CHAPTER 46

913 46 47
                                    

Darling&Sexy (3)

Shout out kay Boyish_black18! Hello naman kay ate ghorl, infairness medyo makulit sya! I like u! Luv u~😘 Nga pala wag nyong ginagaya si Bok na palamura, ukieee? Magagalit si Motmot and Mario. Bahala kayo baka singilin kayo ni Jelly. 😂😂

-🌻💕

Raw. Unedited.

Come inside of my heart

🌻🌻🌻

Masayang naglalakad patungo sa field ng University si Rhianne. May dala dala syabg dalawang basket at ang kaniyang shoulder bag. Nakita nya agad doon si Bok at ang team nito, tingin nya ay nagpapahinga na sila at tama lang ang timing nya. Halos malapit na din ang lunch break.

"Hello guys!" pagbati nya sa mga ito pagkalapit nya at syempre sa pinakamamahal nya, "Darling ko~"

Nagtinginan naman sa kaniya ang mga ito, "Hi Rhianne!!" ngunit malaki ang ngiti nya ng makaharap si Bok.

Ihhh~ kasing hot ng Darlington nya ang tirik na araw, pawis na pawis ito suot ang itim na joggers, longsleeves shirt jerseys na kulay orange at syempre sya ang bumili at nagpersonalized noon. Divahh, vagay na vagay sa Darling nya, kay sarap titigan. Malay nya bang isusuot nito ang damit na iyon, kahit sa totoo lang masakit at nakakasilaw sa mata. Si Bok kahit hindi na maghintay ng stop sign ay pwede na tumawid kasi kusang titigil ang mga sasakyan.

Nilapitan sya nito, "Huy, nandito ka?" kaya naman agad nyang ibinaba ang dalawang basket at kumuha ng hand towel sa bag.

"Binibisita ko lang kayo." sagot nya at pinunasan ito, napatingin din sya sa background nilang ginagawa,  "Wow, malapit na ba kayo matapos?"

"Oo, medyo malapit na. Ano yung dala mo?"

"Merienda?" tinaas baba nya ang kilay.

Nagsalita naman agad si Jojo, "Napaka thoughtful girlfriend naman." at kinuha na nito ang basket, "Sanaol!"

Kinikilig nyang ipinilantik ang kamay, "Ihh~ kayo talaga, wala iyon."  he scrunch his nose in joy.

Kung paghahandaan nya man ng makakain si Bok ay sasama na nya ang grupo nito.

"Thank you, Rhianne!"

"Welcome!"

"Tss." napatingin sya kay Bok, may hawak na pala itong tinapay, "Edi aalis ka din kaagad?"

Tumango sya, "Uu ih...mga ten minutes pa, Darling ko~" nakakaloko nya itong tinignan, "susunduin ko pa ang kambal natin, kaya naman sulitin mo na ako, hihi~" kahit bawal ang PDA sa campus ay niyakap nya ito.

Tinawanan lang sya ni Bok at hinawakan sa braso, "Tara dito." at idinala sya nito sa picnic blanket na may kasamang pole tent, "Anong binaon mo sa dalawa?" parehas sila doon naupo.

Kumuha sya ng tumbler, "Hmm...pasta ulit." sumipsip sya sa straw bago magpatuloy, "Alam mo naman si PB, parehas na din sila. May bread naman din akong ginawa saka orange juice. Ito nga pala ang sa iyo, Darling ko~" pagkatapos nyang iabot kay Bok ang ininuman nya para indirect kiss, naupo sya ng pang Maria Clara at nakadress sya mahirap na baka masilipan.

"Salamat." pinagdikit nya ang labi ng sumisip din si Bok doon, ayie nagkiss na sila. Char.

"Anong oras uwi nyo?" sumandal sya dito, "Gagabihin ba kayo?"

"Hindi naman." umiling ito, "Chat na lang kita."

Napabuntong hininga sya, "Ukieee..." tiningala bya ito, "hmm...Darling ko~?"

"Hmm?"

May sasabihin syang importante, "Bukas kasi..." he paused, "tutal saturday naman, pwede kaya ako..." pinagdikit nya ang dalawang hintuturo, sana pumayag.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon