Trapped (1)
🌻🌻🌻
"A-Ano ulit iyon Darling ko~?" nakakalokong tanong ni Rhianne kay Bok.
Magda-dalawang minuto na nya itong tinatawag pero dalawang minuto din itong nakatulala at tumitirik ang mata. Ibig ibig na nya itong sampalin sa takot na hindi na bumalik sa dati ang mga mata nito ngunit naalala nya ang nakakapanggalit na ginawa ni Rhianne sa Mall na kaniyang pinagtatrabahuhan dalawang araw na ang nakalipas at ang kahapon din na ipinagkalat nito sa mga katrabaho nya sa Restaurant.
Hinampas nya ng malakas ang lamesa, "Sabi ko, putangina. Anong pinagkakalat mong syota kita?!" hindi na nya napigilan ang emosyon.
Pagkapasok nya sa department store ay pinagtsi-tsismisan sya ng kaniyang mga kasamahan na kesyo may jowa daw syang bakla kaya pinagtatawanan sya. Ganon din sa Restaurant napagtitripan na sya ng mga katrabaho doon. Tinanong nya kung sino ang nagsabi at iisa lang ang itinuturo ng mga ito.
"Ihhhhh!" si Rhianne, matinis nitong tili at dinukwang sya, "Isa pa ulit please." malaki ang ngiting sabi nito.
Nagkunot ang noo nya, "Ano?"
Sa sobrang badtrip nya ay sinugod nya agad ang may tililing na vakla sa boutique nito. At sa sobrang badtrip nya din ay nagawa na nya itong murahin na pilit nyang pinipigilan noon pa man. Sobra na ang ginagawa nitong kahihiyan sa kanya.
Pinagdikit nito ang palad, "Sabihin mo ulit, putangina ko."
Kumibot kibot ang gilid ng labi nya, "Gago ka ba!?" kinuwelyuhan nya ito, "Bakit pinagkakalat mong syota kita?!" asar nyang tanong kay Rhianne at halos magdikit na ang ilong nilang dalawa.
Kita nya ang paglunok nito, "Totoo naman diba?" halos maduling ito sa sobrang lapit nila sa isa't-isa at bigla na lamang ding namula ang pisngi, "H-Hahalikan mo ba ako?" ngumuso pa ito sa kaniya.
Nandidiri syang lumayo dito, "Anong--wala akong sinasabi!" ikinulom nya ang kamay, "Tangina ha!"
Muling ngumisngis ang vakla, "Ihhh~" tumirik muli ang mga mata nito at inayos ang sariling damit, "Tangina ko?"
"Oo!" agad nyang sagot, hindi na nya alam ang gagawin kay Rhianne. Nakakapikon pa sumagot! Anong klaseng sagot ang putanginang tangina nya raw?
Tumirik ng todo ang mata nito kaya naman nalaglag ang panga nya, "Ihh! Tangina mo 'rin Darling ko~" kilig na kilig nitong sambit at tumayo.
Hindi sya makapaniwala kay Rhianne, "Minumura mo ba ako!?" ibig nyang ngumiwi ng muling makita ang pagtirik ng mata ni Rhianne para syang manika nung araw, yung burado na yung itim ng mata.
Lumapit ito sa kaniya, "Mamahalin nalang kita Darling ko~ gusto mo?" at nagbe-beautiful eyes pa itong lumingkis sa braso nya.
Agad nyang inalis ang kamay nito, "Putang'na, lubayan mo ako Rhianne." sinamaan nya ito ng tingin at itinuro, "Sinasabi ko sa'yo..." pagbabanta nya at medyo lumayo dito, baka mamaya kung ano ang gawin sa kaniya ang sama silang dalawa lang sila sa opisina nito.
Ngunit mukhang walang makakapigil kay Rhianne, "Hihi~ uwi na tayo Darling ko~" ipinalupot nito ang braso sa leeg nya at inilapit ang bibig sa tenga, "Sasakay ako sayo hihi~"
Nagsitayuan ang balahibo nya sa katawan, "T-Tangina mo." pinilit nyang maging matapang sa harap ng may sayad na vakla.
Tumirik ang mata ni Rhianne, "Ihhhh!"
🌻🌻🌻
Alas sinco ng madaling araw ay mainit ang ulong nagising si Bok. Agad syang naghilamos at nagpalit ng running outfit na parehas kukay pula. Nasa kwarto sya ni Peanut butter at Jelly natulog sa takot na baka gapangin sya ni Rhianne sa kwarto nyang sarili. Mas mabuti na ang nag iingat.
BINABASA MO ANG
Switch Series 2: Sincerely Yours,
HumorSimple lang naman ang buhay ni Ricky Boy Vedenin o mas kilala na Rhianne, wala naman syang ginagawa kundi ang magdilig ng kaniyang mga halaman, manahi, mag inarte at magpatirik ng sariling mata. Sa di nya inaasahang pagkakataon ay nakakilala sya ng...