CHAPTER 57

523 29 11
                                    

A Family (2)

🌻🌻🌻

Sa loob ng opisina ni Rhianne, sa lounge ay kasama ni Rhianne si Mama Du~ na kasalukuyang manghang mangha sa mga ibinigay nyang dress dito. Nakatayo ang ginang habang sya naman ay nakaupo at natutuwa sa reaksyon nito habang iniisa isa iyon.

"Putangina..." tinakpan nya ang bibig sa pang siyam na beses nitong pagmumura, "Ang gara naman nito kasyang kasya sa'kin ito anak." anito at itinapat sa sariling katawan ang kulay kahel na dress, actually galing ito sa mga kapuwa nya na seamstress or dressmaker na partnering ang tawag or it is called ka joint venture nya.

"Syempre po, Mama Du~ para sa inyo talaga iyan, at ito naman po ay para kay Barbara." tinapik nya ang iilan pang dress sa lamesita. Alam nyang magugustuhan iyon ni Barbara at mga kulay orange iyon at pink, pak na pak sa kaniyang soon to be sister-in-law.

Iyon naman ang kinuha at sinuri ni Mama Du~ nya, "Nakupo, kasyang kasya din sakaniya ito." ngunit bigla nitong pinalaki ang butas ng ilong, "Kaso baka di nya suotin at hindi sya mahilig sa mga ganitong damit." naisip ng misis na ang paboritong kulay ng anak nya ay kulay itim at malayo sa mga kulay nitong mga dress, isa pa hindi naman ito gaanong nagd-dress, baka masayang lang.

Rhianne scrunches his nose, "Ayos lang po, Mama Du~ itry nya po kapag may occasion." suhestyon nya, "Bagay sa kaniya iyan."

"Salamat." tugon nito, kailangan nyang mapilit ang anak upang masuot ang mga bestidang ito para maligawan at magmukhang babae, "Isuot ko kaya ito pauwi? Para pagtsismisan ako ng mga inggitera kong kapit bahay." sumingkit ang mga mata nito habang nakatitig sa orange trumpet dress.

"Pwede po hihi~" napangisngis ang vakla, revealing kasi iyon at paniguradong pakat na pakat sa animo'y katawang dalaga ng kaniyang soon to be mother-in-law.

"Mga putanginang 'yon, alam mo pinakakalat nilang buntis daw si Barbara. Ayon nagalit ang anak ko at pinagmumura sila."

"Syetness..." hindi nya maimagine ang galit ni Barbara, dapat sya nalang ang tsinismis na buntis hindi naman sya magagalit, matutuwa pa sya. Vaklang feeling may matres.

Naupo si Mama Du~ sa kaniyang tabi, "Nga pala, kumusta na ang anak ko? Nag aapply na ba?" kumuha ito ng sandwich at nagpalaman.

"Si Bok po?" tinulungan nya ito, "Hindi pa po, ewan ko po ba parang wala pa syang balak ih." 'yun ang napansin nya, wala pang ginagawa si Bok. Wala naman din itong sinabi kung anong plano, hindi naman din sya magkaroon ng time upang magtanong dahil na din sa mga pangyayaring hindi nya inaasahan.

"Gagong 'yon ah, kakagraduate." gigil itong kumagat sa tinapay, "Makukutusan ko talaga iyang bata na 'yan."

"Baka po kasi gusto lang nya magrest muna." opinyon nya lang, sya din kasi pagkatapos naggraduate ay nagpahinga muna sya ng ilang buwan.

"Rest...nagtatrabaho sya noh." napabuntong hininga ito at uminom naman ng orange juice.

Bago sya magsalita ay huminga muna sya ng malalim, "Mama Du~" pagtawag pansin nya dito, seryoso may kailangan syang itanong.

"Hmm?"

"Miss nyo na ba si Bok?"

"Huh?"

Naging seryoso din ang ginang kaya nilinaw nya ang gustong iparating, "Gusto nyo na po ba syang umuwi sa inyo?" gusto din nyang malaman dahil magulang ito.

Hindi na ito nagdalawang isip, "Oo naman." diretsong sagot ni Mama Du~ at nagpatuloy, "Gustong gusto, pero wala yata syang balak at sa'yo na nakatira." kita nya ang pait sa ngiti nito kaya naman napaiwas sya ng tingin.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon