CHAPTER 59

726 36 14
                                        

A Family (4)

This Chapter is dedicated to GorgeousAlya <3 I had fun chitchatting to u ghurl!

Enjoy!

High for this

🌻🌻🌻

Dalawang araw matapos umalis ni Peanut Butter at Jelly sa bahay. Naging abala sa trabaho si Rhianne at laging naiiwan si Bok mag isa, ngayon lang nya naabutan ang kasintahan sa bahay ngunit abala pa din ito sa mga gawaing pang tahanan. Pinagmamasdan nya lamang ito habang nagdidilig ng mga halaman sa hardin.

Napabuntong hininga si Bok, hindi nya ba alam kung may problema ba ito o ano, pwede naman sabihin sa kaniya. Sa totoo lang ay ngayon nya lang ulit nabigyang atensyon si Rhianne dahil magmula nang makaroon ng usapin patungkol sa mga bata at doon na lamang sya nakatutok at tila ba nakalimutan nyang mayroon pala syang kasuyo.

Ipinilig nya ang ulo at sinubukang tanggalin muna sa isip ang mga bagabag. Nilapitan nya ito at nagtira sya ng kaunting agwat sa pagitan nila, "Sexy..." mahina nyang tawag dito, "Oy."

Hahawakan na nya sana ito sa braso, "Hi." ngunit natigilan sya sa sagot nito.

Hi? Anong hi? Sandali lamang sya nito nilingon at nagpatuloy na sa ginagawa.

Pumamewang sya, "Tara na sa loob, tapos ka na diba?" hula nya, pinatay na kasi nito ang hose ay uminon ng tubig sa tumbler.

Umiling ito, "Ah...hindi pa. May gagawin pa ako." hindi sya nito tinitignan sa mga mata kaya sinubukan nyang hulihin ang mga tingin nito pero wala, bakit kaya?

Muli nya itong nilapitan, "Sige, tulungan na kita." sinubukan nyang tulungan ito sa pag iikot ng hose pero inilayo ni Rhiane iyon sa kaniya.

"Hindi okay lang, kaya ko na."

Nagsalubong ang mga kilay nya, hinayaan ito at pinanood lang.

"Okay ka lang?" tanong nya, obvious naman hindi okay si Rhianne bakit pa nya tinatanong? Oh baka naman ideny--

"Uu, okay lang." maliit itong ngumiti at muling uminom ng tubig.

Ilang beses syang tumango at isang beses huminga ng malalim, "Eh tayo, okay lang?"

Mapait syang ngumiti at tumitig sa mga mata nito, hindi naman sya nito pinapansin, ganito pa ang trato sa kaniya—kumikirot ang puso ni Bituin.

"Huh?" doon nya nakuha ang atensyon nito.

"Tayo." itinuro nya ang sarili at si Rhianne, "Kumusta tayo?" bakit ganon? Nagtatanong pa lang sya ay alam nya na ang sagot.

Nag iwas ito ng tingin, "A-Ayos lang." nauutal nitong sagot, "Diba?"

Putangina, nagsisinungalin si Rhianne, "Bakit?"

"Hmm?"

"Bakit?"

"Anong bakit?"

Hinawi nya ang buhok, nakakastress umagang umaga. Ayos lang ba talaga?

"Hmm..." nagkamot sya ng noo at umiling, "wala, baka ako lang 'to." tugon nya, baka nga sya lang ang may problema o pinapaniwala nya lang ang sarili nya.

"Ano?" malimit nitong sambit.

Gusto nyang maging honest, "Ahh..." sige sasabihin na nya para tapos na, "pansin ko kasi, parang lumalayo ka. Matagal ko na napapansin pero sana hindi totoo, parang lang naman hehe." sinubukan nyang tawanan, diba kasi hindi naman talaga sya nago-overthink ngayon lang.

"Sorry."

Napawi ang ngiti sa kaniyang labi, "Huh?"

Sorry? Sorry saan?

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon