CHAPTER 35

1K 56 21
                                    

Relationship (3)

Still fighting it

🌻🌻🌻

Nanonood ng basketball si Bok sa telebisyon, nakapatay na ang ilaw sa kanilang apartment kaya ito na lang ang nagsisilbing ilaw sa kanila. Nakaupo sya sa couch at nakapatong ang dalawang paa sa lamesa, suot nya ang isang boxer at maluwag na t-shirt. Katabi nya si Reina na baligtad naman ang upo, nakaulo ito sa dulo ng upuan at ang paa ay nasa sandalan, suot nya ang isang pink na bathrobe at nakahawak sa umbok ng tiyan.

Limang buwan na ang tiyan nito ngunit doble ang laki dahil kambal ang magiging anak nito. Limang buwan na din si Bok na nananakit ang ulo ngunit napapawi ang lungkot nya sa kakulitan batang ito.

"Chuck?"

Tinatamad nyang ipinahinga ang dalawang braso sa sandalan ng upuan, "Hmm?" ayan, nararamdaman nanaman nyang may gusto itong si Reina e.

Pansin nya ang paglikot ng kamay nito sa kaniyang tagiliran,  "Are you listening to me?" tanong pa nito.

"Mhm-mhm."

"Okay." bumwelo pa ang batang buntis bago sabihin ang nais, "Can you buy some food?" napabusangot sya, tama nga ang nararamdaman nyang hindi maganda.

Hindi naman kasi si Reina ang nahihirapan sa paglilihi kundi sya. Sya lagi ang napipiste sa mga imposibleng pagkain na gusto nito, ano na lang ang mangyayari sa mga magiging anak nito.

"Anong food? Hating gabi na Reina wag kang paepal." aniya at inirapan ang dalaga.

Kinurot sya nito sa pisngi, "Chuck...I want a mango." anito at lumabi.

Pinagkrus nya ang braso at inginuso ang kusina, "May manga dyan sa lamesa."

"I want a mango...in pink color."

Nanlaki ang butas ng ilong nya, "Puta..." pagmumura nya't naiinis itong tinignan, "Saan ako hahanap ng mangga na pink?"

Pinagdikit nito ang hintuturo, "Maybe in the market? Meron siguro? Just find me some...please?" nagbeautiful eyes si Reina.

Umirap sya, "Ayaw ko nga, parang tanga Reina. Pink na mangga? Ginagago mo ba ako huh?" binigay nya ang atensyon sa tv kaysa kay Reina na malakas pa ang amats kaysa kay Barbara.

"Seryoso ako, Chuck." hinimas nito ang tiyan, "I want a pink mango."

"Ewan ko sa'yo."

Dumikwatro ito, "Alright, then I will sing so you cannot sleep." saad nito kaya napamura sya.

"Putanginang bata--" napangiwi sya ng takpan nito ang bibig nya gamit ang paa, "aray ko! Putangin--ahhh!! Putang--masakit puniet--" paulit ulit nitong tinapik ng paa ang bibig nya na sya namang sinasangga nya.

Pwe, lasang alikabo ang paa ni Reina. Nakakadire ampota.

Naupo ito ng maayos, "My babies will hear you!" pagalit nitong sambit, "Don't say bad words, you bad butch!" pinagsalubing nito ang kilay at tinignan sya ng masama.

Sinamaan nya din ito ng tingin, "Hayop ka--" hindi na sya nagulat ng sampalin nito ang bibig nya, "tangin--oh! Hindi na pusang ina mo Reina, pusang ina mo ka, animal ka, lintek."

Napapikit sya ng mariin ng muli nitong tapikin ang bibig nya gamit ang alpobra, "Aray!" daing nya at lumayo sa dalagang tigre, "Tang na juice, masakit!" hinimas nya ang pisngi at bibig, hayop na babae talaga ito nakakaputangina. Sa isip na nga lang sya nagmumura.

Putangina ni Reina.

"That's what you get when you say bad words, okay?" masungit nitong sabi.

Inirapan nya ito, "Gago." aniya at muling nakatikim ng sampal, "Aray!"

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon