CHAPTER 40

1.1K 52 35
                                    

The Visitors (2)

🌻🌻🌻

"Ahhh...ang sarap..."

"Ahhh...hmmm..." ungol ni Mario, "oh my gulay..."

Binasa ni Bok ang labi at hinimas ang sariling lalamunan. Napatingin sya kay Mario, nasa tabi nya ito at kanina pa ungol ng ungol. Kung si Bok ay pala-kadyot, si Mario naman ay pala-ungol.

Nginangatngat nito ang isang cucumber habang nanonood sila ng mukbang.

Halos maglaway si Mario habang nakatitig sa screen ng laptop, "Bossing...nalalasahan ko na ang chicken." pinangas nito ang pipino na pawang chicken legs.

Sinapo naman ni Bok ang sariling laway matapos ang maubos nung babae yung napakaraming pagkain.

Nagpunas sya ng bibig, "Mag mukbang din kaya tayo?" suggestion nya sa kaibigan.

Habang ngumunguya ay nagsalita ito, "Ano ang imukbang natin?" tumingin ito sa kinakain na paubos na, "Veggies?"

Napangiwi si Bok at umiling, "Hindi...dapat yung masarap." tumakam sya at hinimas ang dibdib, "Mga karne ganon. AKO ang bahala sa pagluluto." madiin ang kaniyang mga huling salita kaya medyo napabusangot si Mario, sadboi nanaman ito.

Nagsalita si Rhianne na kanina pa nakatingin sa kaniya, kakatapos lang nito magsampay ng mga damit at suot suot pa ang bandana nya, "Darling ko~ ako na lang ang i-mukbang mo. Hindi ka na gagastos." nagsuggest din ang vaklang walang preno ang vivig.

Nanlaki ang butas ng ilong ni Mario at muling naalala ang bangungot nya kagabi. Pambihira, kailan ba sya makakamove on?

Minulagatan ng mata ni Bok ang kasintahang maharot pa sa baging, "Shhh!" alanganin itong ngumiti kay Mario at tinapik tapik ang balikat, "Hehehe... so ano nga Bossing? Gusto mo tara sa palengke?" malakas ang pakiramdam nya na itong si Mario ay may something na nakita, ganern. Itsura pa lang nito, tanginang parang suyang suya.

Dahan dahang nag angat ito ng tingin, "Pwede." bumaling ito sa isa pa nilang kaibigan, "Bossing Mot!"

Nakasalampak naman sa orange rug si Motmot kayakap ang kambal at kapwa sila nanonood ng cocomelon sa sarili nitong ipad.

Sinulyapan lang sila nito, "Bossing, we're busy." at naging busy ito sa panonood, "Kayo na lang muna ni Bossing Bok."

Napangiwi ang dalawa sa kanilang nasaksihan. Wala namang bago kay Motmot, para lang itong kasing edad ni Peanut butter at Jelly.

"ke ke ke~" tawa nito kaya napatingin ang kambal sa kaniya, "Let's watch it again, Pb and Jelly."

Kita ang takot sa mukha ni Peanut butter, "Your laugh is really weird Tito Bossing Monster Motmot." mahina nitong sambit at kumapit ng mahigpit sa dress na suot ni Jelly.

"ke ke ke~" ulit pa nito, "weird?"

Tumango si Jelly at kinurot ang dalawa nyang pisngi, "But you're such a cutie, Tito Bossing Monster Motmot." tinapik nito ang kamay ni PB na may kasamang irap.

Natutuwang ngumiti si Motmot, "Thank you, you are a cutie little pinkie too." nagkurutan silang dalawa ng pisngi.

Nanatiling nakikinig si Mario at Bok sa pinag uusapan ng tatlo. Bukod sa mahilig sa bata itong si Motmot ay magaling itong makisama, kavibes nya agad unang kita pa lang. May something din sa taong ito na hindi nya maipaliwanag.

"Uno will like me, right?" tumaas ang isang kilay ni Bok sa sinabi ng anak nyang babae, "You'll be our ninong po ha?"

Nalukot ang mukha nya, sa lahat ng tao bakit si Chris pa ang mamanugangin nya? Malaki din ang problema sa pag iisip non!

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon