din ba ako magpatattoo ng ganiyan sa'yo?" tanong nito at matapos papilahin ang mga kasama nya.
Sumandal sya, "Oo naman paglaki mo." tugon nya.
Tumabi ito sa kaniya, "Ngayon na, ikaw magtattoo saken nakita ka doon ha. Nagtatrabaho ka pala kay Bossing Tingting." siniko siko nito ang hita nya sabay ngisngis.
Umangat ang sulok ng pisngi nya, "Pakutos nga isa lang."
"Ayaw." agad nitong sagot at nginusuan sya, "Saka na nga lang, kasungit mo."
Inirapan nya si Picollo at kinuha na ang mga pinamili pati ang sukli nya syempre iyon na lang din ang pera nya kakabayad nya lang ng tubig, "Oh ayan kumain kayo." binigyan nya ang mga bata ng ensaymada isa isa habang si Picollo naman ang nagbigay sa mga ito ng supot ng coke, "Ang babaho nyo, maligo kayo pagkatapos nito, naiintidihan nyo ba?" nilukot nya ang ilong at naupo sa street gutter saka sumipsip ng cobra.
"Opo, Bossing." tinabihan sya ng mga ito, "Hindi pa nga ako tuli, alam mo ba iyon? Siyam na ako." pagkukwento nito at umasim ang mukha.
"Magpatuli ka na." aniya, "Doon sa center walang bayad."
Nilukot nito ang ilong, "Wala nga ako kasama, baka samahan mo ako?" tinaas baba nito ang kilay, "Sabay sabay kaming sampo, supot pa kaming lahat hehe. Masakit bang magpatuli Bok?" seryoso nitong tanong sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Switch Series 2: Sincerely Yours,
HumorSimple lang naman ang buhay ni Ricky Boy Vedenin o mas kilala na Rhianne, wala naman syang ginagawa kundi ang magdilig ng kaniyang mga halaman, manahi, mag inarte at magpatirik ng sariling mata. Sa di nya inaasahang pagkakataon ay nakakilala sya ng...